Seeking Critic

60 3 0
                                    

SEEKING CRITIC (RANTS AND REVIEWS)

I decided na gumawa ng isa pang account para magbigay ng reviews sa Wattpad stories. Ayoko kasing ipost ito sa original account ko, I wanted to be known as a critic and not a writer under this account.

 

Nagkalat ang mga reviews dito, right? Some are acceptable, some are just unethical. They're using their freedom of speech as an excuse, na we're living in a democratic country so it's fine to be liberated. Seriously. Ang dami kong nababasa, mura here, mura there. Yung iba, all caps pa at ang daming explanation point. Grabe lang, kailangan ipahiya yung author na involved? Sa ginagawa nyo kasing iyon mas lalong madedegrade lalo eh, imbes mapoint nyo yung rooms for improvement nila. Tignan nyo muna kasi sarili nyo, bakit? Yung story nyo ba madaming reads at votes? Tinatangkilik ba ng marami? Must've hit your spot?

 

Wala akong pinapatamaan dahil dumadami din sila. I don't know if your only purpose is to gain attention or to be a real critic eh. Kesyo BAKITANGDAMIDAMINGSPACESATATSAENTERKEY?!!!??!!! Naiirita ako sa mga ganyan. I'm a writer too, kaya nakakaoffend na basta basta minura- mura ng ibang tao na akala mo eh binabayaran ka para makapagsulat. Masyado ka yatang feeling perfect? Baka kapag nagsulat ka ng story mas basura pa yang gawa mo. I mean, be sensitive! That's complete ignorance. Uunlad ba ang Pilipinas sa pagmumura mo?

 

Sayang naman yung tuition na ibinabayad sa inyo ng mga magulang nyo, you look uneducated kasi. Ang lalakas ng loob palibhasa hindi ka kilala, nakatago yang mukha at pagkatao mo sa likod ng monitor na iyan! Yun na nga ang disadvantages ng technology. Akala mo eh ang tapang tapang yun naman pala duduwag- duwag kapag totohanan na. Pretentious, how pathetic.

 

As a critic, better to be mindful of your choice of words. Be decent, be respectful. Di ba ang sakit kapag nalaman mong yung story mong akalang tinatangkilik nang nakakarami bigla na lang may isang critic na bibira na sobrang panget pala? Parang nasampal ka dun back and forth virtually. Yung outcome ng hardwork at effort mo tapos mumurahin ka lang at isinasampal sa mukha mo na ang sama ng works mo, aba ineng! Masusuntok kita!

 

11 ways to be a Critic

 

1. Yung stories dapat na bibigyan mo ng critic ay nabasa mo na completely. Ang panget naman kung huhusgahan mo agad yung buong story na panget kasi yung simula ang panget. So ganun na yun? Porket masama ang start ganun na lahat ng chapters? Use your head.

 

2. Be respectful, proper choice of words. Stop cussing, oh please. Murahan na lang kaya tayo personally? Avoid using: ALLCAPS at !!!!!!!!! Ano yun, nagalit sa keyboard? Sumbong ko kayo sa English teacher nyo eh. Tatanda nyo na, come on.

 

3. Make sure your reviews have sense. Baka naman yung review mo eh may masabi lang? Sasabihin mong panget ang flow para lang may mapintas? Hindi yata tama yun. Maganda kapag yung opinions mo eh napapansin din ng ibang readers.

 

4. Point out the strengths and defects of the story. Weigh them correctly. Kung may black and white, yin and yang... dapat may positive and negative din.

 

5. Be honest without being offensive and harsh. Baka naman kasi masyado mong naoverrate yung ganda ng story eh ang dami naman palang flaws right? O baka nakikigaya ka lang sa iba kasi yun yung tingin nila. 

 

6. Balikan nyo ulit yung story that you'd like to give a review. Ask yourself, ano bang impression ko sa story na to? Anong nakakahatak sa readers? Anong magandang twist sa plot? Interesting ba yung description at prologue? Realistic ba? Masyadong cliche?

 

7. Say something about the characters. Kung sa tingin mo unrealistic si Miss Character, kung bakit ganito si Mr. Character, bakit ang daming characters na hindi napapansin, go... isulat mo in a way na hindi nakakasakit sa ego ng isang author.

 

8. Isulat mo kung anong gusto mong mairevise. Like, hindi masyadong formal yung pagkakasulat, bumabaha ng smileys, masyadong overreacting yung mga problems sa story, wrong grammar at hindi consistent yung plot.

 

9. Be humble. Napakasarap sa mata ng makakabasa ka nang ganito, "Hindi naman po sa pagiging perfectionist or whatever, pero I see parang kailangan nyo po itong iimprove Miss Author..."

 

10. Write the overall impact of the story to you. Did you like it? Or otherwise, were disappointed? Write a good adjective for that.

 

11. Leave an encouraging note to the author. Ang sarap kayang makabasa nang ganun. Yung tipong: "Overall Miss Author, you did great. I will be looking forward to read your upcoming works! Keep writing."

 

 Time to get out of my shell...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seeking CriticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon