2

4 0 0
                                    


AYAH

Pinindot ko ang doorbell, naririnig ko ang tunog nito na nag-echo sa loob ng bahay. Pagkatapos ng ilang saglit, may isang babaeng naka-uniporme na mukhang kasambahay ang nagbukas ng gate.

Nakatingin sya sakin nang may pagsusuri. "Ikaw ba si...?"

ngumiti ako at gumalang

"Opo, ako po si Ayah De Patitibag po. Nakausap po ni Tiyo Ben ang mayordoma ng bahay, ako po yung bagong kasambahay na nirekomenda niya."

Ngumiti ito ang binuksan ang gate ng mas maluwag "Ah, ikaw pala 'yon. Halika, pasok ka. Dito ka muna magpahinga sa loob habang hinihintay natin si Ma'am."

Akma nang pumasok ako, ngunit hindi maiwasan na sumulyap sa paligid, hinahangaan ang laki at karangyaan ng bahay. Malinis at maaliwalas ang paligid, na tila hindi pa rin ako lubos matanggap na narito na ako, malayo na sa simpleng buhay sa probinsya.

Tahimik na kinakausap ang sarili habang papasok "Ito na 'yon. Panibagong buhay, panibagong hamon. Hindi ako papayag na masayang ang pagkakataong ito. Kaya kong harapin ang lahat ng pagsubok, basta’t para sa kanila."

Ang kasambahay ay itinuro sakin ang isang maliit na kwarto kung saan ako pansamantalang maglalagay ng aking mga gamit. Bagama’t maliit lang ang kwarto, maayos at malinis ito. Umupo ako sa gilid ng kama, binuksan ang kanyang bag, at inilabas ang isang maliit na larawan ng kanyang Lolo at Lola.

Habang tinititigan ang larawan, may halong lungkot at tapang sa aking boses."Lolo, Lola, nandito na ako. Magsisimula na ang laban ko. Hindi po kayo mawawala sa isip ko, kayo ang magbibigay sa akin ng lakas. Pangako, gagawin ko ang lahat para sa inyo."

Nakatitig pa rin ako sa larawan, hinigpitan ko ang hawak dito at tahimik na nagdasal. Narinig ko ang marahang katok sa pinto, senyales na kailangan na ko na magsimula sa aking bagong tungkulin.

******

Araw ng trabaho sa malaking bahay. Ako ay nakatayo sa tabi ng kusina, nag-aayos ng mga gamit pinag trabaho na kasi ako habang hinihintay ang magiging amo ko. Biglang  may pumasok na isang babaeng nasa edad 50+ ata, maganda, at elegante. Nakangiti ito habang lumalapit kay saakin. Halata sa kanyang itsura na sanay siya sa pagsasalita ng Ingles.

Ngumiti nang magiliw habang tumitinginsakin.

"Good morning! How are you today?"

Napatigil at medyo natigila ako, hindi sigurado sa narinig. Pilit na ngumingiti habang nag-aalanganin ang sagot. "Ah... po?"

tinignan nya ako at tila hinihintay ang isasagot ko, hindi ko lang talaga na gets ang sinabi nya.

Ah... po, opo. Good... um... good day, Ma'am."

tumawa ito, kaya nag alangan tuloy ako sa sagot ko nakakahiya naman.

" oh, i see, hindi kaba nakaka intindi ng English?"

"Opo, Ma'am. Pasensya na po... hindi po ako sanay."

"Don’t worry, I’ll help you learn a little English while you’re here. it is okay?"

"oh..opo..salamat po maam—"

"MOM!" narinig namin na may tumawag kay ma'am mula sa dining area.

nag paalam na si Ma'am kat,pangalan ng amo ko, agad din akong sumunod dahil alam ko na hinhintay nadin itong juice sa lamesa.

Pagdating ko sa lamesa naka pwesto na si Maam kat, at katabi nya ang bata na mukhang bunsong anak, meron pa dito na isang babae na mukang edad 17, at isang lalaki na masama ang aura.

"who are you?" agad na tanong sakin nung lalaki, sa mukhang para syang kakain ng tao.

"ah Sir?.. ano po...?"

"sabi po ni kuya kung sino ka" sabat ng batang lalaki.

"ah... ako po si Ayah De patitibag, Ayeng nalang po" pakilala ko.

"ok whatever you are Aneng"

"Ayeng po, Sir." pagtama ko at sinamaan nya naman ako ng tingin, tumawa naman si Ma'am kat.

"This is Ayah, she’s our new kasambahay. Be nice to her okay?" paliwanag nya sa mga anak nya, pero pangalan ko lang naintindihan ko.

*******

Araw-araw ako nagtrabaho nang masigasig sa bahay ng Pamilya Alonzo. Habang unti-unting nasasanay sakin mga gawain, nahanap niya ang oras na makatawag sa kanyang Lolo at Lola sa probinsya gamit ang cellphone. Sa kabila ng kabaitan ng aking Amo, ang anak naman nitong lalaki ay patuloy na nagiging masungit at madalas akong pinagsasabihan ng masakit kapag nagkakamali.

siguro pinag lihi si sir Luis sa sama ng loob.

"O, apo! Kamusta ka na? Ngayon lang kita narinig. Ang tagal mo namang nagparamdam." Sa kabilang linya, ramdam ko ang saya ng lola ko.

"Lola, Lola! Mabuti po ako. Medyo busy lang po sa trabaho, pero okay naman po. Na-miss ko po kayo." Ngumiti ako habang nakaupo sa isang tahimik na sulok ng bahay aking amo, pagod ako mula sa trabaho ko.

Naririnig  ko ang saya sa boses ng aking lola, pero may halong pangamba "Na-miss ka rin namin, apo. Paano na ang mga gawain mo sa Maynila? Okay ba ang lahat?"

naisip ko ang mga nangyari sakin dito sa bahay ng mga alonzo, mabait sila sakin pero hindi ako naka ligtas sa ugali ni Sir luis.
"Oo po, Lola. Mabait naman po ang Amo ko, pero medyo mahirap lang po ang pakikitungo sa anak niyang lalaki. Masungit po siya at madalas po akong pinagsasabihan kapag nagkakamali."

sumbong ko sakanya.

"Ah, ganun ba? Huwag mong masyadong isipin ang mga sinabi niya. Ang mahalaga, ginagawa mo ang best mo. Nasa iyo ang lahat ng lakas at tapang. Kailangan mo lang magpatuloy at hindi mawalan ng pag-asa."

nakakatuwa talaga tong si lola eh.

"si lolo po pala,la.?"

"ah nasa bukid bumalik na kasi g sigla ng pananim natin eh"

sobrang saya ko sa narinig ko, sa pagtatrabaho ko dito sa loob ng tatlong buwan ay nakapa laking tulong na sa lolo at lola ko, hindi ko mapigilan manubig ang mata ko.

pinutol na namin ang tawag,dahil paniguradong hinahanap na ako.

naglakad ako sa pasilyo at nakita ko ang batang kapatid ni sir na si Ma'am chin na hawak hawak ang basag na vase.

"ma'am chin... ano pong nangyari dyan?"

nilapitan ko sya.

"a-ate Ayeng nabasag ko yung vase..." umiiyak na sya at mukhang natakot sa ginawa nya. "malalagot ako kay kuya luis kapag nalaman nya ito..."

"ganon ba,.." kinuha ko ang basag na vase sa kamay nya, nagulat kami ng biglang pag akyat ni Sir luis,agad pinunasan ni ma'am chin ang luha at nagpanggap na walang nangyari.

"what happened—what the hell!" lumapit sya at tinulak nya ako napa upo ako sa sahig kung saan may mga piraso pa ng bubog. naramdaman ko na may mga bumaon pero tinago ko nalang muna,mukhang importante sakanya ang vase nayon.

"I saw that you made another mistake.And now meron nanaman!Are you even paying attention?!."

magsasalita sana si chin,pero inagapan ko na, baka kasi mag away pa sila.

"Sorry Sir,... sa susunod po magiingat na ako—"

"kelan pa!? kapag ubos ang vase sa bahay?"

tumayo na ako at agad pinagpupulot ang babasaging vase,.

nagulat sya sa ginawa ko dahil puro dugo na ang kamay ko gawa ng bubog.

LOVE BEYOND THE FIELDS[ongoing]Where stories live. Discover now