Chapter 3

118 6 1
                                    

Tok! Tok! Tok!

Awtomatikong napalingon ako sa pinto. Saglit akong natigilan nang maiisip na wala naman akong inaasahan na bisita lalo't gabi na.
Napalunok ko at bumababa ang tingin ko sa anino mula sa labas. May taong nakatayo doon at tila hinihintay na pagbuksan ko.

Mahina kong kinagat ang aking labi dahil sa naramdamang pangamba. Biglang pumasok sa isip ko na baka iyon ang killer na nakasabay ko kanina. Napabuntong hininga ako. Pero bakit naman kakatok ang killer 'di ba? Pinilig ko ang aking iniisip at unti-unting lumapit sa pinto at buksan.

Nang mapihit ko ang sekadura ay bumungad sa akin ang maliit na kahon, nakapatong sa doormat. Napalinga ako at hinanap ang taong kanina pero wala na. Bumalik ang tingin ko sa kahon na may taling red ribbon. Kumunot ang nuo ko at kinuha iyon. May maliit na sulat doon at iyon ang pangalan ko at masasabi kong para nga sa akin. Pero walang nakasulat na pangalan o clue kung kanino galing.

Pumasok ako sa loob at nilapag ito sa mesa sa gilid ng kama. Napadako ang tingin ko sa katabi nitong litrato. Kasama ko si Mom, at parehong malawak ang aming mga ngiti sa kamera. Halos mawala ang aking mga mata sa litrato, at lumilitaw ang malalim kong dimples. Litrato ito noong high school pa lamang ako.

Many people say we look alike, but I'm the softer version. My mom is cold and intimidating when she's around other people, but she shows the opposite side to me. For me, she's the best mom and bestfriend. Ang una kong kaibigan bago si Winona. Si Winona ay anak ng business partner ni Mom at kaibigan ko ngayon.

Mapait akong napangiti. Hindi ko alam kung makikita ko pang muli ang ganoong malawak na ngiti sa aking sarili kahit sa salamin o sa mga litrato. Wala na si Mom, ang rason kung bakit ako nakangiti. Ang taong mas higit na kilala ako. She's dead because of heart attack, and she passed away one month ago.


Iniwas ko ang tingin sa litrato ng maramdaman ang nagbabadyang luha sa aking mata. Bumuga ako ng hangin at bahagyang tumingala. Kinagat ko ang labi ko at humugot ng malalim. Parang may bumabara sa aking lalamunan. I miss her pero dapat kayanin kong mag-isa. Yung ako lang gaya ng lagi niyang sinabi. Big girls don't cry, but this girl she's talking about is... weak and crying inside. Hindi ako tulad niyang malakas gaya ng inaasahan niya.

"I'm sorry, Mom," Mahina kong bulong.

Napabaling ako sa kahon sa aking harapan. Suminghot ako at hinala ito palapit sa akin. Mabigat ang aking pakiramdam na binuksan ito. Ngunit medyo gumaan ng kunti ang aking dibdib ng unti-unting binuksan ang laman ng kahon. Nakabalot pa ito sa panibagong kahon na pula at may maliit cake sa loob.

Natigilan ako at kumunot ang nuo. Cake? It's ribbon cake. May sulat doon kaya binasa ko.

"Welcome, Neighbor." Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko sa aking isip ang malalim na boses ng lalaki habang binabasa ang sulat. Mahina akong napamura at luminga sa paligid. Bigla akong pinagpawisan ng malamig.

M-May multo ba dito?

Agad akong tumayo at mabilis na tinabunan ng kumot ang aking katawan. Kinagat ko ang labi habang nakasilip ang ulo sa siwang ng kumot. Tahimik lang ang paligid at walang gumagawa ng ingay. Napalabi ako. Guni-guni ko na naman ba 'yon?

Binalot ko ang aking sarili sa kumot hanggang kusa akong antokin at lamunin ng dilim at makatulog.

Nagising na lang ako sa isang ingay. Sunod-sunod ang mga ingay na nagmumula sa kabilang apartment. Napamulat ako dahil doon. Parang may nagwawala, nagbabasag ng mga gamit, at sumusuntok sa pader. Kinabahan ako. Hanggang isang hirap na pagdaing ang tuluyang nagpahinto sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko.

Napayakap ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit tila walang pakialam ang Landlady ng apartment na ito. Wala ba siyang pakialam sa mga umuupa? I don't understand the people living here. It's too mysterious and makes me curious and scared at the same time.

They say mystery excites us, but for me, it's not something fun to play with.


"Sige na, Denise. Ngayon lang kita niyayaya na pumunta sa bar. Please! Please! Sumama ka na samin."

Nakanguso si Xiana habang nakakapit sa aking braso, pinipilit niya akong sumama sa kanila. Sila ang group mates ko sa aming thesis tapos bigla nila akong niyaya. Gusto ko siyang tangihan pero ayaw kong may masabi sila. And maybe I should socialize them sometimes because we're classmates after all.

Bumuntong-hininga ako.

"Fine, what time?" Tanong ko.

"Yes!" Lumawak ang pilyong ngumisi ni Xiana kaya tipid akong ngumiti.

"Sabi ko sayo papayag eh," Si Tiana at sumandal sa balikat ni Daniel ang bakla naming kaklase.

"Mamayang 5:30, I'll just text you which bar," Ngiting sagot ni Tiana sa akin at saglit na ngumuso. Mahina akong tumango bilang sang-ayon. Hindi sila mahirap pakisamahan. They friendly and approachable. At halos ng tao na madadaan namin ay kilala sila.

Pilit nila akong sumasabay sa kanila kaya wala na akong magawa kundi sumama. Hindi rin naman pakakawalan ni Xiana ang braso niyang nakakapit sa akin. We were walking on campus, heading out of the university. Habang panay ang kwento ni Daniel habang ako ay nanatiling tahimik na nakikinig.

"He's scary!" Bulong ni Daniel at bahagya siyang yumuko habang naglalakad kami.

"Ano ba, bakla! Wag kang maingay! Baka mas una ka pa sa imperyo kaysa samin," Mahinang bulong ni Xiana kaya ako ay naguluhan sa kanilang kilos. Kung kanina ay parang nakalunok sila ng microphone pero ngayon ay parang langaw na lang.

Kumunot ang aking nuo at umangat ang tingin kung saan iniiwasan nilang tumingin. Tumingala ako at napansin ko agad ang lalaki na nakasandal sa railings ng building. Ito ay naka-puting long sleeves na nakatupi ang bandang dulo at maluwag ang gray v neck. Seryoso ang kanyang mukha na tila malalim ang iniisip habang may hawak na sigarilyo sa pagitan ng daliri.


"Don't look at him, Denise. You won't like it if he catches you staring at him." Pero sadyang matigas ang ulo ko at hindi ko pa rin maalis ang aking tingin. May nag-uudyok sa akin na gusto siyang makita ang mukha niya kahit nasa malayo.

He has a strong, undeniable handsome face with a well-defined jaw and high cheekbones. I bit my lips. His eyes are sharp and intense, and he might have a playful or mysterious look. His hair is thick and stylish, and he moves with a confident, charming presence that makes him hard to ignore. His lips are full and well-shaped, often curved into a smirk. Too risky to stare.

Bahagya akong nabigla kahit inaasahan ko na iyon nang makita kong nakatingin ito sa aming pwesto. Nagtama ang aming tingin. His gaze was serious and dangerous. It's like a crime to stare at him. He exhaled smoke from his mouth while staring at me, probably because I was the only one looking at him.

Umiwas ako ng tingin at kumuyom ang kamay. Nanlamig bigla ang palad ko. Hindi ko matagalan ang titig niya. Daniel is right. The way he stares is scary and so intimidating.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon