Chapter 22

0 0 0
                                    

"SINO 'YON, Thadz?"

"Pinsan ko nga, hindi mo ba narinig?" saad ni Thadz, nakairap pa.

Napaawang ang labi niya sa biglang pagsungit nito. "Hindi niya alam na may anak siya?"

Natigilan ito. "Hindi ko rin nga alam, e. Wala namang 'yang girlfriend, kaya nagulat pa ako." Napailing ito. "Kaya dadalhin ko talaga 'yang sinabi mong 'club is not a safe place to be'."

Nagtake pa ito ng pictures mula sa puwesto niya. Mukhang busy si Thadz kaya hindi na siya nagtanong pa. Sumungit din ito kaya naman wala na talaga siyang nagawa.

Iniwan na naman siya nito. Halata namang ayaw siya nitong kausapin. Napailing na lang siya at nilapitan ang mga bata. He was interacting with kids and people in the vacant lot near their hospital.

"Thank you po!"

"Salamat po!"

He was smiling everytime a kid waves and giving thanks at them. He really loves kid, so everytime Aamon enter his mind, hindi siya mapakali. Gusto na niya talagang kausapin si Secret.

If Thadz won't tell him, that means he needs to talk to Secret. She's the only one who can clarify things between the two of them. He needs to find out the truth.

He wants to ask Thadz where Secret is, but Thadz can't be approached.




HE'S WAITING for Thadz to text him. Minsan hinihiling niyang may magkasakit doon para ipatawag siya. Napailing na lang siya. Hindi niya nga alam kung nandodoon si Secret. Ilang araw na niya itong hindi nakikita.

"Pero, 'di nga. 'yon talaga nasa wallpaper mo, 'no?"

Napairap siya nang marinig na naman si Justine. Ilang araw na rin itong nangungulit. Napaka-chismoso. Siya na lang kasi ang walang lovelife, kaya inaasar-asar siya ni Justine.

"Kamukha lang nga." Umiwas siya ng tingin dito at nagpatuloy sa ginagawa. Parang gusto na lang niyang humiwalay ng room dito.

"Sus," umiling-iling ito. "Patingin nga, patingin." Grabe talaga mangulit.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Wala ka bang rounds, ha? Umalis ka nga dito sa harap ko!"

Tumawa nang malakas si Justine. "Eto naman, sungit-sungit." Tumayo ito at inakbayan siya. Naiiritang tinanggal niya ang braso nito. "Tara, hanap ng dahilan para makapunta ka doon."

Umirap na lang siya. "Ayoko, bobo ka gumawa ng dahilan."

Tumayo siya at nilagpasan ito. Kinuha niya ang bag niya at dumeretso ng labas. Uwian na rin niya ng panahong 'yon. 

"Hoy! Hindi ako bobo! May Latin Honors akong grumaduate!" Bago pa nita masara ang pinto, sumigaw ulit ito. "Noong elementary!"

Hindi na niya ito pinansin at tuloy-tuloy na naglakad. Nang makarating siya sa kotse niya, bumuntong-hininga siya nang malakas.

"Now... what's gonna be our reason?"



PANGALAWANG araw na ni Zymier nagpapabalik-balik sa bahay nila Thadz. Dalawang araw na ring wala si Thadz. Hindi niya alam kung may kinalaman sa kaniya o nag-o-overthink lang siya.

Mabuti na lang at office hours lang ang duty niya sa panahong 'yon kaya nakakalabas-labas pa siya. If he have a 24 hours duty, he can't go outside to look for them.

Parang walang tao noong unang araw na punta niya. Sarado ang ilaw at gate. Sa oras namang 'yon, nakabukas na ang mga ito at parang may tao na.

"Oh, Doc. Ginagawa mo dito?"

Secret RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon