Chapter 20

0 0 0
                                    

"KAILAN KA bibili ng gamit ni Aamon?" Thadz asked.

Hindi pa siya bakasyon, but it's nice that she can have free time to visit Thadz. Doon na rin sila natutulog dahil na rin sa malapit 'yon sa university niya.

Nagkibit-balikat siya. Sa June pa ang pasukan ni Cyrill at May pa lang naman.

"E, anong plano mo sa birthday mo? That's your 25th." Malapit na ang birthday niya. Unti-unti nang nagsasalubong ang kilay niya dahil sa dami ng tanong ni Thadz.

Nagkibit-balikat lang siya ulit. "Wala, ayoko maghanda."

"Bili ka na kaya ngayon ng gamit, malapit lang naman diyan bilihan." Thadz was flipping papers. Natirik na lang niya ang mata sa pagkairita.

"I'll try."

Dahil sa daldal ni Thadz, napagdesisyunan na niyang bilhan si Cyrill ng gamit. Nag-commute lang siya dahil ayaw niyang maistorbo si Thadz.

She was looking at kids section. Kumuha na rin siya ng basket para sa lagayan. Kaunti lang naman ang kailangan ni Cyrill. Bumili na rin siya ng gamit niya.

She bought one binder for her and two notebooks with cute design for her son. Doon niya muna papasulatin si Cyrill. He knows already how to write but in case he wants to randomly doddle, she will buy notebooks.

Nang makarating sa ballpens and pencil, she was looking to her favorite brand. She sighed when she saw how much the set was. Lumipat siya sa mga isahan lang, hindi naman siya pabaya sa ballpen.

She was about to pick two ballpens when she bumped into someone. Parehas pa sila ng kukunin.

She looked at someone beside her. "Sor—" She lightly gasped.

Dahil sa tangkad ng binata, mukha siya nitong minamaliit.

Zymier Romwald was standing beside her. Umiwas naman siya ng tingin. "Sige, mauna ka na."

Napakagat siya ng labi. Kung alam lang niya mamimili din si Zymier sa exact na lugar kung nasaan siya, hindi na niya pinakinggan si Thadz. Wait... does Thadz knew he'll be here? Napailing na lang siya sa naisip.

Walang sinabi si Zymier at kumuha na. He was so slow that she regretted pushing him to pick first. Pumili ito ng tatlong ballpen. Kumuha na siya ng dalawa nang matapos na ito. She opened it at the same time and scratch on the paper in front of them.

Nilagay na niya 'yon sa basket niya.

"For Aamon?"

She blinked and looked af Zymier. He was looking at her basket. Tumango siya. Ayaw niyang sabihing gamit niya rin, ayaw na niyang magsalita pa at kausapin si Zymier. She looked at his basket. Marami-rami 'yon.

"May campaign kami. It's for 4Ps children."

"I didn't ask." Nilagpasan niya ito. Nakita niya pang napanganga ito pero wala na siyang sinabi pa.

ZYMIER ROMWALD took that chance to talk with Secret, but Secret really kept distance between them.

"Secret—"

"Why are you following me?"

Napailing na lang siya sa kasungitan nito. She didn't even bother looking at him.

He sighed. "May bag na ba sa Aamon?"

May kung anong nagdiwang sa kaniya nang makitang natigilan ito. She gave him sideway glance. "Why?"

"I know somewhere. Puntahan natin after mo diyan."

Nanliit ang mga mata nito. "Nah, kaya ko na. Just tell me where it is."

Secret RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon