Last Dance

21 3 1
                                    


"Pwede mo ba akong isayaw" saad nito

"Of course" nakangiti kong saad at inilahad ang aking kamay

Nang i-abot niya sa akin ang kanyang kamay, agad ko namang nilagay ang dalawa nitong kamay sa aking balikat, at ang akin naman ay nasa kanyang bewang at nagsimula na kaming sumayaw

- - - - - -

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw ay biglang may kumatok

"Rose wait lang ah,sisilipin ko lang kung sino yung kumakatok" saad ko ngunit ngiti lang ang naging sagot nito

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay agad ko itong binuksan

"Oh Ella ikaw pala,naparito ka?" saad ko

"Teka, bakit parang ang lungkot mo?ayos ka lang ba? may nangyari ba?" sunod sunod kong tanong kay Ella, isa sa matalik naming kaibigan ni Rose

"A-ah, a-ano ahm... w-wala na si ate Rose" mangiyak-ngiyak nitong saad dahilan para bumulis ang tibok ng puso ko

"A-anong ibig mong sabihin" kunot noo kong saad

"S-she had a car accident-" hindi natuloy ang sinasabi ni Ella dahil inunahan ko na sya

"Nagbibiro ka lang,right? Kung nagbibiro ka, hindi yan magandang biro Ella" saad ko habang pinipigilan ang nagbabadyang luha

"No, I'm not. n-nung sinugod sya sa hospital..s-sabi ng doctor d-dead on arrival daw..k-kuya marvs..s-she's gone" nauutal nitong saad

"N-no i-imposible, imposible yang sinasabi mo, nandito sya. s-sinayaw ko pa nga sya e" paliwanag ko dahil imposible talaga ang mga sinasabi nya

"Hanggang ngayon ikaw parin pala ang gusto nyang maging una at huling sayaw nya" saad ni Ella

bigla naman akong nakaramdam ng isang malamig na hangin malapit sa tainga ko

"Salamat sa huling sayaw marvs, alagaan mo ang sarili mo ah..wag mo akong kakalimutan, mahal na mahal kita... Paalam Mi Amore" bulong nito at tuluyan ng tumulo ang aking luha

                     ~ THE END~

Last Dance Where stories live. Discover now