chapter 4

11 3 0
                                    

Harimaw (Halimaw)

Isha's pov

As expected magigising nanaman ako sa katok ni Claire, pero naunahan ko siyang magising kaya ako na ang nag handa ng breakfast namin. Bumaba narin sila Papa, kuya at Claire para kumain.

Naligo narin ako at nag bihis, nag paalam narin kami kay Papa at umalis na. Nang pumasok kami sa school nakakarinig na kami ng mga sigaw, yung mga babae dito kung maka tili parang inaano. Ganyan naba ako ka Ganda charot.... Si kuya pala ngek.

Nakarating din ako sa room namin and as usual ganon parin sila, pero ang pinagtataka ko lang bakit ang aga naman ata pumasok ng demonyong to, yes I am talking about the demon....Marco.

Tinignan ko naman siya sa pagtataka kung bakit ang aga niya, hindi naman nag patinag ang isang to tinignan din ako, kaya umiwas nalang ako at dumiretso sa upuan ko.

"Hi Isha!" Bati sakin ni Mikki, binati ko rin sya bago umupo.

"Hoy, pwede mag tanong?" Nagtataka kasi talaga ako kung bakit ang aga ng Harimaw.

"May pangalan naman ako Isha. Pero ano yun?" Reklamo niya pa dahil hoy tinawag ko sa kanya

"Sorry ano kasi, bakit ang aga dumating non?" Tanong ko sabay nguso sa tinutukoy ko.

"Gusto mo ng kiss?" Gago ano raw? Tinignan ko siya ng masama, tumawa naman siya at tumigil

"Yun kasi tinutukoy ko. Parang tanga naman eh." Gago talaga kiskisin niya ang ulo niya.

Tinignan niya kung sino tinutukoy ko at nag kibit balikat "Di ko rin alam eh" tumango nalang ako.

"Oy, narinig ko nangyari sayo" sabi ng pandak nato sakin at kumunot ang noo ko kasi hindi ko alam kung ano ang narinig niya tungkol sakin.

"Ano naman yun?' tanong ko sa kanya.

"Break na daw kayo ng boyfriend mo." Sabi niya at nagulat naman ako kasi gago, paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman yan ha?" Tumaas konte ang boses ko

"Narinig ko kayo kahapon nandon ako sa may fountain." Paliwanag nya

"Ah ganon ba, hindi kita nakita pero oo tama ka break na nga kami." malungkot kong sabi.

At mukhang narinig ng iba ang sinabi ko dahil yung iba pumunta rito. At nag tanong din sila kung bakit nag paliwanag naman ako.

"Wala eh niloko ako, kapal pa ng mukha manghingi ng pero ang gago wala naman mapapala." Sumbong ko sa kanila, huminga si Mikki ng malalim bago magsalita. Luh parang siya pa ang broken ah feel na feel niya dahil pumikit-pikit pa siya.

"Alam mo kasi Isha, ganyan talaga ang buhay pag nag mahal ka sa maling tao. Hayaan mo siya sabihin nalang natin na kakarmahin din siya." Hugot niya at ngumiti nalang ako sabay tumango, aaminin ko masakit pero kakayanin kong mag move on.

Hindi nag tagal dumating na si ma'am Luna, bumalik naman sila sa mga pwesto nila at nag discuss na si ma'am Luna. At ganon din ang ginawa ng iba pa naming teachers, at hanggang sa nag bell narin at break time na. Hayst saan na ako pupunta nito, wala na akong kasama.

"Isha!" Tawag sakin ng kung sino si Mikki lang pala

"Sabay kana samin"  Aya niya, kasama rin niya si Alejandro na naka ngiti.

"Sige." Pumayag ako wala naman kasi akong gagawin dito.

Pumunta kami sa cafeteria at bumili ng pagkain, nag hanap kami ng pwesto at umupo. Nakita ko naman si kuya na pinapaligiran ng mga babae. Eww di naman yan gwapo eh, makaaligid parang mga bubuyog na binabantayan ang Reyna nila pero Hari si kuya.

Last Section (Room 143)Where stories live. Discover now