"Sigurado ka bang gusto mo pang kumuha ng apartment doon? Narinig ko na may multo raw na nagpapakita kapag gabi."
Patuloy ang aking hakbang palapit sa katabing apartment. Bigla kong naalala ang sinabi ng kaibigan ko tungkol sa building ng apartment ito. May pagluma kung titingnan ang Froster Building pero kapag nakapasok ka sa loob, maganda at simple kahit hindi gaano kalakihan. Kabalikataran nito ang nakikita sa labas.
Ngunit tuwing gabi...nakakatakot.
Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng nangupahan ako dito. Ngunit sa mga nagdaan na araw ay hindi ko pa rin nakikita ang kapitbahay na katabi nang aking apartment. Ang mga kalabog at ingay na paulit-ulit kong naririnig sa gabi ay hindi na mawala sa isip ko. At maraming mga tanong ang gusto kong kasagutan.
Anong misteryo na ingay sa likod ng pintong ito?
Napatitig ako sa pinto na nasa harap ko. Bagamat kinakabahan ay pinili kong ipanatag ang sarili. Huminga ako nang malalim at nagaalinlangan na kumatok sa pinto. Lumipas ang ilang minuto pero tila walang tao ang tumugon sa katok ko ngunit napansin ko ang munting awang na pinto. May pulang ilaw na nagmumula sa loob ng apartment.
Hindi ko mapigilan ang kuryosidad sa aking isip kaya marahan ko itong binuksan. Humakbang ang paa ko papasong apartment. Pigil ang bawat hininga ang aking ginawa. Bahagyang nanginginig ang aking tuhod dahil bumungad sa akin ang katahimikan. Tanging mabigat kong paghinga ang aking naririnig.
"I-Is anyone there?" Mahina kong tawag.
Muntik na akong sumigaw nang biglang bumagsak ang pinto sa aking likuran nang malakas. Nanginginig ang aking katawan. Ginapangan ako ng kaba sa
dibdib at nataranta. Hinawakan ko ang sekadura ng pinto at sinubukan itong buksan gamit ang aking lakas pero ito ay pirming nakasarado. Kahit anong pilit ko, hindi ito mabuksan.Bumagsak ang balikat ko at nanghihina na napaupo sa sahig. May butil ng pawis ang namuo sa aking nuo dahil sa init at pagod. Saglit akong napapikit at kinalma ang sarili. Ngunit agad na napamulat ng marinig ang matinis na tunog ng bagay. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay tunog ng kutsilyo.
Parang bumagal ang aking paghinga ng marinig iyon. Sa tunog pa lang ay malalaman mo na agad kung gaano katalas 'yon. Bumilis ang tibok ng aking puso. Napalunok ako sa kaba. Ang aking kamay ay pinagpapawisan ng lamig. Kinakabahan kong nilibot ang tingin sa loob. Hindi ko masyado makita ang kabuoan dahil may parte itong madilim. Kaya hindi ko makita kung sino ang gumawa ng ingay at taong nasa loob nito.
Nataranta ako ng marinig ang yabag ng paa habang lumilikha ng tunog ng orasan. Tumulo ang pawis sa aking nuo. Hindi ko makita kita saan iyon nagmumula. Sa sobrang kaba ay siniksik ko na lamang ang sarili sa gilid ng pinto. Nanginginig kong binuksan ang aking cellphone para tawagan ng kaibigan ko. Halos maiyak ako nang marinig ang palapit na hakbang.
'Please! Answer my call' sigaw ko sa isip ko.
Tumulo ang luha ko ng marinig ang pagtigil ng hakbang na siyang pagtigil ng aking paghinga. Napapikit ako at napatabon ng kamay sa bibig. Nanginginig ako sa kaba. Pigilan ko ang aking sarili na hindi gumawa ng kahit anong ingay. Ilang segundo ay naglakad palayo ang yabag kaya nakahinga ako maluwag. Unti-unting kong minulat ang mata at nag-angat ng tingin. Na agad kong pinagsisihan.
Isang matangkad at maitim na lalaki na nakatayo sa harapan ko. Hawak itong ang kutsilyo at pinaglalaruan ito sa kanyang kamay na para bang laruan. Wala siyang damit pang-itaas kaya nakikita ko ang tattoo sa kanyang braso. Dahil sa sinag nang pulang ilaw ay parang erotiko sa aking paningin ang kanya katawan.
"Another prey, huh," Malalim itong natawa. Nararamdam ko ang panganib sa kanyang tono.
Nanubig ang aking mata at nangatog sa kaba. Lumapit siya at pinantay ang aming tingin. Bahagya niyang tinagalid ang kanyang ulo upang pagmasdan ako. Alam kong naiiyak na ako sa sandaling ito. Inangat niya ang aking mukha gamit ang hawak niyang matilos na kutsilyo. Napalunok ako at napatingala sa kanya.
Nagtama ang aming tingin ngunit wala akong emosyon na nakikita dito. Tila ito ay walang buhay.
"What brings my neighbor into my apartment, hmm?" He whispered, his lips brushing against my ear. Heat rushed to my cheeks.
"A-Are you going to k-kill me?" Hindi mapigilang mautal sa pagtanong.
Pinantayan ko ang titig niya. Humigpit ang hawak ko sa aking laylayan ng damit. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Natawa siya nang mahina, ngunit lalo pang lumakas ang tawa niya. Tumayo ang balahibo ko sa katawan. Ang kanyang nakakakilabot na tawa ay nag-echo sa buong apartment. Bago muli siyang bumaling sa akin.
Umangat ang gilid ng kanyang labi. He slightly leaned on me. Dinilaan niya ang kanyang ibabang labi. Nataranta ako nang maramdaman ang mainit at mapangahas niyang kamay na umaakyat pataas sa aking hita.
"You better leave or else... I'll rip your goddamn dress."
BINABASA MO ANG
Psychopath Next Door
RomanceSPG | R+18 North Nashville Denise Laurent Xhion ay bagong salta sa North Nashville, isang tahimik at hindi gaanong kilalang lugar. Nakaramdam siya ng kapanatagan noong una, hanggang isang ingay ang gumambala sa kanya. Mga tunog na paulit-ulit niyang...