February 7, 2024 - 10:35pm
At sawakas nandito na ako muli. nakatayu sa gitna ng tulay. Tumakbo na ako pabalik at hahanapin si nanay upang yakapin ko siya ng mahigpit.
Nang dumating na ako sa restaurant(hinihingal pa kakatakbo) nganunit wala si nanay don. kaya pumunta ako kung saan nangyari ang gulo.
ngunit diko parin mahanap hanap si nanay sa dami dami ng tao sa paligid ko.Nahihilo na ako kakahanap at bigla na lang may tumawag sa akin sa likod na galit na galit -"RAINNNN!! SAN KA NANAMAN PUPUNTA !!" galit na sigaw ni nanay.
wala na akong pake kong galit siya sa akin basta yayakapin ko talaga siya ng mahigpit ay masaya na ako. kahit ilang galit pa yan,mahal na mahal ko talaga si nanay. tumakbo ako papunta sa kanya habang singlaki ng ulan ang mga luha kong di mapigil sa pagbuhos.
nabigla si nanay na mukhang dimakapaniwala sa lahat ng nangyari. nabitawan ni nanay ang mga dala niya, at niyakap na din ako ng mahigpit at napaiyak nadin. sinabi ko sakanya ng paulit-ulit na "MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA NAY"
"SORRY SA MGA NAGAWA KONG KASALANAN SAYU NAY"-patuloy kong sinasabi habang yinayakap at umiiyak sa kanya.
imaginin nyo nalang ang susonod na pangyayari!! mwa! <3
EXTRA SWEET:
bukas ay birthday ko na at habang niyayakap ko si nanay ay maydala siyang mga karne at iba pang panhadaan sa kaarawan ko.
FEBRUARY 8.2024 sa wakas 17 na ako at may pa cake pa si nanay(ang sweet)
ito na ata ang pinaka masaya kong birthday. pagblow ko sa candle ay di wish ang sinabi ko kundi, "SUBRANG LAKI NG PASASALMAT KO AT NAGING NANAY KITA NAY" <3
YOU ARE READING
The Moment I Loved My Mom
Teen Fictionthe journey of her daughter who experience the feeling being a mother through time travel.