“Bakit?” tanong ko sa lalaking katabi ko, kanina pa kasi nakaktitig sa akin e. “O papa-picture ka?” tanong ko, hindi siya tumugon pero sumulyap siya sa bulsa niya so nag-assume na ako na magpapa-picture siya.“Akin na cellphone mo, nagnamadali ako e.”
Inilabas naman niya ang cellphone niya at ini-abot sa akin. Binuksan ko naman iyon at ini-open ang camera. Lumapit ako sa kanya at nag-take ng ilan bago ibalik sa kanya ang cellphone niya. “Sige, bye na! Nagmamadali kasi ako!” paalam ko sa kanya bago nagmamadaling lumabas ng mall.
Nang nasa parking na ako ay namataan ko ang kotse ni Christian. “Gago ka! Ano bang minamadali mo!?” Talak ko agad nang makapasok sa kotse niya. Ginawa ko munang komportable ang sarili ko bago siya ulit nilingon.
“Pwede mo bang ibigay ito sa kanya?” Tanong niya sabay abot sa akin ng teddy bear.
“Tinawagan mo lang ako at inisturbo ang blind date ko sana dahil dito?!” Singhal ko sa kanya. Napangiwi naman siya.
“Pat, huwag ka nga nakikipag-blind date, paano kung masamang tao ang maka-date mo?” tanong niya naikinatigil ko. Bumuntonghininga ako bago umirap sa hangin.
“Ginawa ko lang naman iyon dahil natalo ako sa pustahan namin nina QD.” Paliwanag ko.
“Next time, tumanggi ka na lang—”
“Tatay kita, Sid?” putol ko sa sasabihin niya. Ngumuso naman siya. Nagmukha tuloy siyang palaka. Wala akong pakialam kung may ngumunguso bang palaka basta para sa akin mukhang palaka si Christian dahil sa pagnguso niya.
“Grabe siya oh...”
Inirapan ko lang siya at niyakap ang teddy bear na ibibigay niya kay Vrix. Itong dalawang 'to, mukhang mga tanga kaka-stalk sa isa't-isa.
“Don't hug her!” Sigaw niya na ikinagulat ko.
“Tangina mo, Sid! Paano mo nalaman na her to at hindi him?!” sigaw ko rin. Parang tanga kasi. Wala naman 'tong ribbon kaya sigurado akong lalaki siya.
“Her siya para sa akin.”
“Bobo ka!” Inirapan lang niya ako bago pinaandar ang kotse niya at inihatid ako sa bahay ni Vrix para ibigay ang teddy bear. Lumabas rin naman ako agad dahil uuwi rin ako sa bahay ko pero bago iyon ay dinaanan ko muna ang regalo ni Vrix sa akin sa sala. Isa iyong natural white howlite bracelet from cabeza. Napangiti ako nang makita iyon. Ang sweet talaga ng bestfriend ko na 'yon, kaya mahal na mahal ko siya e. As a friend.
From: 🐸
Ang gwapo niya.
Basa ko sa chat ni Christian. Napailing na lang ako, lakas din talaga ng amats nito kay Vrix e. Gusto ko sanang sabihin sakanila pareho na pareho lang naman sila ng nararamdaman pero hayaan na nga. Bahala silang dalawa total malalaki na sila. Kaya na nila mga buhay nila.
Wala naman akong ginawa buong maghapon, tutunganga lang sa loob ng kwarto, titihaya sa kama, titingala sa kisame habang pinapanood ang mga malalanding butiking nagbobombayaah. Pati butiki talaga malalandi na.
Kinagabihan ay nag-live na ako. Solo lang sana ako kaso itong si Christian bigla akong ininvite kaya sumali na lang ako, pero may kasama siya.
“Pat, si Niko nga pala kaibigan ko.” Pakilala ni Christian sa lalaking ka line namin. Maputla siya pero gwapo, sa sobrang puti niya para na siyang walang dugo. Tila na siya bampira pero gwapo siya. Nakailang gwapo na ba ako?
Ngumiti ako at kumaway ng bahagya kay Niko. “Hi, Niko.” bati ko sa kanya.
“Hi, Pearl, kumusta ka?” Automatikong kumunot ang ang nuo ko nang marinig ang itinawag niya sa akin. First time kong makarinig na may tumawag sa aking Pearl. Bakit parang ang sweet?
“Luh! Bakit ka kinikilig?!” Biglang tudyo ni palaka sa akin. Fake news din talaga ang isang 'to e. Bigwasan ko 'to bukas kapag nagkita kami. Makita niya.
“Tumigil ka nga, Sid, baka sakalin kita!” Humalakhak lang amputa. Samantalang si Niko ay mahinhin lang na tumawa. Nahiya tuloy ako. “Kilala mo ako?” tanong ko kay Niko.
“Oo naman, sikat kayo dito sa tiktok e,” tugon nito.
“Ahh...” Iyon lang natugon ko.
“By the way, Pat, isa nga palang ppop artist si Niko.” Saad naman ni Sid.
“Wow, ikaw pala ang mas sikat e!” sabi ko na ikinatawa na naman niya ng mahinhin. Ang hinhin talaga ng lalaking 'to. Parang nakakahiyang bardagulin. Ilang minuto ang lumipas na pakikilalahan, parang normal na lang kaming nag-uusap, madalas kong napipindot si anger kapag bumabanat si Christian ng mga walang kwentang banat. 'Tapos bigla na lang siyang bumaba noong nalamang live si Vrix. Iyong isang iyon talaga masyadong nagpapahalata na baliw na baliw kay Vrix.
Nakipag-usap na lang ako kay Niko pero minsan nakakahiya rin kasi mas makalat ako 'tapos siya ang hinhin.
“Niko, may girlfriend ka na?” tanong ko nang wala na kaming napag-usapan. Kusa na lang iyong namutawi sa bibig ko.
Ngumiti si Niko at humigop nang tubig sa glass niya. May hawak-hawak kasi siyang baso kanina pa na may glass straw, panay siya higop. “Single...” tugon niya. Napasulyap ako sa comment section nang biglang dumami ang comments.
Luh, bagay kayo, mie! Nikolas for the win!
Nikolas!
New ship unlocked! Nikolas.
Natawa ako. Ang bilis ah, kakasabi pa lang nung tao na single siya. 'Tong mga 'to talaga ang hilig mang-ship 'tapos kunting pagkakamali lang namin, bash agad. Sarap din talaga minsan isako ang mga 'to e.
“Ikaw, Pearl, single ka ba?” balik na tanong niya sa akin. Iginilid na niya ang baso niya at ipinatong ang mga braso niya sa mesa sa harapan niya na para bang interesado siyang makinig sa sasabihin ko.
“Bakit mo nga pala ako tinatawag na Pearl?” Tanong ko muna. Nagsalubong ang kilay ko habang hinihintay ang tugon niya.
“Hmmm. Some of your friends were calling you Perlas. Gusto kong tawagin ka sa pangalang ako lang ang tatawag, kaya Pearl ang tawag ko sa 'yo.” nakangiti niyang saad. Unti-unting nawala ang pagkakasalubong ng kilay ko at tangina dahil naramdaman kong uminit ang buong mukha ko! Ano 'yon?! “So are you single or in a relationship?” tanong niya.
“Single rin...” mahinang tugon ko. Luh, biglang naging soft girl ang sagutan.
Tumango-tango siya at sinulyapan ang comment section niya. “Bagay? Anong bagay?” sambit niya habang nagbabasa. “Ahhhh...” sumulyap siya sa akin at matamis na ngumiti. “Sabi nila bagay daw tayo.”
“Luh! Maniwala ka sa mga 'yan mga kampon 'yan ni satanas!” bulalas ko na-ikinahalakhak niya. “Hoy, tangina niyo diyan sa comment section ha! Mga desisyon kayo!” Kunwari ay galit kong sabi pero ang totoo'y, nag-iinit na ang buong mukha ko. Kung maputi lang ako panigurado halata ng pulang-pula na ang mukha ko. Tangina talaga ng mga tao sa comment section!
AVYANNAHLAVELLE