IT'S RAINING IN 2006

32 2 2
                                    

February 7, 2024

"Rainn, RAIINNNNN" malakas na sigaw ni nanay sa pangalan ko dahil alas sais emedya (6:30) na dipa ako gumigising at syempre late nanaman ako papasok sa school.

7:30am mag sta-start session namin at si nanay naman ay 7:00am work niya at dapat di sya malelate dahil lagot sya sa amo niya.

Bumangon na ako at pinuntahan si nanay para humingi ng baon dahil alam kung Dina kami sasabay Kumain niyan dahil sa pag mamadali niya.
(Si nanay ay nag wowork sa Isang malaking restaurant sa may "boulevard" bilang washer "tagahugas ng pinggan").

Nasa pintuan na si nanay papalabas at nag mamadali na ako baka makakalimutan niya nanaman akong bigyan ng baon kagaya noong nakalipas na mga Araw.


Binigyan ako ni nanay 70pesos pambaon sabay sabing
"umuwi ka ng maaga ha!! Mag lalakwatsya ka nanaman Kasama mga kaibigan mo nang diko nalalaman!
Rain tandaan mo pagnalaman kung may low grades kananaman ipapa transfer talaga kita sa ibang paaralan!!"

Hindi ko alam kung Galit siya pero para sa pandinig ko, Galit na Galit na Galit talaga siya. Like,ano ba?!?!
Para kasi Kay nanay Wala na akong nagawang tama purok nalang mali. Ewan ko sakanya sawa na akong maging anak niya!.

Pumasok na ako at normal late nanaman ako.

Malapit nang matapos first session namin at pagpasok ko, lahat ng kaklase ko tumingin sa akin na para bang nababasa ko ang ibig Sabihin ng mga mata nila "LAGOT KA"!!!!

Habang nasa pintuan ako at nakatitig sa nga kaklase ko, sinigiwan ako ng gen math teacher naming si sir. Antonio na

"Ms. Balgon!!!! Late kananaman??!!!?! Wala bang week na dika late sa klase ko?!?!" Sigaw ni sir na Galit na Galit na parang gusto ko nalang lumipad sa far away. " GET INSIDE "!! Sigaw nanaman ni sir sabay tawa ng mga classmate kung Akala nila kung sino sila umasta, eh... Mas matalino pa naman ako sa Kanila chariz.

I'm a grade 11 student sa tandag national science high school o mas kilalang "sci high" section pascal.

Sabi nila stem daw pinaka madaming pogi,cute,at ideal type ko hmmm.... So nag STEM ako. kinda funny. expectations vs. reality ):. Siguro ito na yung year na malaki ang pagsisisi ko sa buhay dahil sa mga major subjects kung nakaka dry ng brain cells. 

feel ko pag pre-cal at gen-bio time na ay mentally absent ako. nakaka PIGA ng utak. ):

(5:00pm) hay salamat uwian na!! "Good bye class" pag papaalam ng 21st century literature teacher naming si Ms.Quinto. "Good bye and thank you Ms.Quinto!

 Sabay hinawakan ako sa braso ng kaklase kong babae at niyaya akong gumala. "Rain gala tayu boulevard"! "girls only  lang promise." 

(wala naman akong ibang gagawin  edi napasama nalang din ako at 9:00pm panaman uuwi si mama so ano naman gagawin ko sa bahay?)

habang nakasakay sa tricycle,narinig ko pauusap ng mga kaibigan ko sa front seat na "nandyan ba si JM?" sabay ngiti o tawa na parang kinikilig na diko ma gets.

 (Apat kaming mga babae na gagala). Nang nakarating na kami sa Gold Bar,bumaba na kaming lahat at ako  ay kinabahan na dahil alam kong dito nag tatrabaho si nanay! 

Nang kami ay naglalakad napansin ng mga kaklase ko ang nanay ko at tinananong ako "rain,nanay mo ba yun?"  sabay tawang tawa silang lahat.

 (alam kung panlalait yun kaya diko na pinansin. tiningnan  ko trabaho ni nanay. siya ay busy sa paglilinis ng misa sa restaurant habang madami pang mesang dapat linisin at alam kung siya din huhugas sa mga yan.

 diko alam kung maaawa ako o denidedma nalang dahil sa work ni mama dina kami nag-uusap dahil pag-uwi niya,diritso tulog na si nanay sa nakakapagud niyang trabaho. Diko alam ilan sahud niya dahil di niya sinasabi sakin ang mga ganyang bagay ehh....)

habang papaupo si dike sa boulevard, may paparating na lalaki na parang maangas umasta. okay lang naman face niya,pero diko sya type haha.. sumigaw mga kaibigan ko "JM!!! nandito kami!"

 sinabihan nila akong "Rain samahan mo lang siya ha! wag ng pakipot dahil jackpot mo nayan." "HUH????!? anong jackpottt??!!" tanong ko sa kanila sabay naglakihan ang aking mga mata. tumakbo na sila at diko na makita. 

nais ko sanang sundan sila pero mahirap na baka mawala pa ako.(dinaman sa diko kabisado ang lugar ha pero baka hahanapin nila ako so dinalang ako gumalaw). nang dumating na ang lalake, di ko na alam ano gagawin ko. first time ko to eh.(blind date batughh??pereng tenge). tumabi siya sakin sabay tanong kung nag ve-vape badaw ako.

 "nag vavape kaba? baka gusto mo" nilabas ang vape at binigay sakin. "jm pala!...ikaw ba si rain??" Sagot ko "Oo" (Oo lang sinagut ko dahil ewan. medyu na curious ako sa vape kaya nag try nalang ako.

habang nag va-vape ako, unti-unti niyang hinawakan ang aking kamay na para bang may balak siyang gawin. dina ko maka galaw sa kaba(eme) kaya hinayaan ko nalang.(kinabahan ako baka mahuli ni nanay). Hanggang may narinig akong sigaw.

"RAIIINNN!!!!" sigaw ni nanay na galit na galit ang kanyang mukha na parang naluluha na diko maintindihan at may dala siyang mga basura na balak siya sanang itapon ngunit itoy napahinto ng nakita ako. Sa subrang kaba ko,nabitawan ko kaagad ang vape at pinush si jm ng malakas habang paparating na si nanay na parang sasampalin ako ng malakas.

(road to heaven naba tugh?). (nay, wag naman sana dito please nakakahiya andaming tao please please please!!) papalapit na papalapit na si mama at..

.........SINAMAPAL NIYA AKO SUBRANG LAKAS NA PARANG KULANG NALANG MATANGGAL ANG MGA NGIPIN KO. tumakbo na si jm na parang walang nangyare habang lahat ng tao sa paligid ko ay nakatitig sa kahihiyan na ginawa ng nanay ko sa akin. 

pagkatapos niya akong akong sampalin ay dipa siya tapos mag salita.

 pinapagalitan niya pa ako ng grabe halos diko na sya marinig sa nakaka bingi niyang mga salita pero may sinabi siyang tumatak sa pandinig ko na parang gusto ko nalang mamatay at yun ay ang marinig ang "SANA HINDI NALANG KITA NAGING ANAK" diko mapigilian ang mga luha ko at lalong lalo na ang galit ko kaya nawalan na ako ng respeto sa nanay ko at sinigawan siyang "OO AT SANA NAMATAY NALANG AKO!! GANAYAN KANAMAN PALAGI DIBA?? LAHAT NG NAKIKITA MO SA AKIN MALI? GANYAN KA EH DIMO KO ITENURING BILANG ANAK!! AT BAKA AKALA MO GINUSTO KO MAGING ANAK MO?!?! TANDAAN MO NAY NA PINAGSISISIHAN KO DIN MAGING INA KA"

 sabay tulak sa kanya at napahiya siya sa baba.

The Moment I Loved My MomWhere stories live. Discover now