chapter 1

9 3 0
                                    

New school

Isha's pov

Nagising ako sa lakas ng katok sa pinto ko, huminga ako nang malamin bago bumangon at sagutin ang kumakatok.

I opened the door and found my cousin outside my room

"Ano kailangan mo?" Wala kong ganang tanong

"Girl ano ba kanina pa ko katok ng katok, sabi ni Tito mag bre-breakfast na"

Naghilamus lang ako at bumaba na rin, nakita ko si Papa na naka upo na sa hapag kainan

"Morning Pa" bati ko sakanya at nag beso.

"Asan kuya mo?" Tanong nya at nag kibit balikat lang ako dahil bago lang din ako gising

"Anyway ready kana ba sa new school mo?" Tanong ni Papa at tumango naman ako

"Well medyo kinakabahan rin kasi bago ang school at excited kasi nandon si Xavier" Masayang sabi ko kasi makakasama ko ang boyfriend ko sa school na yon.

Bumaba naman si kuya kasama si Claire

"Mukang puyat tayo ah!" asar ko sa kanya

"Shut up Ish" tumawa naman ako

"Pikon, ano bang pinag puyatan mo at may eyebags ka?"  Natatawa kung tanong sa kanya

"Syempre ano paba edi online games, di na nag bago" sabi naman ni Claire.

Naupo sila at nag simula narin kumain hanggang sa natapos na kaming kumain at bumalik ako sa kwarto ko para maligo at mag ready. Hinintay ko lang na kumatok si Claire bago umalis.

Pinsan ko si Claire pero dito siya nakatira samin kase busy ang parents niya sa trabaho sa ibang bansa para sa business nila. At iisa lang din ang school namin kaya dito na siya tumira. Nag paalam kami kay Papa at umalis na papuntang school.

Nakarating din kami at sinamahan ako ni Claire para alamin kung saan ang room ko at dahil nauna na si kuya sa room nila.

"Isha ito oh hanapin mo nalang yang building na yan at ang room mo, mauna na ako"  Pamaalam niya dahil pupunta na sya sa classroom nila, tumango naman ako at nag simulang maglakad.

"Room 143" bulong ko sa sarili ko.

Mukang naliligaw ako ah, shit mala-late ako nito. Takbo ako ng takbo kung saan mahanap lang ang room ko ng may bumunggo sakin at natumba ako.

"Aww, sorry po" paghingi ko ng tawad at tumayo para kunin ang gamit ko.

"Sorry po talaga" pag sorry ko ulit

"It's ok, Ikaw ba ok ka lang?" Tanong niya

"ah oo, ok lang" Ang gwapo niya infairness

"Are you new here?" Tanong ulit niya.

"Oo bago ako dito" sabi ko

"Kanina pa nag bell ah bat nandito kapa?" Hala nag bell na!? Pakshit di ko narinig yun ah

"Ah hindi ko kase mahanap room ko, naliligaw ata ako" sabi ko at nag kamot sa batok.

"Patingin nga" binigay ko sakanya ang papel na binigay ng registrar sakin at binasa para malaman ang room ko.

"Oh room 143" sabi niya

"Oo alam mo kung nasan?" Tanong ko. Kasi kanina pa talaga ako hanap ng hanap.

Ngumiti siya at binigay ulit ang papel "Oo hatid nalang kita don" Aya niya, grabe ang gwapo talaga niya.

No...wait may jowa ako, tanga ko talaga. Pumayag naman ako at nag lakad na kami papuntang room 143.

Last Section (Room 143)Where stories live. Discover now