Candy’s POV
“ENOUGH!!!”
Dahil sa pagsigaw nya ay nakakuha kami ng atensyon sa mga classmates namin
“a-ayaw m-mo ba?”yan lang ang tanging nasabi ko
Hindi nya ako sinagot at mas lalong hindi nya ako tiningnan at tumayo at nagsimulang umalis
Did I annoy him too much?
*sigh*
Nagsimula ang klase ng wala si Thunder
Thunder’s POV
Nandito ako ngayon sa rooftop at nagpapahangin,I don’t intend to hurt Candy’s feeling. Pero sobra na sya,lahat na ng klaseng pagpapahiya nagawa ko na pero hindi talaga sya sumusuko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko,nasasakal na ako sa ginagawa nya.mas malala pa sya sa stalker.
Pero asbi nya titigilan lang nya ako kapag may girlfriend na daw ako,kumukuha naman ako ng fake girlfriend pero nahahalata nya paring fake ito.
Hindi ko alam pero ang tingin ko lang sakanya ay isang batang walang alam sa mundo at pumapasok sa gyera na kung tawagin ay pag ibig
Ayaw ko syang masaktan pero ayaw ko ring pilitin ang sarili ko na mahalin sya.
Haissttt!!! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
Napag isipan kong pumasok nalang,nasa hallway na ako at napansin kong time na for another subject.buti naman at wala na yung math teacher namin.
Umupo ako agad sa upuan ko at sinubsob sa desk ang mukha.
“oh? Saan ka galing,bat ang tagal mong bumalik na miss tuloy kita ng sobra” tinutusok tusok nya pa ang braso ko ng daliri nya,hindi ko nalang ito pinansin dahil naiinis na ako sa ginagawa nya
“oi!” tawag na naman nya sabay tusok sa balikat “oi!” hindi ko parin pinansin “oi!...oi!...oi!”
>: (
Tinapik ko yung kamay nya “anu ba! Hindi mo ba talaga ako titigilan?” medyo pikon pero mahina kong sabi dahil baka pagkaguluhan na naman kami ng mga kaklase namin
*smile*”sabay tayo recess maya ah”
Sinubsob ko ulit yung ulo ko para itago yung inis na nararamdaman ko
Bat ba nya kailangang sabihin yan eh ginagawa naman nya araw araw
“oi! Sumagot ka naman ng oo dyan”
Oo talaga kailangang sagutin ko? Tinanong mo pa ako.huwaw lang talaga
“oo na! pero kasama sina Andrew at Lance” sabi ko sabay tingin sa direksyon ng mga kaibigan ko
Tatawa tawa pa sila sa akin,parati nila akong iniiwan dito kay Candy dahil magde-date daw sila.Gay!!!
Tsskk…
“yehey”\*O*/
Okay,sya na Masaya…kainis…
Vivian’s POV
Nakatayo kami ngayon ng bestfriend kong makulit sa harapan ULIT ng bahay ni Thunder,yes.hindi ito ang unang punta namin dito,napapadalas na nga kami dito ni Candy dahil lahat ng regaling hindi tinatanggap ni Thunder ay pinapadala namin sa bahay nya
“Candy,hindi ka pa ba pagod sa kanya,eh mukha namang walang interes sa iyo yung tao eh”
Bigla nya akong nilingon,seryoso ang mukha nya