SEASON 1
Seth woke up from a deep slumber only to find out that the world is dying.
---
In a world where Earth is on the brink of total collapse, Seth awakens from a seven-month coma, only to find himself in a desolate city, the last remnant of a on...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter theme above!
Dazed & Confused by Glen Check
***
"BIRTHDAY...ko?" hindi ko makapaniwalang tanong. Bakas din ang pagkagulat sa mukha niya na para bang may mali siyang nasabi.
"Nabasa ko sa medical records mo. It says it's your birthday today," paliwanag niya. Napatango ako saka pilit inaalala 'yong time na binalikan namin ni Spot 'yong medical records ko sa St. Lucia Hospital, nagbabaka sakaling makakatulong itong maibalik ang mga alaala ko. Pero di ko na pala 'yon nabasa ulit dahil sa nangyari sa'min ni Spot nung naligaw kami sa gitna ng Westside.
"Anong araw na ba ngayon?"
He smiled. "February 2, 2024," sagot niya. So February 2 pala 'yong birthday ko. Sa pagkakaalala ko, January 8 ako nagising at natagpuan nina Lucas na muntikan ng lapain ng dalawang aso sa Westside.
That means...it's almost a month since I woke up.
Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Lucas. Ngayon ko lang ulit maranasang batiin at magcelebrate ng birthday ko. Pero siguro naman nagcecelebrate rin kami ng mga kaibigan ko at pamilya ko noon. Hindi ko maiwasang malungkot. Wala akong maalala. Sumakit lang bigla ang ulo ko nang sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari noon.
"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Hinawakan niya ako sa balikat para alalayan ako.
Tumango lang ako saka pumikit sandali.
"Sumakit lang bigla ang ulo ko," sagot ko. Nakita ko ang pag kunot ng noo niya. Sinapo niya ang noo ko pero agad kong nilayo 'yon.
"Bakit? Are you trying to remember your past again? I told you not to—"
"I just want to remember everything."
Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Blangko lang akong nakatingin sa kaniya. Bakas naman ang lungkot sa mga mata niya pero agad niya 'yong tinago sa paraan ng pag ngiti niya.
"It's okay. It's just a matter of time. Makakaalala ka rin," pagpapagaan niya. Bakas ang sensiridad sa mga mata niya. Pero may kung ano akong nakita sa mga mata niya—lungkot at pagkalito. Hindi ko alam kung totoo 'yong nakita ko o nagkamali lang ako ng tingin pero hindi ko na 'yon pinansin.
Bumalik ang masiglang ngiti sa mga labi niya. Hawak-hawak niya pa rin ang polaroid sa kamay niya.
"Come on. Let's take photoshoots for your birthday," aniya saka isinukbit sa likod niya ang backpack kasama ang sniper gun niya.
Hindi na ako umangal at saka nakangiting sumunod sa kaniya. Hindi man ako sigurado kung birthday ko nga ngayon, kita ko naman sa mga mata ni Lucas na nagsasabi siya ng totoo. Kaya siguro niya ako dinala sa lugar na 'to.
He handled my second dare so perfectly on an unexpected day.
At the back of my thought, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Lucas ngayon.