dear diary,
naiinis ako kay xiumin hyung. paano ba naman kasi ang tanga nya eh. nagpasama kasi ako sa kanya sa mall. dahil gusto ko bumili ng ballpen. Eh may bago akong nalaman na tindahan ng mga ballpen kaya gusto ko itry kung maganda yung quality ng ballpen nila.
nung pumunta na kami sa mall. nagtaka ako kasi magkaibang direksyon ang pupuntahan namin. "akala ko ba bibili ka ng ballpen?" tanong ni hyung. "oo nga." tas kinuwento ko sa kanya yung tindahan na gusto ko puntahan. sumunod naman sya sakin.
"hindi dito ang bilihan ng ballpen yixing!" nagtaka naman ako sa kanya. Tanga pala si hyung? Tsk.
"tsk. sa national bookstore tayo bumili, hindi dito." ay confirmed. tanga nga si hyung. naawa naman ako bigla.
"penshoppe to hyung! PEN! edi may ballpen dito." nag facepalm naman sya. ano ba to si hyung? Gusto nya sa national bookstore ako bumili eh puro books nga dun di ba? bookstore di ba? hindi national book and pen store. tsk. hyung pabo-aah~
- yixing
BINABASA MO ANG
yixing's diary ¦ innocence noted.
HumorNaisip mo na ba kung gaano ka-inosente ang isang Zhang Yixing? Well, let's find out.