Pagkatapos kong mahanap ang susi ng classroom ay saka ko ito dahan-dahang binuksan pati ang mga ilaw.

Ako pa lang at ang class treasurer ang nandito ngayon kaya masyado pang tahimik ang buong building. Bukod sa ibang mga schoolmates naming nasa kani-kanila ring classroom ay hindi iyon sapat para tapatan ang ingay kapag marami na kami.

Inaantok ko pang nilapag ang mga dala sa mga bakanteng upuan saka tinatamad na umupo sa upuang una kong nakita.

"Potek! Inaantok pa ko!" Reklamo ko kay Donna habang kinukusot pa ang mga mata.

"Same, Cieng," mahinhin nitong sagot.

"Parang hindi naman halata," naka-halukipkip ko pang sabi.

Mahina lang ako nitong tinawanan saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit na bitbit namin. Pinanood ko lang siyang gumalaw. Ang kaniyang katamtamang balat ay bumabagay sa suot niya ngayong kulay itim na oversized T-shirt na sakto lang sa slim niyang katawan, ang subtle stacked bob niyang buhok na medyo basa pa, ang saktong height niya para sa edad namin ay ang madalas na depinisyon sa kaniya ng mga schoolmates namin dahil kilala siyang matalino ng section namin. Which is totoo naman dahil kasama siya sa high honor namin. Ewan ko nga bat ako nandito eh.

Dahil sa naisip ay tuluyan nang nanghina ang utak ko kaya agad akong yumuko para ipikit ang mga matang bumibigat pa.

"Pakigising na lang ako kapag kumpleto na tayo, Don," sabi ko sa kaniya habang nakayuko na.

Hindi ko narinig ang sinagot niya dahil kinain na ng kaantukan ang sistema ko.

"Good morning, people."

Malakas na sigaw ang pumukaw ng sistema ko. Kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para malaman kung sino ba yung sumigaw. Hinilamos ko pa ang dalawang kamay sa mukha para tuluyan nang magising.

Si Ellie lang pala.

Babalik pa sana ko sa idlip nang sunod-sunod na ingay na ang narinig ko.

Hindi ko na tuloy nagawang yumuko.

Nakakunot pa ang noo kong pinupruseso kung sino na ba ang nasa loob ng classroom nang makita kong abala na ang katabi ko.

Ilang minuto ba kong nakaidlip?

Kinukusot ko pa ang kanang mata nang lumapit na sakin si Donna at bigyan ako agad ng gawain.

"Para magising na ng tuluyan ang diwa mo, Cieng," natatawa nitong sabi sa akin.

Nakanguso ko na lang itong tinanggap.

Kapag ba nasugatan ako ng gunting tuluyan nang magigising diwa ko?

Kinuha ko na lang ito pati ang mga colored paper na gugupitin.

Dahil sa hindi alam na gagawin ay pinalibot ko pa ang mga mata para hanapin si Donna.

"Anong klaseng gupit ba gagawin ko dito?" Mahina kong tanong sa kaniya nang lapitan ako ulit at dagdagan ang colored paper na binigay niya sa akin.

Pinakita niya sa akin ang klase ng gupit kaya agad ko naman itong nakuha.

Mabagal pa ang paggupit ko ng mga papel nang maramdaman kong may biglang gumulo ng buhok ko.

Masama ko itong tiningnan ang nasa harapan ko ngayon.

"Good morning, Cieng," nakangising bati ni Tolentino sa akin bago pumili ng pwesto niya.

Nakasunod sa kaniya si Paulo na nginitian lang ako bago pumunta rin sa pwesto niya.

"Donna, napapansin ko padagdag ng padagdag binibigay mo sakin," reklamo ko sa kaniya nang bigyan niya ko ulit ng panibagong colored paper.

"Hindi mo ba napapansin na marami ka nang natatapos? Inaantok ka pa niyan, ha!" Sabay turo nito ng malaking transparent plastic na halos mapuno na.

Digging the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon