Chapter 3

786 28 18
                                    

Maaga akong nagising kinaumagahan upang makapaglibot kaya nandito ako ngayon sa hallway. Sobrang ganda pala talaga dito. Lahat ng mga gamit kung ibebenta ay sobrang mahal. Napatitig ako sa painting kung saan may mag-asawang magkatabi. Marahil ito ang mga magulang niya na pumanaw dahil sa labanan. Sumubo ako ng ubas na dala ko. Kasama ko ngayon si Sarah at may bitbit din siyang maaaring kainin ko, "Edward, where is His Majesty?" Nilingon ko sa likod si Edward.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Kakaalis niya lamang kaninang madaling araw, Your Majesty." I clenched my fists. That Emperor. Inuubos niya talaga pasensiya ko.

"Then who is managing the state?" Humarap ako sa kaniya. "Ang kanang kamay na si Henry, Your Majesty." Kumunot ang noo ko sa tugon niya. Right, Henry. How can I forgot him. He is a type of a person na talagang mapagkatiwalaan. He is loyal to the Emperor.

"Sarah, prepare my bath." Tumalikod na ako at binaybay ang hallway pabalik sa aking kwarto.

PAGKATAPOS kong naligo, nagpahatid lamang ako kay Sarah ng pagkain sa kwarto dahil sinimulan kong mangalkal ng impormasyon sa mga nangyayari dito sa kanilang mundo. Kahit ako ang may pasimuno sa mga nangyari dito may mga bagay pa rin na hindi saklaw ng kakayahan ko. Malay ko ba sa mga nangyari sa bawat taong nakatira dito, nakapokus lang ako sa mga importanteng tao at hindi ko alam na magkatotoo pala ang sinulat ko o talaga bang totoo ito? Pero nakakainis dahil hindi ko na alam kung ano ang totoo. Kailangan ko din pag-aralan paano makibagay o mas lamangan ang paraan ng pamumuhay ng mga tao dito.

I must learn the things that I needed to learn. I spent three days inside my room, reading and learning. As a former Author, I also fond of reading. Kaya kong tapusin ang isang libro sa isang oras lang, ganoon ako kabilis magbasa, at mabilis ko rin maisaulo ang mga nilalaman sa binabasa ko.

"Your Majesty, maganda ang araw ngayon sa labas, ayaw niyo bang ibaling muna ang atensiyon sa ibang bagay?" Napalingon ako kay Sarah sabay sarado ng libro. Nakayuko lamang siya kaya hindi ko mabasa ang kaniyang emosiyon.

"Alright, samahan mo ako." Tumayo na ako at lumabas nang kwarto.

Habang binaybay namin ang hallway napansin kong abala ang mga tao, "Anong mayron Sarah?" I asked her, "May darating na panauhin, Your Majesty. Ang Duke, at ang Lord," Agad akong napalingon sa kanya. " What's their business here?" Imbes na sumagot ay yumuko lamang siya. I clenched my fists and I made my way to the office of the Emperor.

WALANG katok kong binuksan ang pintuan ng opisina at nadatnan ko ang isang lalaki na may suot na salamin at may kausap na isang knight. Agad din nila akong napansin at mabilis yumuko. "Greetings to the moon of the Empire, your Imperial Majesty the Empress. How can I help you?" magalang na tanong sa akin ng lalaki. I gritted my teeth. "What is the purpose of mentioning my title when you cannot give me a fucking respect!" I yelled out of frustration. Nakakainis na silang lahat.

Mas lalo lamang akong nakaramdam ng inis dahil hindi man lang ito natinag, "I apologize but I don't get you, Your Majesty." I clenched my fists. "Ang mga tao sa palasyo ay abala dahil bibisita ang Duke at ang anak nito ng hindi ko alam. Sa tingin mo respeto pa ang maitatawag mo doon?" mga wala ba silang utak? Mana talaga sila ng Emperor nila, mga walang respeto.

"I apologize again for not informing you, Your Majesty." Kalmado itong yumuko at hindi na ako nakatiis kaya tumalikod na ako. "You must be Henry?" I uttered, "Yes, Your Majesty," tuluyan na akong lumubas at bumalik sa aking kwarto. Kailangan ko yatang matutunong makipaglaban para sa susunod masipa ko na sila.

The Greatest Villainess (Completed)Where stories live. Discover now