Chapter 2

218 6 1
                                    

"Narinig nyo ba ang balita? May babae na naman daw ang namatay malapit sa street ng Urales," Mahinang bulong ng isang babae sa aking likuran.


Bahagya akong nagpatigil sa pagsubo ng sandwich ng marinig iyon. Wala akong narinig na tugon sa kasama ng babaeng nagsasalita. Na tila ordinaryo na lamang sa kanila ang makarinig ng ganong balita.


Isang linggo na mula nang lumipat ako dito. Napansin ko na sa lugar na ito, napapadalas ang mga kaso ng pagpatay. Ngunit kahit ganon, nanatili na tahimik ang mga namumuno sa lugar na ito. Ni isang awtoridad ay walang ginagawa upang lutasin ang mga kaso. At mas nakakapagtaka pa, sobrang pribado rin ang impormasyon patungkol sa lugar na ito.

Shut up your mouth and eat, Stacey.“

Huminga ako ng malalim at winaksi ang aking iniisip. Mahina pang nagtatalo ang kabilang table kaya tumayo na agad ako matapos kumain. Pinagsawalang bahala ko na lamang ang narinig. Ayokong masyadong mag-isip lalo na't kalilipat ko pa lamang, pero sa tingin ko ay hindi magiging madali ang aking pananatili.


Dahil wala na akong klase, tinungo ko ang comfort room. Hinugasan ko ang aking kamay bago kumuha ng tissue at pinunasan ito. Isang pagpihit ng pinto ang nagpaangat sa aking tingin sa repleksyon ng bathroom mirror nang may babaeng pumasok habang may kausap sa phone.

"Sige, magkita na lang tayo mamaya sa Pandora Club," Mahina nitong bulong bago nito binaba ang tawag. Bumaling ito sa akin sa reflection ng salamin at matamis na ngumiti. Pilit akong gumanti ng ngumiti at nilisan ang lugar na 'yon.

Napatingin ako relo. Alas singko na nang hapon kaya kailangan ko ng umalis dahil biglang pumasok sa isip ko ang paalala ng Landlady bago sumapit ang gabi. Nagiging mas delikado dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa panahon ngayon. Mabuti na ang nag-iingat. Lumabas na ako sa building at nilakad ang bus station na hindi kalayuan sa University.



Muli akong napatingin sa relo. Medyo dumidilim na ang langit at lumalamig ang hangin. Tumayo sa gilid ng station habang nag-iintay ng bus. Tumama ang tingin ko sa kabilang side ng kalsada, at makikita roon ang glass na nagrereflect sa kahit sinong tao na tatapat dito. Umurong ako ng bahagya nang may isang matangkad na lalaki ang dumating at tumayo sa gilid ko. Sa tangkad niya, hanggang balikat lang ako nito.


Hindi ko maiwasang mapatingin at lihim na pagmasdan ito.


Nakasuot siya ng itim na hoodie na may tatak na bungo. May hawak siyang sigarilyo sa kanyang mahabang daliri at mahinang pinaglalaruan. Napasinghap ako dahil pumapasok sa ilong ko ang matapang niyang pabango at usok ng sigarilyo. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang labi sa hiya dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya mula sa glass.



Maya-maya, dumating ang bus kaya agad akong sumakay. Umupo ako sa tabi ng bintana. Napansin kong hindi sumunod ang lalaki, kaya tumingin ako sa dati kong pwesto. Nandoon pa rin ang lalaki, nakatayo. Kumunot ang nuo ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha sa nakasaklob na hoodie, ngunit tila nakatingin siya sa banda ko o ako lang ang nag-iisip no'n.

Bumuga siya ng usok sa hangin bago itapon ang sigarilyo. Umiwas ako ng tingin dahil ang creepy niya. Umandar ang bus, pero may sariling isip ang katawan ko at muli akong lumingon sa lalaki sa huling pagkakataon sa bus station.

At sa aking paglingon, hindi ko inaasahan na nakatingin pa rin siya. Napalunok ako ng malalim. Biglang tumayo ang balahibo ko sa katawan at naging mabilis ang kabog ng aking dibdib.


W-What is wrong with that man?


Nang makarating sa apartment. Mabilis akong pumasok sa loob at agad na sinarado ko ang pinto. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaki kanina dahil hanggang ngayon ay tumataas ang aking balahibo. First time kong maka-encounter ng ganoon. Pinakalma ko ang sarili at inisip na wala lang iyon.

Nagpalit lang ako ng damit at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang maliit na cabinet at bumungad sa akin ang cup noodles. Bagsak ang aking balikat dahil nakalimutan kong bumili ng ibang stock. Pagkatapos lutuin ito, umupo na ako sa maliit na sopa at binuksan ang TV para manood.

"Isang babae ang patay na natagpuan sa tabi ng Pandora Club. Ayon sa naka kita, marami itong saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Samantala, isang lalaki ang nahuli sa CCTV na suspect sa pangyayari."

Ililipat ko na sana ang chanel ngunit bahagya akong natigilan. Lumabas sa TV ang isang pamilyar na larawan ng isang babae na masayang nakangiti. May suot siyang uniform na katulad ng University kung saan ako pumapasok.

Malalim akong napalunok. Biglang bumalik ang alaala ko sa isang babae na may katawagan sa phone na kasabay ko lamang kanina sa comfort room.

"Sige, magkita na lang tayo mamaya sa Pandora Club," Mahina nitong bulong bago nito binaba ang tawag. Bumaling ito sa akin sa reflection ng salamin at matamis na ngumiti.

Kasunod nito ay lumabas ang video kung saan makikita ang matangkad na lalaki na nakatalikod sa CCTV. Nakasuot ito ng black hoodie na may tatak na bungo na nakaimprinta. Tumingin pa ito sa mismong CCTV na animo'y nakangisi kahit hindi nakikita ang mukha.

Tumaas ang balahibo ko at mabilis na kinalibutan ng makita ang lalaki sa balita.



Itim na hoodie at matangkad na lalaki. Kumabog ang dibdib ko at nanlamig ang mga kamay. Sa tindig ng killer ay sobrang pamilyar. Parang binuhasan ako ng malamig na tubig sa aking napagtanto. Nabitawan ko ang remote na hawak ko sa takot at gulat na hindi makapaniwala.



Y-Yung killer na balita…ay ang katabi ko lang kanina sa bus station.















Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon