Morning is beautiful but I don't enjoy it.

Malamig ang hangin na nararamdaman ko since wala akong jacket na dala. Dumagdag pa ang basa kong buhok na lagpas balikat ang haba na dumidikit sa likod ng uniform ko ang tubig nito. Nagbu-bukang-liwayway pa lang ay marami na kong nakakasalubong na mga schoolmates na piniling mas maagang pumasok para makaiwas sa sermon ng guidance teacher kapag nali-late.

Dahil sarado pa ang gate ng school ay naghanap ako ng pwesto kung saan pwedeng ilapag ang bag. Nakakita ako ng lamesang hindi pa nalalatagan ng mga paninda kaya doon ako dumiretso at nilapag. Agad kong hinanap ang suklay sa loob nito para ayusin ang buhok.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang iba naming mga kaklase at sinamahan ako.

Tinatali ko na ang buhok nang may biglang humila ng tali nito kaya nasira.

"Arrgh!" Naiinis kong baling sa nasa likod ko. "Walanya ka talaga, Tolentino 'no? Kung alam mo lang kung gaano kahirap mag-ayos ng buhok," reklamo ko sa kaniya habang inuulit ang pagtali.

Tinawanan lang ako nito habang inaayos ang salamin niya sa mata.

"Nagpalit ka ng frame sa eyeglass mo?" Tanong sa kaniya ni Maret nang mapansin.

"Oo, nagsawa ako sa luma eh."

"Ganyan naman kayo," sabat ko sa usapan nila.

Binatukan lang ako nito bilang ganti. Kaya nasira na naman ang buhok na inaayos ko.

"Ano ba!!!"

This time ay pinalo ko na siya ng suklay na hawak ko nang bitawan ko ang buhok. Agad naman itong bumagsak sa likod ko.

"Kanina ka pa, ha!"

Tinawanan lang ako nito.

Masama pa ang tingin ko sa kaniya nang kunin ni Paulo ang suklay na hawak ko. Sa kaniya tuloy nabaling ang sama ng tingin ko since magkatabi lang naman sila ng pinsan niya. Lumapit lang siya sakin at pinatalikod ako saka siya na ang nagsuklay ng buhok ko.

"Bakit kasi ang haba ng buhok mo?" Bulong nito habang magaang sinusuklay ang buhok ko.

"Marunong ka ba magtali ng buhok?"

Dahil sa tanong ko ay napatingin ang iba naming mga kaklase sa pwesto namin. Nakita ko ang iba ay may gulat na reaksyon habang ang iba ay may nagtatakang tingin.

Dahil sa nakitang reaksyon nila ay agad kong kinuha ang suklay na hawak niya at lumayo. Lumapit ako sa mga babaeng kaklase at doon na piniling ipagpatuloy ang pagtatali.

Hindi nagtagal ay binuksan na ng guard ang gate ng school kaya unti-unti nang nagsisipasukan ang ibang mga estudyante na mga nakaayos na. Samantalang ako ay minamadali na ang pagtatali ng buhok. Matapos ipusod ay kinuha ko ang hair net na nakasabit sa ID lace ko. Hindi ko na sinubukang i-check kung maayos ba yun. Sa classroom ko na lang mamaya aayusin.

Agad ko namang binalikan ang bag na iniwan ko sa lamesa kanina nang makitang wala na ito doon.

Kinabahan ako bigla.

Kailangan kong makita yun. Pagagalitan ako ni Mama! Isa pa andun yung mga notes ko! Kahit hindi ako nag-aaral ng mabuti masipag naman ako magsulat.

Sinubukan kong hanapin ang mga kaklaseng lalaki na nakatumpok dito kanina para sana tanungin kung nakita ba nila ang bag ko. Agad ko silang natanaw na naglalakad papasok ng gate.

"Delgado!"

Hindi man lang ito lumingon kaya nagmadali akong lumapit sa kanila.

Nang malapit na ko ay natanaw ko si Paulo sa gilid ng gate. Suot niya ang bag ko na nasa harap niya habang ang sariling bag ay nasa likod niya.

Digging the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon