"Niks, huwag na tayong kumain sa labas." saad ni Perlas ang makalabas mula sa kwarto niya. She was wearing a loose white T-shirt with a Pikachu printed on it she paired it with a maong shorts. I can't help but smile seeing it and I saw how her eyebrows furrowed. "Oh bakit ka nakatingin, tado ka ah!"
"I'm not looking at you literally- I mean, sa Pikachu ako nakatingin." I explained. Tiningnan niya ang damit niya at nakahinga ako nang maluwag nang tumango siya.
"Favorite mo?"
"Yes, marami akong collections." pag-amin ko.
"Ohh, bigay lang 'to ng fans ko e pero maganda kaya favorite kong suotin."
"Bagay sa 'yo." I complemented.
"Ako?"
"Huh?"
"Wala, halika na pagluluto na lang kita tinatamad akong lumabas." sabi niya at hinila ako papasok ng kusina niya. Napatingin ako sa kamay namin. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute. Nang makarating sa kusina ay pinaupo niya ako sa stool.
"Diyan ka lang ha, magluluto lang ako. Ano bang gusto mo?" tanong niya habang bina-bun ang buhok niya. Napasunod lang ang tingin ko sa bawat galaw niya. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. She's so beautiful...
"Anything..." tugon ko sa tanong niya.
"Walang anything sa menu, Niks." Saad niya at ibinaba na ang kamay after i-bun ang buhok niya. May mga nagkalat na hibla nang buhok sa gilid nang mukha niya.
"Sinigang?"
"Okay, baboy or hipon?" tanong niya.
"Anythi-"
"Isang anything pa kakaltukan na kita, Niko Badayos!" tila inis niyang sabi. Inirapan niya ako at pinagsalikupan nang mga braso.
Natawa ako. "I'm sorry, hipon na lang." sabi ko. "I will help you-"
"Huwag na, hintayin mo na lang ako, kung gusto mo manood ka na lang ng movie diyan sa ipad ko para hindi ka mabagot." sabi niya sabay turo nang iPad pro-max niyang nakapatong sa counter.
"It's better to watch you than the dull movies." sabi ko na ikinatigil niya. Ngunit nang makabawi ay tumawa siya.
"Gandang-ganda ka naman sa akin, Niks." natatawang aniya na para bang nagbibiro lang ako sa sinabi ko.
"You really are beautiful, Pearl."
"Ay bwesit, makapagluto na nga!" Inirapan niya ako at hinarap na ang ref at naglabas nang lulutuin niya doon. Kagat ang labing nakatingin lang ako sa kanya. She's really beautiful though, bakit ayaw niya atang maniwala?
I want to help her pero ayaw niya talaga kaya wala akong nagawa kundi hintayin siya hanggang sa matapos siyang magluto. Sa paghahanda ng lamesa ay hindi na ako pumayag na hindi siya tulungan. Pagkatapos maghanda ay kumain na kami.
"Okay lang ba?" tanong niya, tukoy niya sa pagkain.
"It's so delicious. Ito ang pinakamasap na sinigang na natikman ko." I honestly said.
"Bolero," she murmured.
"I'm telling the truth-"
"English ka nang english, Niks, dumudugo na ilong ko!" inirapan na naman niya ako.
"I'm sorry-"
"Iyan english na naman!" natawa na ako. Nagpatuloy naman siya sa pagkain.
"Why are you calling me Niks, by the way?" I asked. Iniangat niya ang tingin sa akin.
"Sasagutin ko iyang tanong mo kapag tinagalog mo."
"Ohh... I'm so-" She glared at me. Napalunok ako at tumikhin bago nagsalita ulit. "Ang ibig kong sabihin, pasensya na. Pero bakit Niks ang tawag mo sa akin?"