chapter 9

2 2 0
                                    

"Will do anything just for you"

Nang mag umaga magising ako dahil sa alarm ko, kaya pinatay ko ito at bumangon wala na akong ganang matulog ulit. Mag e-excercise ako, 8 pa naman ang klase namin, at 5:45 palang.

Nag simula ako mag exercise, at stretching muna ang ginawa ko pagkatapos ay nag jumping jacks ako, sunod ay sit ups, squat, at lastly ay tumakbo ako nang tumakbo sa kwarto ko. Malawak naman sa kwarto kaya kahit saan tumatakbo ako. Hanggang sa nag 30 minutes na, ay tinapos ko na ang exercise ko.

Hindi naman sa palagi ko ginagawa itong routine na to, minsan lang kung meron pa akong time, o di kaya ay walang klase. Palagi kasi akong sinasama ni kuya noon sa gym na pinupuntahan niya kapag nag wo-work out siya.

Pag katapos ng exercise ko ay nag pahinga muna ako bago pumunta sa banyo para maligo. Pag ka labas ay nag bihis ako at kinuha ang cellphone ko.

At pag bukas ay hindi ko inaasahan na in-add ako ni Mikki sa gc nila na boys only? Hindi ko makita ang mga account ng mga girls na classmates namin. Kahapon pa ata to, siguro tulog ako kaya hindi ko alam.


Mikki added you to the group

Mikki:
Guys welcome natin
si Isha dito!

Jacob:
Oy hi Isha, kumusta kana?

Harry:
Isha alam mo bang
grabe ang pag aalala
ni Marco sayo?

July:
Tama! Grabe parang
jowa maka asta.

Clyde:
Pag makita to ni
Marco lagot kayo
dun. Hahaha

Marco:
Fuck you, I already saw it.!

June:
HAHAHAHAHA

Kevin:
HAHAHHA gagi naalala
ko ang mukha niya
HAHAHAHA

Kyle:
Tawang tawa Kev?.....
Same HAHAHA dadalhin
pa ata pati silya na
inuupuan ni Isha eh
hahahahha.

Marco:
SHUT UP!!!

Harry:
Hoy tama na guys baka
ihagis kayo sa ibang planeta
niyan....hahahahaha

Isha
Tawang tawa kayo sa
amo niyo no?

Miggy:
Hi guys wazzup,
at anong amo ka dyan
Isha?

Isha
Oo, para kasi kayong mga aso tapos
siya ang panget na
amo.

Marco:
Panget?! Me?!

Isha
Oa! Anyway
laters guys.
Breakfast na me

Mikki:
Bye! See you!

Clyde:
Sige!

Harry:
Eat well!

June:
Bye

Marco:
Sana mabulunan ka.

In-angry ko ang chat ni Marco, ang sama ng ugali. Mabulunan daw ba, sana hindi siya magka jowa!

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa dining, nakita ko sina Claire at kuya.

"Good morning, how are you?" Bungad sa akin ni kuya

Ngumiti ako at sinagot siya "Ok naman po ako, walang masakit sakin at malakas na ulit." I said proudly

Tumawa naman si Claire dahil alam niyang nilalaro ko na naman ang mga sagot ko. Hindi daw kasi ako nag seseryoso, seryoso naman ako ah. Pero lamang lang talaga ang pagiging mapag laro ko at pamimilosopo sa ibang tao.

Matapos kumain ay dun rin bumaba si Papa.

"Pa bakit hindi ka sumabay kumain sa amin? Akala ko pa naman umalis kana kasi wala ka dito." Sabi ko na naka nguso.

Last Section (Room 143)Where stories live. Discover now