AYAHNasa sala ng bahay si lola at nakaupo sa kanyang upuan habang tahimik na naghahabi. Lumapit Ako, may bitbit na bag, halatang nag-aalangan at medyo kinakabahan.
Pero wala na akong pamimilian kailangan ko na silang tulongan,matanda na sila at alam ko na napapagod na sila.
"Lola, pwede po ba kitang makausap?" mahina ang boses ko dahil medyo kinkabahan ako.
"Oo naman, apo. Bakit? Mukhang seryoso ka ngayon ah." itinigil nya ang ginagawa at humarap sa'akin.
tumabi ako kay lola at huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Lola, gusto ko pong magpaalam... Lalakarin ko na po ang papeles para makaluwas ng Maynila. Nakausap ko na po si Tiyo Ben, tutulungan niya akong makahanap ng trabaho doon."
Si tiyo Ben ay pinsan ng nanay ko, na nagtatrabaho sa manila.
"Ano? Bakit ka naman aalis, apo? Ano na ang gagawin mo sa Maynila?"
"Lola, alam ko po na malaki ang utang natin, at alam kong nahihirapan na po kayo. Ayoko na pong makita kayong ganito araw-araw, pinipilit ang sarili para lamang mabayaran ang mga utang natin. Kaya po naisip ko, kung makakahanap po ako ng trabaho sa Maynila, mas makakatulong po ako sa inyo. Gagawin ko po ang lahat para mabayaran natin ang utang"
hinawakan ko ang kamay nya at buo ang diterminasyon ko sa pasya ko.
Nanlumo at tila naluluha habang hinahaplos ang mukha ko ni lola.
"Apo, hindi mo kailangang gawin ito para sa akin at para saamin ng lolo mo.. Mahal kita, at ayokong mapunta ka sa lugar na malayo at hindi sigurado. Dito, kasama mo kami, mas ligtas ka.""lola naman eh, malaki na ako oh 22 ako.Staka Lola, naiintindihan ko po ang mga alalahanin niyo. Pero panahon na po para ako naman ang tumulong. Gusto kong maging bahagi ng solusyon, hindi lang basta naghihintay. Alam kong mahirap ang buhay sa Maynila, pero handa akong harapin ang kahit anong pagsubok para matulungan kayo. Kayo po ni lolo at nagpalaki sakin, at ngayon, ako naman po ang tutulong sa inyo."
kita ko ang lungkot ni lola,sakto din na dumating si lolo at naririnig pala ang pag uusap namin.
"Apo, mahirap ang buhay doon, maraming tukso at panganib. Pero kung 'yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Lagi mong tandaan, huwag kalimutang magdasal at magtiwala sa Diyos. Laging mag-ingat at huwag pababayaan ang sarili mo. At... huwag mong kalilimutan na mahal na mahal kita." sabi ni lolo habang hinhimas ang likod ni lola dahil nagsisimula na syang umiyak.
Nagpatuloy ang aming yakap, habang dama ang bigat ng desisyon ngunit puno ng pagmamahal at pangarap para sa sakanila.
******
Nasa terminal na kami ng bus. Nakahinto ang isang bus, handa na para sa biyahe patungong Maynila. Nakatayo ako, at may bitbit na malaking bag. Kasama ko si Lola at Lolo, parehong halatang malungkot pero nagpipilit magpakita ng tapang para sakin.
"Apo, ito na nga ang araw na lilisan ka. Alam mo ba, mabigat sa dibdib namin ang pagpapaalam sa’yo. Pero alam din namin na para ito sa ikabubuti ng ating pamilya. Maging matapang ka, ha? At lagi mong tatandaan ang mga itinuro namin sa’yo." si lolo habang hakbay si lola.
"Opo, Lolo. Maraming salamat po sa lahat ng aral at pagmamahal ninyo. Lagi ko pong babaunin ang mga iyon. Gagawin ko pong inspirasyon ang mga payo niyo sa bawat hakbang na tatahakin ko sa Maynila."
Marami pa silang payo sakin bago ako sumakay.humalik sila sa nuo ko at nag mano naman ako, sumakay na ako ng bus.palihim na tinitignan ko ang Lolo at Lola ko mula sa bintana. Habang unti-unting umaandar ang bus, nagwawagayway ng kamay ang Lolo at Lola ko, pilit na ngumingiti para ipakita ang suporta at pagmamahal nila sakin.
Habang nakatingin sa papalayong imahe ng Lolo at Lola ko, may luha sa mata ngunit puno ng determinasyon ko.
"Kaya ko 'to. Para sa kanila."
*******
Nakarating na ako sa manila at sinundo nga ako ni tiyo Ben sa terminal.
Nagusap lang kami at sinabi na Pagiging katulong daw ang trabaho na ibibigay nya,alok daw ito sakanya ng kaibigan nya at ako ang nilakad don sa tao.
Sya ang naghatid saakin,at nakarating nga kami sa malaking bahay, hininto nya ang taxi nya.
"Oh,Ayeng nandito na tayo," napatingin ako ulit sa bahay na parang mansion na.
"mag door bell ka dyan mamaya,staka may kakilala akong katulong din at sya ang bahala sayo dyan,magiingat ka,ayeng."
"Opo,tiyo ben,salamat po talaga—"
hinawakan nya ang palad ko at nilagyan yun ng pera.
"ito, gamitin mo ito, wag kang magpapabaya sa sarili mo dyan,"
"pero—"
"kunin muna yan Ayeng,"
"sige po," nag aalangan man ay tinanggap ko nalang.
"maging matapang ka a,"
yun lang at lumabas na ako ng taxi nya, Nang maka alis na sya ay humarap ako sa malaking bahay.
Maganda at modernong bahay ang sumalubong sa sakin. Malaki at mukhang marangya, may mga nagtataasang pader at malinis na kapaligiran. Hawak-hawak ko ang bag, pinipilit kong ipakita ang tapang at kumpiyansa, ngunit may kaunting kaba."Grabe, ganito pala kalaki ang bahay ng mga tao dito sa Maynila. Iba talaga ang buhay sa probinsya kumpara dito. Pero... kaya ko 'to. Para kay Lola at Lolo, kailangan kong magtagumpay"
tinaas ko pa ang kamay ko sa dibdib.
YOU ARE READING
LOVE BEYOND THE FIELDS[ongoing]
Non-Fiction[1st]"Alonzo's series" Isang probinsyana si Ayah,dahil sa kahirapan ng buhay nila ng lola at lolo nya,nagpasya si Ayah na magtrabaho at lumuwas ng manila upang makipag sapalaran doon. Si Ayah ay Isang matapang at masunurin pinalaki din sya na may ta...