NIKO'S POV...“Jeff!” Ang sigaw na pagtawag ni Josh kay Jeff ang pumailanlang sa studio. “Late ka na naman!”
“Sorry traffic kasi e.” Paghingi ng paumanhin ni Jeff inilapag niya ang bag sa bakanting upuan at lumapit na siya kay Josh para simulan ang pargpa-practice. Tapos na kaming mag-practice tanging si Jeff na lang kaya siya at Josh na lang muna mamaya sabay-sabay na kaming apat nina Brian.
“Kuya, sino 'yan?” tanong sa akin ni Brian. Tumabi siya sa akin at nakisilip sa phone ko.
“She's Perlas...” tugon ko at bahagyang pinakita sa kanya ang screen.
“Oh fan mo?” tanong niya.
“Naaaa it's the other way around.” tugon ko at napangiti nang maalala ang nangyari sa mall last time. Akala niya magpapa-picture ako sa kanya pero ang totoo natulala lang talaga ako sa ganda niya. Hindi ko kasi inaasahang makikita ko siya sa mall. Gandang-ganda ako sa kanya kahit noon pa mang una ko siyang nakitang dumaan sa feed ko.
And from that day I followed her and watched her videos kahit nga ang pinakaluma niyang videos ay pinanood ko. I was enchanted by her beauty. Her eyes, her smile, her laughter—even when she's angry, they're all so captivating to me. She's like a ray of sunshine, brightening up my day and making me feel so happy and alive while watching her even on the screen. I feel like I could get lost in her eyes and never find my way back. And I don't know why I feel this way? Is it because I'm a fan? Ganito ba talaga kapag fan ka? Pero hindi naman ako ganito sa ibang idol ko ma pa local man or international artist. Sa kanya lang... tanging kay Pearl lang.
“Ang ganda niya. Pero bakit ang lungkot ng mga mata niya?” komento niya habang nakasilip pa rin sa picture namin ni Pearl na ginawa kong wallpaper. “She was smiling, but her eyes spoke with vulnerability and pain.”
Napansin rin pala niya.
What's behind that smile, Pearl? What's behind that strong personality? Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng mga ngiting iyan, Pearl.
PERLAS'S POV...
Gabi na at tinatamad sana akong mag-live pero ang makulit na si Christian panay ang tawag. Kaya wala akong nagawa kundi ang mag-live at ito na nga kausap ko na silang dalawa ni Niko.
“Niko, maganda ba si Perlas?” biglang singit na tanong ni Sid kay Niko. Nabulunan ako bigla kaya panay ang ubo ko.
"Here, drink this...” parang tangang sabi ni Niko sabay angat sa iniinom niyang tubig.
“Hindi ko alam kung tanga ka ba o may saltik ka katulad niyang isa diyan. Paano mo ilulusot iyang baso sa screen?!” Nakita ko ang panguso niya at matamis na ngumiti labas pati pantay-pantay niyang ngipin.
“Huwag na ikaw galit, Pearl.” Malumanay niyang sabi na nagpatigil sa akin. Ang kalmado niya. Bigla akong nakiya. Tangina talaga nitong bibig ko, minsan sarap busalan e. Itinago ko na lang sa pag-irap ang pamumula ko.
“Niko, ’di ba single ka? Ligawan ka daw ni Pat,” sabat na naman ng fake news na si Christian.
“Manahimik ka, Sid, umpog kita!” Ang may saltik tumawa lang at nag-leave naiwan tuloy kami ni Niko at ang Nikong 'to kanina pa nakangiti. Hindi ba nangangalay ang panga niya? Ako napapagod sa kanya e. “Tikom mo iyang bibig mo, Niko, kainis.” Agad naman niyang tinikom.
“Sorry...” sambit niya at may maliit na ngiti pa rin.
“Niko, paano ba kayo nagkakilala ni Sid?” tanong ko sa kanya. Iniba ko ang usapan.
Uminom na naman siya sa baso niyang lagi niyang ginagamit sa tuwing nagla-live, impossible talagang ma dehydrate 'tong lalaking 'to laging may baong tubig e. “Nasa iisang management kami,” tugon niya at itinabi ang baso niya. “Panglima sana siya sa grupo namin e, kaya lang focus siya sa acting at sa business niya.” dagdag niya. Balita ko nga nag-a-acting lesson ang palakang 'yon. Mag-a-artista ata. Pero paano pa siya mag-a-artista kung lagi siyang nakabantay kay Vrix? Kaya nga siguro iyon nag-leave dahil live ang best friend ko e.
Tumango-tango ako. “By the way, huwag mong paniwalaan mga pinagsasabi ni Christian ha, may saltik 'yon.” Sabi ko. Natawa naman siya pero mahinhing tawa. Ang cute talaga tumawa ng isang 'to, mas mahinhin pa sa akin. Ang dami pa naming napag-usapan kung anu-ano na lang. Three o-clock na nang mag-end live ako, agad akong nahiga sa kama. Ngayong wala na naman ako sa harap ng camera ramdam ko na naman ang kalungkotan. Ang dami na namang mga thoughts na pumapasok sa isipan ko. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat ang matapos ang live dahil niyayakap ako agad ng kalungkotan.
Tumunog ang cellphone ko palatandaang may nag-text, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan iyon na sana hindi ko na lang ginawa dahil bumigat lang ang pakiramdam ko.
From: Tito
Hoy perlas! Iyong ipapadala mo para sa susunod na buwan ipadala mo na mamaya kailangan ko ng pera pangbayad kay Aleng Myerna, sinisingil na ako. Ipadala mo agad-agad dahil ayaw kong mapabaranggay! Kapag hindi ka nagpadala papalayasin ko itong ina mong walang silbi!
Gusto kong murahin at sigawan ang step father ko. Pero alam kong si mama lang din ang mahihirapan, kapag iniwan siya ni Tito alam kong masasaktan siya at magagalit sa akin. At ayaw ko namang mangayaring magalit siya sa akin dahil siya na lang ang pamilya ko. Kaya hanggat kaya pa tinitiis ko at binibigay lahat ng gusto ni Tito Marcelo. Kahit pa halos mabaliw na ako sa dami ng demand niya. Kakapadala ko pa lang nang pera last week at ngayon nanghihingi na naman siya ano ba akala niya sa akin bangko?
“Putangina talaga!” Ibinalik ko sa gilid ng kama ang cellphone ko at itinakip ang braso sa mga mata ko. Kinagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay ano mang oras ay maiiyak na ako. Pero walang silbi dahil kumawala pa rin sa mga labi ko ang hikbi.
Sinubukan kong itulog ang bigat na nararamdaman pero binangungot lang ako kaya magdamag na naman akong mulat. Kinabukasan ay binuksan ko ang cellphone ko para i-check ang mga messages at notifications sa lahat ng socials ko pati gmail ko ay binuksan ko na rin. Ang panghuli kong binuksan ay tiktok account ko, sobrang daming notifications, mentions and tags. Nagtaka ako kaya binuksan ko pero ganoon na lang gulat ko nang mapanood mga videos at mabasa ang mga comments sa mga tags. Ang daming hate comments.
Tangina mo, Perlas! Akala mo kung sinong maganda!
Mamatay ka na, Perlas! Bakit mo minura si Niko? Ikaw ang tanga!
Itong negrang 'to! Akala mo kung sinong sikat e!
Yawa ka, Perlas!
“Huh? Anong nangyari?” tanong ko sa aking sarili. Nanghina akong naupo sa sofa, naibaba ko ang cellphone ko sa center table at natitigan na lang iyon.
Tumunog iyon, may tumatawag pero hindi ko magawang damputin. Salitan ang tawag nang mga kaibigan ko, Jenny, Ben, QD, Fhukerat, Vrix maging si Christian ay tumatawag pero hindi ko magawang sagutin lahat. Natanga lang ako doon at nagugulohan tinatanong ang sarili kung bakit ang daming hate comments.Sunod-sunod na rin ang text ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang text ni mama.
From: Mama
Bwesit ka! Sabi ng Tito Marcelo mo ipadala mo na iyong pera diba? Nasa baranggay na ang Tito mo! Ipadala mo na ngayon din kung hindi magagalit ako sayo!
AVYANNAHLAVELLE
A/N; sorry sa late update busy kaka-breakdown ang fersonability. May pinagdadaanan lang po. Btw, sadyang apat lang kunwari ang myembro sa group nina Niko dahil gagawin kong anak nila si RZ okay?