chapiiee eight

60 2 0
                                    

Festival

[third person’s POV]

Halos hindi makatulog si Candy sa kakaisip ng plano kung paano nya madadala si thunder sa wedding booth dahil kung sa simpleng usapan lang ay hindi talaga nya ito mapapapayag

Gustong gusto talaga ni Candy na makasal sila kahit peke lang, tiningnan nya muli yung rings na binili nya

Nakaukit sa singsing nya Tandy at kay Thunder naman Candy, sinadya nya talaga para magkasunod. Mahal ang singsing,nahirapan pa syang humingi ng pera sa mama nya

Sya na nanliligaw, sya na magpropropose haha.joke

Pumunta na ng school si Candy,sinalubong naman sya ni Zed at Vivian. Sandal lang sila nagkasama at humiwalay din si Zed at sinundan yung mga babaeng kinapos sa tela ang damit. Tumawa nalang kami ni Vivian

Sinabi k okay Vivian yung plano ko, binigay ko sa kanya yung camera

“tandaan mo!! Dapat nakadikit!! Once in a lifetime ko lang yun magagawa at unexpected pa! baka patayin nya ako kaya dapat ready ka kundi pag nahuli ka nyua sayang pinaghirapan ko”

“yes maam!! Pasalamat ka at nabobored ako! Bilisan mo ah”

“oo na..sige na…mag ready ka na”

Hinanap ni Candy si Thunder at nakita naman nya ito sa room nila kasama si Lance at Andrew at masayang nagkukuwentuhan

Napatingin naman silang tatlo sa pagbukas ng pintuan, ang kaninang nakangiti na Thunder ay napalitan ng nakasimangot na Thunder

“uyy…kailangan ata natin umalis Lance” sabay palo ni Andrew sa kaibigan

“kaya nga…bye Thunder”

Akmang susunod din sana si Thunder sa kanila pero nahawakan ni Candy ang kamay nito at hinila

Ano na naman ba problema ng batang toh-nasa isip ni Thunder

“wait lang hubby~, may gagawin lanng tayo”

Biglang nanlaki naman ang mata ni Thunder anong gagawin namin?

Hoy! Thunder wag kang green!

“HUH?!!”

“I mean..hindi yung…gagawin na uhmnn..basta upo na muna tayo” aya nya at umupo na sya sa floor

“bat sa floor? Anong use ng upuan?”  supladong tanong ni Thunder

“bast halika na rito baka may makakita sa atin at iba ang isipin”

“sa ginagawa nating ito talagang mag-iisip sila ng hindi kaaya aya”

“basta halika na rito” hindi na napigilan ni Candy at nahila nya si Thunder kaya napaupo rin ito

Napatawa naman ang dalaga, naisip nya kasing napakacute ni Thunder! Hindi rin ito makapag-eye contact sa kanya dahil nahihiya sya feeling nya puputok na ang cheek bones nya

“oh ano? May gusto ka na ba ngayon sa floor?”

Napaangat naman ng ulo ang dalaga “ahhmnn…kasi gusto ko maglaro tayo..ng…uhmmn…flappy birds

“HUH?!! “

Hindi napigilan ng binata na hindi matawa, parang bata talaga tong si Candy naisip pa nya

“anong nakaktawa” medyo naiinis na din si Candy kasi nahihiya rin sya sa idea nya, kinapos na kasi ang brain cells nya kaya ito ang idea na naisip nya

Hindi pa rin tumatahan si Thunder sa pagtawa nakakatawa ba talaga ang flappy birds? Dahil ba sa malaki ang lips ni flappy bird kaya sya natatawa? di mapigilang maisip ni Candy

“WHAT DID YOU SAY AGAIN?!!!” hindi makapaniwalang tanong ni Thunder

“flappy bird! Bingi!!” hindi alam ni Candy saan nya nakuha yung lakas ng loob na sabihan si Thunder ng ganun

“OKAY! It’s not time for jokes!” tumayo ito at akmang aalis na pero niyakap naman sya ni Candy mula sa likod

Yes! Nakastansing na naman ako!  Naisip nya

“bibitawan mo ako o itutulak kita” may autoridad na tanong ng binata

Hindi natinag si Candy at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap “making ka muna kasi please…please….please…please..” paulit ulit syang nakiusap,

Marahan namang hinawakan ni Thunder ang kamay nya, naawa rin syaa rito. Pinabitaw nya at hinarap sya

“sige, isang minute para magpaliwanag kung bakit natin kailangan maglaro ng flappy birds” nung binanggit nya ang salitang flappy birds ay hindi nya maiwasang ngumiti

“ang gwapo mo talaga pagnakangiti ka” diretsong sabi ni Candy sabay pakawala ng isnag mala-abot tainga na ngiti

Biglang namang tumahik at sumimangot ang mukha ni Thunder, di nya kasi napansin na nakangiti na pala sya

“one minute only”sabi nya para ipaalala sa dalaga na isang minute lamang para makapag paliwanag sya at kumbinsihin sya

“okay ganito,maglalaro tayo ng flappy birds. Pataasan tayo ng score. Pag nanalo ka, I’ll grant you a wish pero ngayong araw lang, kung hilingin mong lalayo ako sayo eh di lalayo ako sayo at hindi magpaparamdam pero ngayong araw lang.bukas back to work na ako. Di yun naman ang gusto mo yung di mo ako Makita? Pero pagnanalo ako ikaw naman ang bibigay sa akin ng gusto ko” mabilis na sabi ni Candy, dinaig pa nito ang nagfli-flip-top na may isang minuto para magbigay ng bara,medyo nasaktan pa sya lalo na nung sinabi nyang gusto ni Thunder na hindi sya Makita,kahit masakit kailangan nya itong sabihin para makumbinsi ito

“ano bang gusto mong hilingin”

“hindi ko pa alam..mamaya nalang..mag-iisip pa ako” ang totoo ay plano na talaga nyang hindi sabihin dahil alam nyang di ito papaya

Nakumbinsi naman ang binata dahil naisip nyang maganda rin naman ito dahil para hndi na sya kulitin pa ni Candy

Para silang umupo ng tuwid sa sahig

“start!”

Isang minute lang at natapos nila ang laro,sabay silang napa “ah!” dahil sa gulat nung nauntog si flappy bird sa tube

So ang resulta

Tie nga ba?

=======================

Comment ka puhlleaseeeeeee

Vote-comment-fan

-closereyes

Just waitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon