prologue

8 1 0
                                    

SIMULA.

AYAH

"Ah, magandang umaga..." hikab ko habang kinukuslitkuslit ang mata ko.Binuksan ko ang maliit na bintana malapit sa kama na hinihigaan ko,pagbukas ko ay tumambat agad sakin ang maaliwas na paligid ang sarap ng simoy ng hangin dito sa probinsya, walang katulad.

Agad ko nang inayos ang higaan ko at paniguradong naka handa na ang almusal, masarap pa naman magluto si lola at paniguradong may nakahanda ding gatas mula sa alagang baka ni lolo.
Ibang-iba talaga kapag nandito ka sa bukid, bawat araw na gigising ka, para bang panibagong simula, panibagong pag-asa.

Ng makapunta ako sa sa kusina naabutan ko si lola na nag hahain ng pagkain si lolo naman ay naka upo na at nagbabasa ng dyaryo habang sumisimsim ng kape.

Umupo si Lola, at agad din akong tumabi sakanya.sa paligid ng isang maliit na mesa. May kanin, isda, gulay, at sari-saring prutas sa hapag.Hindi ko mapigilan ngumiti sa nakikita ko, napaka masagana talaga.

"O, apo, kumain ka lang nang kumain ha. Masustansya ang gulay na 'yan. Pinalaki ako ng lolo mo sa mga gulay na iyan, kaya't kita mo naman, malakas pa rin ako kahit medyo may edad na." bida ni lola sa sarili nya. totoo naman kasi talaga na sa edad nyang 75 ay napaka lakas pa nya ganoon din si lolo.

"Opo, Lola! Masarap po 'yung ginisang gulay. Sabi po ni lolo nung nabubuhay pa si nanay, kayo daw po nagturo sa kanya magluto nito?"punong puno at bibig ko habang nagsasalita.

binaba naman ni lolo ang kurbyertos
"Oo, anak. Si Lola mo ang nagturo sa akin sa nanay mo. Sabi niya, sa simpleng pagkain na ganito, nararamdaman mo ang pagmamahal ng pamilya." nakangiti naman si lola habang sinasandukan ulit ako ng kanin sa plato ko na paubos na.

"Tama 'yan. Noon, wala pa namang mga fast food na 'yan. Dito lang tayo sa bahay kumakain. Laging sariwa ang mga gulay, at ang mga isda, galing pa sa sapa o dagat. Masarap at malusog!" bida nanaman ni lolo.

"Pero Lola, bakit po mas gusto ko po ang luto niyo kaysa sa binibili sa labas? Mas masarap po talaga!"

pasimping kinurot ni lola ang pisnge ko "bolera ka talagang bata ka" sabay mahihinang tawa nila ni lolo.

"Ay, apo, ang sikreto d'yan ay pagmamahal. Kapag nagluluto ka, dapat buong puso. Alam mo, kahit anong lutuin mo, basta niluto mo nang may malasakit at pag-aaruga, tiyak na masarap 'yan. Kaya ako, sa tuwing nagluluto para sa inyo, iniisip ko na sana mabusog kayo at maging masaya."

kaya mahal na mahal ko sila e, wala man akong magulang pinuno naman nila ako ng pagmamahal at pag aaruga.

"Yan ang dahilan kung bakit special ang luto ng lola mo,dyan nya din ako nakuha eh." sabay kaming natawa ni lolo dahil sa kapilyuhan nya.

"Salamat po, Lola! Lagi ko pong tandaan yan. Balang araw po, ipanagluluto ko din ang mapapangasawa ko."

nagkatingin sila ni lolo at parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"joke lang po!"

Aba, 'yan ang gusto kong marinig! Basta tandaan mo, apo, ang pamilya natin ang pinakamahalaga. Ang mga simpleng bagay, gaya ng pagsasalo-salo sa pagkain, ay nagpapalapit sa atin sa isa't isa,dalhin mo ito hagang sa magkaroon ka ng sariling pamilya"

"hala si lola,nagjojoke lang po ako sa pag aasawa"

"ay basta apo"

"Tama ang Lola mo. Kaya mahalaga ang mga ganitong oras na magkakasama tayo. Nakakatuwang isipin na ipapasa mo rin sa mga magiging anak mo ang mga natutunan mo mula kay Lola."

sumangayon nalang ako, alam ko naman na napaka importante naman talaga ng mga sinabi nila.

matapos kaming kumain ay nagpasya ako na ako nalang ang maghuhugas at maglilinis ng bahay,

Matapos namin kumain dinala ko at mga hugasan sa likod bahay doon ko huhugas ang mga ito.

hindi pa ganon kainit ang sikat ng araw,malamig din ang simoy ng hangin kapag ganto kaaga sa baryo namin.
Masarap pakinggan ang huni ng mga ibon sa umaga. at ingay ng mga anak ng mga kapitbahay namin na naglalaro sa mga puno at sa mga tuyong talahiban.

habang ginagawa ko ang trabaho ko dito ay narinig ko na may dumating na bisita sila lola. Agad akong pumasok at tumambad saakin ang kapitan namin sa baryo.

"Pasensya na Aling marta sa maagang oras pa ako pumunta para maningil ng utang, tulad nyo rin ho ay kapos din kami at mababa lang din ang kita ko sa pagiging kapitan"

"Pasensya na kap, pero kapos kami e, natuyo ang maisan namin ganon din ang mga kamote at carrot namin kaya wala kaming kita ngayon" mahinang pakiusap ni lola.

"pero iyan din po ang sinabi nyo nung huling buwan"

"a-ay kap, pasensya na talaga, p-pero pangako po kapag nakabawi kami sa mga tanim namin, ibibigay agad namin ang kita."

Kita ko ang lungkot at hiya ng lolo at lola ko.

mapag pasensya naman ang kapitan namin, pero dahil narin sa pagkakautang nila dito, mula nung namatay ang nanay ko, naubos ang pera na tinabi ng lola ko at ginamit sa lupa at kabaong ng nanay ko, ngayon kaya nagakakaroon kami ng mga tanim ay dahil umutang kami ng pera sa aming kapitan, medyo may kalakihan din ito dahil bukod don, may utang din kami sa iba pa naming kamag anak.

Umalis na si kapitan, at binigyan sila ng palugid na hangang dalawang buwan lang, kapag daw hindi nakapag bayad ay kukunin ang lupa na tinataniman nila ng mga gulay na pinagkakakitaan namin.

Siguro nga ito na ang oras para ako naman, ako naman ang gagawa ng paraan para matulungan ko sila.

LOVE BEYOND THE FIELDS[ongoing]Where stories live. Discover now