Chapter 7

8 1 0
                                    

Chapter 7

--------

Sa sumunod na week, we were busy practicing for our upcoming graduation. After our graduation, I plan to take an examination in San Jose, Occidental Mindoro. My parents want me to study there so I can take care of Grandma, and Grandma wants me to take care of her.

Maiiwan kapatid ko dito sa manila kasama si Mama. Doon siya magtatapos ng high school. At tsaka kapag nakapagtapos siya sa San Jose din siya mag aaral ng kolehiyo at ako magpapaaral sa kaniya dahil ako lang ang inaasahan nila na magpapaaral sa kapatid ko.

Kinagabihan, habang nagsusulat ako, biglang may tumawag sa'kin at si papa iyon. Sinagot ko naman ito at hinarap ang camera sa mukha ko habang nanatili pa din akong nagsusulat sa laptop. Padala sa'kin ni Papa itong laptop at dito na ako nagsusulat ng mga bawat kabanata sa aking ginagawang story.

Tumigil ako sa pagsusulat at tinanong si Papa. "Papa, kumusta?" Tanong ko sa kaniya mula sa phone.

"Kayo ang kumusta diyan, ano natangggap mo na ba iyong laptop na binili ko para sa'yo? Pinaghirapan iyan ni Papa, ingatan mo." Seryosong sabi sa'kin ni Papa.

"Papa, natanggap ko na at dapat nga hindi mo na ako binilhan ng ganito. Nakakapaghintay naman eh, pero salamat dito, Papa." Pagpapasalamat ko sa kaniya.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Papa. "Miss na kita, Papa." Dagdag ko.

"Miss ko na din kayo, baka may boyfriend ka na diyan ha? Bawal ka pa magboyfriend, maging abala ka muna sa pag aaral mo at sa sarili mo. Lalo na sa nakapaligid sa'yo." Seryosong sabi ni Papa sa'kin.

Natawa naman ako. "Papa naman, hindi ako magb-boyfriend at tsaka wala akong boyfriend. Wala sa isip ko iyon, Papa."

"Pero umaasa na soulmate, alam mo anak darating naman iyan eh, kung kailan handa ka na, hayaan mo na pagtagpuin kayo ng landas. Hindi dapat minamadali." Seryosong sabi ni Papa sa'kin.

Alam ni Papa kung gaano ako naniniwala o umaasa sa soulmate. Oo, hinahanap ko hindi ko mapigilan isipin kung paano kung ganito? Paano kung ganito gawin niya kapag nagkita kami ipaparamdam niya sa'kin iyong totoong pag ibig na never kong naranasan? Madaming what if sa utak ko.

"Hindi ko na minamadali, Papa. Hinahayaan ko na lang. At, Papa magpahinga ka na halatang pagod ka."

"Kayo nga pahinga ko eh." Seryosong sabi ni Papa na halatang inaantok na.

"Si Papa talaga. Sige na, Papa. May gagawin pa ako, matulog ka na at nang makapagpahinga ka naman. At tsaka, Papa. Pangako mo ha? na uuwi ka dito sa graduation namin. Ikaw pa naman magsasabit ng medal ko." Sabi ko sa kaniya. "Sige na, po. Bye, Papa. Mahal ka namin nila Mama." Masayang dagdag ko.

"Mahal ko din kayo." Nakangiting sabi ni Papa at pinatay na ang tawag.

Nang mamatay ang tawag. Pinagpatuloy ko na ang aking pagsusulat. Nang matapos at nakapag updated na ako. Nakahinga ako ng maluwag. Hinilot ko ang aking batok at nag iinat. Napatingin ako sa notification. May bigla kasing nag notification. Tiningnan ko iyon at nakita ang isang komento ng aking mambabasa. Binasa ko iyon at nakita ang nickname ng nag comment. Ito iyong nagtanong sa'kin noong nakaraan. Tinanong niya if, 'kailangan ba talaga magsakripisyo para sa taong mahal mo? So, kapag hindi nag sacrifice para sa taong mahal mo, ibig sabihin hindi mo talaga minahal ang taong iyon? at kapag nagkagusto ka sa iba it means, hindi mo talaga mahal?'

Napaayos ako ng upo at nagtype ng sasabihin. She always asked me about love.

kayolette: yes, you don't love him and it's not love, because the word of 'love' is so deep. if you love that someone you should sacrifice anything for him/her, it's also loving that someone with or without her presence on your side. you love but kapag na kayo sa isa't isa, you lose interest? It's not love, because if you love someone, even if they are far away, you still love them and if you love someone you need to sacrifice, like you are willing to sacrifice for them, you are willing to sacrifice them to your parents and they are also willing to sacrifice just to show your parents that they are serious. but if you didn't do that and they didn't do that, it means you don't really love him, you don't really love each other. It's just temporary, like an experience, and also loving someone despite their imperfections.

Aspiring For True Love Where stories live. Discover now