Prologue

1 1 0
                                    

It was raining cold and misty when the head of the manor enters. He was from the palace and just took his younger sister to meet his beloved. But as soon as he stepped inside, he felt uneasiness as if there was an uninvited visitor in the house.

Sa kabila ng masamang pakiramdam ay ipinagpatuloy pa din nito ang pagpasok para hanapin ang babae. Nag-alala sya dito lalo na't madalas niyang maramdaman ang presensyang iyon kamakailan at hindi maganda ang kutob nya dito.

Ang manor ay may hindi ganoong kadaming mga bantay dahil tiwala naman siya sa mga nandodoon. At isa pa ay mas gusto niya na maging komportable ang babae kahit na magkaiba sila ng lahi.

Mabilis niyang pinuntahan ang kwarto ng babae. Nang kanya nang bubuksan ang pinto nito ay bigla na lamang may humawak na munting kamay dito.

Sa paglingon niya ay ang kapatid niya lang pala ito, ngunit nagtaka sya kung bakit balak maiyak nito habang walang boses na sinasabing 'wag.' Tahimik na umiiling pa ito na nagpakunot ng noo niya.

Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti-unting napihit na pala nito ang seradura ng pinto. At sa dahan dahang pagbukas ng pinto ay sya namang paglabas ng halinghing na nagmumula sa dalawang tao.

Tila napako sa kinatatayuan ang lalaki habang naririnig ito. Nanlamig ang katawan nito at tuluyan ng nakalimutan ang tamang pagkilos.

Sa ilang segundo ay unti-unting namuo ang galit sa sistema. Pabalibag nitong binuksan pa lalo ang pinto na syang nagpagulat sa dalawang nasa kama. Bagamat naka-taklob ng kumot ay alam mo ng walang saplot ang mga ito.

Sa pagkabigla ay agarang napatayo ang mga ito hablot ang kumot. "Evan," nanlalaking matang sabi ng babae at mabilis na isinuot ang puting daster.

Napatawa na lamang siya ng sarkastiko at inalala ang pagpapahalaga sa dalaga. Ni-katiting ay hindi nya ito hinawakan sa ganitong ka-intimate na paraan. Tanging mabilisang yakap at munting halik lang ang binibigay nya dito. Hindi sa nagpapaka-inosente sya sa ganitong mga gawain pero sa ganitong paraan nya binibigyan ng respeto ang babae at hindi rin naman nag-initiate ang kabiyak dahil madami din itong binibigay na limitasyon. Kahit na sa maliliit na bagay ay laging may bawal.

Wala pang isang segundo ay nasa pwesto na siya ng lalaking mapangahas at hawak hawak ang leeg nito. Sa diin ay halos mabasag na ang mga buto ng lalaki. Sa kabilang banda ay humahangos ang babae at nagmamakaawa na bitawan ang lalaki. Hindi nagtagal ay tuluyan ng namatay ito.

Walang emosyon niyang tiningnan ang babae na ngayon ay nakayuko na lamang. "Isa kang halimaw," ani nito. "Ang mga katulad nyo ay hindi karapat-dapat mahalin."

Parang palasong tumusok sa puso niya ang bawat salitang lumalabas mula rito. Hindi na ito ang babaeng minahal niya. Ang totoo ay napansin na nito ang pagbabago simula pa lang ng malaman nito na hindi sila magkasing-uri. Nawala ito ng ilang araw ngunit bumalik din kalaunan.

Isa siyang bampira. At ang akala niyang pagtanggap ng babae ay isa lang palang kathang isip. Hindi ito totoo at ang lahat ng ipinakita ay isang pekeng eksena lang.

Nanlilisik ang mata ng dalaga ng tignan siya nito at mabilis na pumunta sa kapatid. Ang batang babae ay walang nagawa ng bigla siya nitong hilahin at itinutok ang kutsilyo na hindi nila malaman kung saan nanggaling. Tumulo ang pulang likido sa leeg ng bata nang magkaroon ng maliit na hiwa dito.

Dahil din dito, ang galit niya ay mas lalong umusbong na tila nakalimutan na din nito ang nararamdaman sa babae.

Bigla namang kinagat ng bata ang braso nitong nakapalibot sa leeg, kaya nabitawan ang kutsilyo. Dahil dito ay nakatakbo ang bata papalabas ng kwarto at isinarado. Ito ay inutos ng kuya niya.

Mabilis ang naging pangyayari at natagpuan niya na lang ang kutsilyong kanina lang ay nasa sahig ay nasa dibdib na niya. Ang totoo ay hinayaan niya lang ito para malaman kung saan ang hangganan ng kasakiman ng babae.

Nakaramdam sya ng kirot sa naging sugat, hindi niya inasahang may lason ang gamit nito. Mabuti na lang at hindi sa eksaktong sa puso niya bumaon ang patalim.

"After everything I've done for you."

"You're a monster, Evander. You can't co-exist with us because you're a threat. Ang pinanghawakan ko lang sa iyo ay ang kayamanan at proteksiyon mo," may diing sabi pa nito.

“Hinding-hindi ko mamahalin ang mga katulad nyo,” dagdag na saad nito.

Bumukas muli ang pinto ng kwarto kasabay ng pagpasok ng mga gwardya at kinaladkad ang babae. Habang papalayo ay paulit-ulit pa din ang pagsigaw nito ng halimaw.

You think I am a monster. Fine, I will be a monster.

“Imprison all humans. If they fight, kill them.”

—————————
• Minor changes can be done anytime.

Mate in Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon