Candy's POV
nagising ako dahil sa ringtone ng phone ko, ang aga aga, may tumatawag.
"hello?"
[Candy? baby?]
biglang tumigas ang buong katawan ko, minsan ko lang naririnig ang boses na toh. sobrang miss ko na sya,sila
"ma?"
[Candy, i have good news and bad news for you, so ano ang gusto mong unahin ko? good or bad?]
ilang segundo akong nag-isip bago sumagot
"Bad nalang muna Ma" mahinang sagot ko
medyo matagal bago sya magsalita
[the bad one is, matutuloy yung arrange marriage mo sa anak ng kaibigan ng Dad mo]
not again....
[Candy? are you still there?]
"yeah.."mahinang sagot ko "Ma, i have someone i like, someone i love"
[Candy, it is already been fixed and i can't help about it. please...]
"i...i'll think about it"
[that's my girl! bye baby, i love you]
i was about to say 'i love you too' but she already shut it
*sigh*
what about Thunder...
***
medyo wala ako sa mood ng pumasok ako sa eskwela, hindi kasi ako mapakali dahil akala ko wala na yung arrange marriage na yun, akala ko cancelled na yun, buhay pa rin pala
medyo gumagaan din ang loob ko kasi napapansin kong napapasulyap minsan si Thunder sa gawi ko, or was it my imagination? may pagka assumera kasi ako minsan...O SIGE NA...ASUMERA TALAGA AKO LAGI
pero atleast, ng dahil dyan sa pagiging asumera ko, di pa rin ako nahaheartbroken kay Thunder my bebe
gusto ko sana syang kulitin at magpapansin kaso wala talaga ako sa mood, kung matutuloy yung arrange marriage, paano na si Thunder? sino na ang gagawa ng drawings nya pag may pinapadraw si maam? eh puro stick lang alam nya i drawing, sino na magpapadala ng regalo sa bahay nila minsan..o sige na, araw araw? sinong babati sa kanya tuwing umaga ng GOODMORNING? actually marami pa Candy
paano na furute namin?
ang baby namin?
