𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

945 12 9
                                    

"How are you?" Pagbukas ko ng pintuan ay mukha agad ni Vrix ang sumalubong sa akin may dala siyang isang bucket ng KFC. Puno nang pag-aalala ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ignoring his question, kahit na alam ko naman na ang dahilan kung bakit siya nandito. Pero imbes na sagutin ako ay niyakap niya ako at sa minutong naikulong niya ako sa bisig niya ay bumuhos na ang luha ko, humagulgol na ako sa yakap niya.

"Shhhh... I'm here na," malumanay niyang sabi para sana pakalmahin ako pero mas lalo lang akong humagulgol. Humigpit ang yakap niya. At nang tumahan ako ay naupo kami sa sala, pinatong naman niya sa mesa ang dala niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng tubig sa kusina at pagbalik niya ay inabot niya sa akin ang tubig kinuha ko naman iyon at ininom. Tumabi siya sa akin. "Hindi natin sila bati..." sabi niya. Nilingon ko siya at inirapan.

"Tangina mo, Vrix, ano palagay mo sa akin bata?" tumawa lang ang gago. "Huwag na huwag mo ipagsasabing umiyak ako, papabarang kita!" Sumimangot siya. Nakita mo 'tong lalaking 'to ang laking tao pero mahilig Sumimangot.

"Edi hindi." sabi niya nang nakanguso. Pinitik ko tuloy ang bibig niya para kasing tanga. Inirapan niya ako at lumayo. "Mapanakit ka talaga, Pat! Ikaw na nga ang pinuntahan e!" Sabi niya at sinapo ang labi. Ang OA rin talaga ng isang 'to e. Mahina lang naman pagkakapitik ko.

"Salamat ha..." sabi ko ng seryoso. Bigla naman siyang nagseryoso at muling tumabi sa akin. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pinaglaruan ang laylayan ng jacket niya, mannerism ko na 'to sa tuwing may katabi ako ang paglaruan ang laylayan ng damit. "Salamat kasi nandito ka alam na alam mo talaga kapag hindi ako okay."

"Syempre best friend kita e," tugon naman niya. "Nandito lang ako, Pat, lagi pwede mong sabihin sa akin lahat. You can cry on myshoulder—"

"Huwag kasi english, Vrix!" putol ko sa sasabihin niya. Tumawa siya at piningot ang ilong ko.

"Practice kasi! Para kunwari matalino ako." tumatawang sabi niya.

"Tado, matalino ka naman talaga... pero parang bobo nga lang pagdating sa pag-ibig, hindi ka pa ba umaamin kay Christian, ang hina mo napakabobo ng galawan." sabi ko at umayos sa pag-upo.

"Hindi naman kasi dapat minamadali, ilang araw pa lang kaming nagkakausap sa live kapag nanligaw ako agad sa kanya sa tingin mo ba hindi iyon magagalit sa akin? Baka isipin pa nun baliw ako," saad niya. Haiyts kung alam mo lang, Vrix, baliw na baliw sa 'yo ang palakang iyon. Mas baliw pa nga iyon sa 'yo e.

"Paano kung magkagusto iyon sa iba paano ka?" tanong ko. Ngumisi siya.

"Lugi siya..." saad niya. "Sa gwapo ng best friend mo malaking kawalan kung hindi ako ang jo-jowain niya." puno ng kumpyasang dagdag niya. Natawa ako at pinalo siya. May saltik rin talaga ang isang 'to e! "Pero syempre mag-cry ako kapag nangyari iyon." sabi niya sabay umaktong parang bata with kuskos pa sa mukha. Napahakhak tuloy ako sabay mahinang palo sa balikat niya.

“Kadiri ka magpakyut, Vrix!”bulalas ko. Nagtaka ako nang makitang ngumiti siya habang nakatitig sa akin. Natigil tuloy ako sa pagtawa. “Huwag ka ngang tumitig sa akin ng ganyan, Vrix! Ang awkward! Feeling ko tuloy crush mo na ako, yucks, kadiri!” pagbibiro ko.

“Luh si assuming.” sabi niyang natatawa, natawa na rin tuloy ako. Kalaunan ay nagseryoso na naman siya. “Masaya lang ako dahil napatawa kita. Kapag nasasaktan ka tawag ka lang sa akin ha. Iyong mga bashers online huwag mo sila pansinin hindi sila mahal ng mga tao sa kanila kaya sila ganoon. At alam mo kung sino ka, iyong mga opinion nila hindi iyon counted dahil kilala ka lang nila sa harap ng camera hindi sa kung sino at ano ka. Kaya huwag mo silang iyakan, ang swerte naman nila. Ito ang gawin mo ha, huwag kang magbasa ng mga negative comments focus ka muna doon sa mga positive at doon sa comment ng mga supporters mo.”

𝐓𝐇𝐄 𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐎𝐈𝐍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon