Phone Call

104 2 0
                                    

"Meme, anone? Kanina ka pa nakahawak sa ketay mo. Tawagan mo na kasi." Pangugulit ni Buern. Nasa Valkyrie sila ngayon at nag paparty. Nag pa-party mga ba? Katatapos lang ng taping nya for GGV kaya dumiretso na sila dito.



"Ano?! Dun ka nga! Hayaan nyo na ko dito." Pagtataboy nya rito. Inirapan naman sya nito at bumalik sa dance floor with other beks. "Baklang 'to."



Tinitigan nya ang cellphone nya, sundin nya kaya si Buern.. "Tawagan ko na kaya?" Bulong nya sa cellphone nya. Baka kasi may makarinig. Cheret. Gustuhin man nyang tawagan eh, baka tulog na 'to. Or worse, asawa pa nya makasagot. Napangiwi nalang sya ng maalalang may asawa na nga pala ito.



"Aaaaahhhh!" He blurted out of desperation. Tinungga nya lahat ng inumin at i-dinial ang kanina pa gumugulo sa isipan nya. Baka mabaliw na sya pag hindi pa nya magawa.



Naka ilang ring na ito pero walang sumasagot. "Sabi na eh. Malamang tulog na sila ni My Husband." Ibaba na nya sana nang may sumagot.



"Yes?" Karylle answered.



Nagulat naman si Vice ng marinig ang boses nito. Hindi agad sya nakapag salita, lahat ng gusto nyang sabihin ay biglang nawala. "Hey. Talk! Naririnig mo ba ko?"



"Ah.. Yeah. Goodmorning K. Did i interrupt your sleep?" Pag aalangang tanong nya. Hindi kasi halata sa boses nito na bagong gising. Naglakad muna sya papuntang CR para marinig nya ito.



"No. Actually.. I can't sleep eh." pabebe nitong sagot.



Napangiti naman si Vice. "Uuy. Wag mo ko masyadong isipin, magkikita naman tayo bukas. Ay madaling araw na pala, kaya mamaya. Hehe."



K laughed. "Sira! So, napatawag ka? May problema ba? Nasa party ka nanaman."



Problema? Madami. Pwede bang sabihin na namimiss ko na sya? Katangahan yun kasi halos araw-araw na kaming nagkikita. "Wala lang. Namiss lang kita." Ayan nasabi nya tuloy. He smiled sadly.




Napatigil naman ito saglit. "Silly, Vice. Araw araw naman tayo nagkikita sa Showtime."




Araw-araw nga kaming nagkikita pero parang hindi naman. Kailangan kong bawasan ang pagdikit-dikit sakanya. Bakit? Kasi ayoko ng issue, ayaw ko ng may masabing iba, at higit sa lahat, ayaw ko nang mas lumalim pa ang nararamdaman ko sakanya, may asawa na sya. Hindi na tama.




"Joke lang. Hopia ka? Hahaha! Wala ba dyan si Yael?" tanong nya rito kahit masakit. Kadalasan kasi pag ganitong oras na tinatawagan ko sya, hindi nito sinasagot.



"Wala.. Nasa gig."


"Ah.. Kaya pala sinagot mo ung tawag ko."

"Eto naman. Be thankful at gising ako at may kausap ka."


"Edi wow?" Nagtawanan lang sila. Ilang sandali pa ay wala ng nag salita. Vice break the silence. "I miss you Kurba.. I really do."




"Vice.." Mukhang alam na nito ang dahilan ng pag tawag nya. Hindi naman kaila dito ang nararamdaman nya lalo na nung hindi pa sya kasal..

~

"Grabe ung hugot mo kanina ha? Wala namang ganun sa script may pinagdadaanan?" Biro ni Karylle ng pumasok ito sa dressing room ni Vice. Naka-ugalian kasi ni Karylle na tumambay sa dressing room ni Vice after the show. Katatapos lang ng showtime at nag aayos na si Vice pauwi ng pumasok si Karylle.



"Hindi ka pa ba uuwi?" plain na tanong nya pabalik dito. Karylle's smiled face turn into serious one.




"May problema ba tayo Vice? Parang kanina okay naman tayo."


"Umalis kana K. Aalis na ako." Pinagpatuloy nya ang pag-aayos ng bag. Pagkatapos nyang ayusin ang gamit nya ay dumiretso sya sa pinto. Agad namang nahawakan ni Karylle ang braso ni Vice bago pa makalabas ng pinto.




Nauna nang lumabas ang mga beks na kanina pa gustong lumabas para bigyan ang ViceRylle ng time para makapag usap. Alam kasi ng mga ito na wala si Vice sa mood after ng announcement ni Karylle.



"Ano ba? Hindi kita gets!" Napataas na ang boses ni Karylle.



Lumingon naman si Vice sa dalaga. Hindi na ito nakapag pigil. "Ikaw ang hindi ko gets. Bakit magpapakasal ka na?"




Naguluhan naman ito. "Ha? Paano naman napasok dito ang pagpapakasal ko?"


Vice smirked.  "Manhid ka nga talaga."

"Will you just explain? Hindi kita magets. Una, sa kasal ko ngayon manhid ako?"

"Hindi mo ba talaga nararamdamang mahal kita?" Nagulat naman bigla si Karylle sa sinabi nito. "Akala ko nga you feel the same way kasi sinakyan mo lahat ng sinasabi at ginagawa ko. Even off cam! Then all of a sudden you'll get marry to that.. (minion! Ako na nagtuloy. Lol)" Napa-upo si Vice sa sahig and he started to cry.

"Im sorry, Vice. Hindi ko naman alam na may feelings ka sakin. And we both have a boyfriend.." Lumuhod si Karylle upang magkapantay sila ng kaibigan.

"Matagal na kaming break ni RJ. Well, it's nonsense now." He stand up ang wipe his tears. "Mauuna na ko. Congratulations on your engagement." Vice smiled sadly before leaving Karylle.



Dumiretso si Vice sa rooftop at doon nag emote. Akala talaga nya may something na sila, kaya pala maraming namamatay sa maling akala. Parang sya, namamatay na sobrang sakit ng puso nya.

~

After that confession incident ay iniwasan nya ito off cam. Hindi naman kasi pwede pag on cam hangga't maari ayaw nyang maapektuhan ang trabaho nila. After her wedding, i tried to move-on. Kahit masakit, pumunta ako. Yun ang tinatawag na feeling strong.



Totoo namang masaya sya para sa kaibigan. Pero malakas talaga ang pana ni kupido, imbes na mabawasan ang pagmamahal dito ay mas lalo pa yatang lumalala. Kung baga sa cancer, stage 4.



"Sorry for loving you.. I know it's wrong but i can't help it. Im sorry.." Nagsimula ng umiyak si Vice. Kanina pa nya ito pinipigilan pero hindi na nya kaya.

"Vice, just stay where you are okay? Bye." Binaba na ni Karylle ang tawag. Hindi man maintindihan ang sinabi ni Karylle ay binaba na rin nya ito. Wala syang nagawa kundi umiyak sa loob ng restroom. He feel rejected again. Nang mahimasmasan ay bumalik na sya sa table nila. Ininom nya lahat ng drinks hanggang sa mahilo.



After 30 minutes ay may kumalabit sakanya. Nakayuko na kasi sya sa table sa sobrang kalasingan. "Wag kang magulo. Inaantok ako." pagtataboy ko rito.


"Akala ko ba namimiss mo ko?" Napaangat naman si Vice ng ulo ng marinig ang boses nito. Tinitigan muna nya ito upang makasiguro. Pero kahit anong pilit nya, hindi talaga nya maaninag ang taong nasa harapan nya. "Namimiss? Ikaw ba si Kurba ko? Assuming ka ah. Konyatan kita gusto mo?"


Natawa naman ang babae sa harapan nya na kinainis ni Vice. Yuyuko na sana sya ulet ng hinawakan ng babae ang mukha nya at nilapit ang mukha sakanya.Ngumiti ito. Agad syang napatayo at niyakap ang babaeng kanina lang ay kausap nya sa telepono.



**

#Hehe

What If (ViceRylle) | One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon