"Hoy!"

Naiinis akong tumingin sa tumulak sa balikat ko.

"Ano?!" Nakakunot-noong tanong ko pa sa katabi kong si Erickson.

Erickson Fuentes is a guy who likes a girl and a guy. With his clean-cut hair, well ironed uniform that fits his skinny body that compliments his neutral skin color, well-trimmed manly long fingers that holds a notebook and a ballpen while carefully listening to our teacher.

"May quiz daw mamaya. Makinig ka para may sagot tayo," bulong nito sa akin habang sa harap ang mga mata.

"Eh anong ginagawa ng notebook at ballpen sa desk mo?" Masungit kong tanong sa kaniya.

"Kahit may notebook at ballpen ako sa desk ko, panigurado wala pa rin tayong sagot mamaya kapag hindi ka nakinig. Ikaw lang pag-asa natin dito."

Naiinis kong tinago ang cellphone sa loob ng bag na nakasabit sa likod ng kaharap kong upuan saka kinuha ang notebook sa subject namin ngayon.

"Pass your paper in front. Sa mga nasa harap exchange paper sa katabing row," instruction ng teacher namin.

Matapos ang checking ay nakabalik na sa amin ang paper namin.

"Ano score mo?" Tanong ko kay Erickson.

"Thirteen over fifteen. Ikaw ba?" Sagot nito habang tinitingnan ang papel niya.

Sinilip ko ang hawak kong papel.

"Ano?! Bakit mas mataas ka sakin ng isa? Patingin nga ko ng papel mo!" Sabay hablot ko sa papel na hawak niya saka pinagkumpara ang papel ko sa kaniya.

"Parehas tayo kaninang walang sagot sa number eleven, ah. Pano ka nagkasagot?!"

"Nanghingi ako kay Pau hehe," nagkamot pa ito sa ulo niya.

"Iba talaga!" Padabog kong nilapag ang papel sa desk niya.

Maayos kong tinupi ang papel na hawak saka ito siniksik sa notebook kong nilabas kanina.

"Anong hitsura yan, Cie?" Tanong sakin ni Ellie nang makalapit.

"May nakalamang na naman ng isa kanina sa quiz," parinig ko sa katabi na may hinahanap sa bag.

"Hindi ka lang talaga marunong gumawa ng paraan," sagot lang nito.

Sinipa ko ng pabiro ang upuan niyang katabi ko na hindi man lang gumalaw.

"Ano ba score mo?" This time si Bella na ang nagtanong.

"Twelve! Tapos siya naka-thirteen pa!" Turo ko pa kay Erickson.

"Ito mautak!" Batok sa kaniya ni Ellie habang natatawa. "Kanino ka nakakuha ng isang sagot?"

"Syempre kay Paulo," proud pa nitong sagot. "Ayan na! Nag-bell na!" Agad itong tumayo nang marinig ang bell ng lunch time. "Tara na, Cie! Wag mo nang isipin yun. Pasado ka pa rin naman, ah!"

Padabog akong tumayo saka kinuha ang wallet sa loob ng bag dala ang cellphone saka sumunod sa kanila.

Nauuna silang maglakad habang ako ay nasa likuran nila. Masaya silang nagku-kwentuhan habang ako naman ay busy sa binabasa sa cellphone.

"Touch screen yan?"

Nagulat ako ng may biglang nag-scroll sa cellphone ko kaya tumaas ang binabasa.

Nang balingan ko kung sino yun ay nakita ko ang mga classmates na lalaki. May nauuna lang talaga sa kanila kaya alam ko na kung sino yun.

"Hoy, Delgado!" Malakas kong tawag sa kaniya.

Dahil sa inis ay mabilis akong naglakad para mahabol ko siya habang prente lang ang lakad niya. Hindi niya siguro narinig ang tawag ko.

Digging the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon