Chapter 1

243 9 1
                                    

"Denise Laurent Xhion! Tinatanong ko nasaan ka ngayon?!"

Halos umikot ang mata ko at huminga ng malalim habang nakatingin sa kalsada.

"A place far from him, where he can't find me, Winona," At pinatay ang tawag. Alam kong ipipilit niya at paulit ulit akong tatanungin pero hindi na magbabago ang isip ko.

Mahigit dalawang oras na ang dumaan at tila walang katapusan ang kalsada na aking dinadaan. Napatingin ako sa map kung saan ang direkyon ng aking pupuntahan. Mga ilang milya na lang ay malapit na ako. Kinagat ko ang aking darili habang nakahawak ang isang kamay ko sa manubela.

Saglit akong nahinto ng makita ang poste na may nakapako na signage ang nakalagay.

North Nashville...

Kinagat ko ang aking labi. This is it.

Kumunot ang nuo ko at muling napatingin sa map sa aking phone. Ang inaasahan ko ay bubungad sa akin ang mga kabahayan ngunit may mahabang kalsada na napapalibutan ng mga mataas na puno. I'm in a right way but what is this?

"Naliligaw ba ako?" Bulong ko at naguguluhan.

Pinabilis ko ang pagmamaneho kaya agad kong nalagpasan ang mga puno.At doon bumungad sa akin ang mga kabahayan. Huminga ako malalim at pinagmamasdan ang mga nadadaan. Napangiti ako dahil gaya ng inaasahan ko. Ito ang tamang na lugar na aking napili. Agad kong napansin na tahimik ang lugar dahil hindi ma-tao at malayo ito sa lugar na kinalakihan ko.

Parang gumaan ang pakiramdam ko. I know, this is the right place where I can start, far from the people that make my heart heavy. Kinagat ko ang aking labi. Binabasa ko ang side window ng aking sasakyan at hinayaan na pumasok ang malamig na hangin. Saglit akong pumikit. Ang hangin ay parang probinsya, malamig at presko.

Tumunog ang aking phone tanda na malapit na ako sa Froster Building na balak kong upahan. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ng makita ang harang sa kalsada. Nahinto ko ang sasakyan. Parang may construction sa kalsada kaya lumabas na ako ng sasakyan at maglakad dahil malapit lang naman ang Building na pakay ko.

Sa bawat hakbang na aking ginagawa, dinadala ng malamig na hangin ang aking buhok. Napayakap ako sa sarili habang pinagmamasdan ang paligid at bahagyang napatingala. Tahimik at madilim ang langit na tila may nagbabadya ang malakas na ulan. Bumabagsak ang mga tuyong dahon sa malumot na semento na aking dinadaan.

Nahinto ako sa harap ng isang medyo lumang building na may apat na palapag. Nagdadalawang isip pa ako kung ito talaga ang Froster Building ngunit ng makita ko signage ay ito na nga. Una ko agad na napansin ko ay hindi maayos na pintura at may mga lumot na nakadikit sa pader. Parang matagal itong pinabayaan. Hindi naman ito masasabing haunted na building dahil merong umuupa.

Lumakad ako palapit sa Building at hindi maalis ang tingin dito. Tumaas bigla ang balahibo ko ng marinig ang mahinang bell kung saan. Napalingon ako sa likuran at napalunok.

"Balak mo bang umupa, Hija?"

Halos mapatalon ako ng marinig ng matandang magsalita sa aking gilid na hindi ko napansin. Napahawak ako sa dibdib at kinakabahan na humarap dito.

"Pasensya ka na kung nagulat kita. Napansin ko kasi na kanina ka pa nakatingin sa Building. Kaya agad kong naisip na uupa ka," Mahina itong natawa. Sa tingin ko, ang edad niya ay 50 pataas. Kulubot na ang balat niya sa katandaan. Nakasuot siya ng mahaba na bestida at may maliit na sampagita sa nakapusod niyang buhok.

Pilit akong ngumiti at mahinang tumango.

"Ganon na nga po. Naghahanap po ako ng apartment na muupahan. At naiisip ko po kung meron dito na available."

Malawak siyang ngumiti at nababakas ang tuwa sa mata.

"Sakto ang pagpunta mo, Hija. May isang bakante pa. Ako nga pala ang Landlady nitong Froster Building. Halika at ipapakita ko sayo," Yaya nito kaya sumunod ako. Dumaan kami sa hagdan dahil nasa pang-apat na palapag ang natitirang bakante.

Huminto kami sa brownish na pinto at binuksan niya iyon. Pumasok ako upang tingnan ang loob at hindi ko inasahan mas maganda ito. May sala na hindi kalakihan at katabi ito ng kusina. Sunod naman akong pumasok sa may pinto at doon makikita ang kama at may beranda. This apartment is perfectly fit and enough for me.

"Kukunin mo ba, Hija?" Tanong ng Landlady.

Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng apartment at bahagyang napangiti.

"Kukunin ko po," Tipid kong sagot.

Natuwa naman ang landlady."Mabuti naman, matagal na din itong hindi nauupahan, mahigit dalawang taon na yata. Kung ganon, kailan ang balak mong paglipat, Hija?"

"Bukas din po. Ahm..ako nga po pala si Denise Laurent Xhion po," Pakilala ko.

Malawak siyang ngumiti at tumango. Kinuha ko ang wallet sa aking bulsa at inabot sa kanyang ang dalawang libo. Sinabi niya na isang libo isang buwan kaya nag-advance na ako para sa susunod na buwan.

"Ito po ang bayad. Sinama ko na po ang advance sa isang buwan," Agad niya itong kinuha at nagliwanag ang mukha.

"Oh sige, Hija. Wag kang mahihiya na magsabi kung may kailangan ka pa. Mauna na ako sa baba," Ngiting paalam nito at tumalikod.

Bumalik ang tingin ko sa apartment na kinuha ko. Hindi ko na kailangan ayusin at linisan ng mabuti dahil malinis ito at naka-organize ng maayos ang gamit sa loob. Ang mga ilang gamit at damit ko na lamang ang kulang.

Bumuntong-hininga ako at lumapit sa gilid ng corridor ng ika-apat na palapag upang tanawin ang ibang parte na makikita mula dito sa taas. May mga bahay akong natatanaw ngunit halos wala pa ring tao akong nakikita kahit kanina kaya hindi ko mapigilan ang mag-taka. Tila mailap sila at kahit ang ibang nangungupahan, wala akong nakikita.

Napabaling ako sa tabi ng aking apartment. Napansin ko na kami lang dalawa ang nangungupahan dito sa pang-apat na palapag.

Tumingin ako sa relo ng makitang malapit na ng mag-ala-sais. Kaya agad akong tumalikod ngunit nabigla ako ng marinig ang malakas na kalabog. Saglit ako natuod sa pagkabigla. Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang mapagtanto na nagmumula iyon sa kabilang kwarto ng aking apartment.

A-Ano 'yon?

Napalunok ako at marahan na napaatras. Mabilis akong tumalikod upang puntahan ang Landlady ng Building. Nakita ko itong may kausap na lalaki pagkababa ng hagdan ngunit nang makita ako ay agad na umalis.

"Oh Hija. May kailangan ka pa ba?"

"M-May kalabog po kasi sa katabing apartment ko-"

"Na'ku, natakot ka ba? Pasensya na, mayroon kasing cleaning sa isang apartment na 'yon," Maagap nitong sabi at malumanay na ngumiti sa akin ngunit hindi ako kombisido kaya maliit akong ngumiti.

Napatingin ako sa taas at lumunok.

"Ah ganon po ba." Iyon na lamang ang nasabi ko at agad na tumalikod palabas sa building 'yon. Napahawak ako sa dibdib ng maramdaman na mabilis pa rin ang tibok nito.

Kailangan ko na sigurong bawasan ang pagkakape. Pinilig ko ang aking iniisip ngunit bago tuluyang umalisa ay muli akong bumaling sa building at dumapo ang tingin sa ika-apat na palapag.

Tumingala ako doon at agad na natigilan.

May anino ng lalaki ang nakatayo malapit sa apartment na inupahan ko. Halos hindi ito maaninag ng mata ko dahil medyo madilim ang parte na iyon. Kinalabutan ako ng mapagtanto na tila nakatingin ito sa pwesto ko.

Umiwas ako ng tingin ngunit nang muli akong sulyapan ay wala ng taong nakatayo doon. Hindi ko alam kung namamalikta ako, siguro nga.

Psychopath Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon