chapter 6

4 3 1
                                    

Sections

Isha's pov

3 weeks have past at masasabi ko lang na ok rin pala ang section na napasukan ko. Andami ngang mga bwesit pero mababait din naman ang iba.

At hindi rin nag bago ang pag trato sakin ng bwesit na Harimaw na yun. Akala ko pa naman magiging close kaming lahat dito kasi matagal na akong nandito. Yun pala lumala pa, noong nakaraang araw pinagtripan nila ako. Ginawa ba naman trapo sa black board ang panyo ko. Naglalagay din sila ng bato sa bag ko at kung ano pa.

Kaya iritang irita ako palagi pag pumapasok. Pero pag kaupo ko naman ay gumagaan ang pakiramdam ko kasi kinakausap ako nila Mikki.

"Guys, sabi ni Sir.Yoseph magbihis na daw para sa P.E!" Sigaw ni Kevin

P.E pala ngayun, sure akong wala nanaman silang gagawin bukod sa lalandi sa ibang section na kasama namin. O di kaya ay iinisin kaming mga babae nilang classmates. Mga gago talaga, mabuti pa si Asher mabait at tinutulungan pa ako minsan.

Pumunta ako sa cr ng girls para mag bihis at sandali lang naman ako kaya natapos kaagad.

"Hayst, ayaw ko mag P.E wala naman masyadong gagawin eh. Games ng games dodge ball lang naman alam pa laro sa atin." Sabi ni Jane kaya napatawa ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya dodge ball lang ang alam ng teacher namin sa P.E pagagawa samin.

"Hayaan mo na, isipin mo nalang na parang vacant natin ang subject nato. Dahil walang gagawin." Sabi ko at tumango naman sila.

Hindi ko pa nasasabi pero friends na kami ng mga maaarte kong classmates. And they are fun to be with din kahit ang sama ng mga ugali. Pero syempre except kay Hannah, at Amelia mababait kasi sila sakin.

Dumiretso na kami sa gym at nakita kaagad namin ang mga bwesit naming classmates. Na nakikipag landian sa kabilang section, kaso hindi naman sila pinapansin. Ako nahihiya sa kanila.

Diretso din ang tingin ko kay Marco pero nagulat ako ng nakitang nakatingin din siya sakin. Tinaas ko ang kilay ko kaya umiwas siya ng tingin. Napairap nalang ako sa ka weirdohan niya.

Akala ko magpapahinga na naman kami kasi walang gagawin sa boring na subject nato. Kaso sabi ni Sir ay mag dododge ball daw kami, ngunit ang hindi namin alam ay kalaban namin ang section ni manglolotang. Ni hindi ko man lang siya na pansin na andito.

Ayoko pa naman sumali kaso sabi ni Sir dapat lahat kami, para daw sa grades. Putik na to ayoko nga makita yung bwesit na yun. Sir naman wrong timing din eh no?

"Pano ba yan Lopez, your section vs my section. So kung ako sa inyo mag ready na kayo." Sabi ng kung sino kaya nairap nalang ako.

"Ang yabang ha." Sabi ko ng pabulong pero parang narinig din niya kasi malapit lang siya samin.

Tumaas ang kilay niya at ngumisi "I like you, ang tapang mo. Kaya mag handa na kayo." At ngumiti pa nang mas malapad.

"Pwes ako hindi, kaya tumabi ka diyan at baka ma sipa kita." Irita kong sagot at nag lakad sa gitna kasi dito gaganapin ang laban.

Nag ready na kaming lahat ng malaman na sila ang unang babatohin. Masaya naman ako dahil sure akong easy lang mabato ang mga babae sa kabilang section. Ang aarte pa nakakabwesit. Napairap nalang ako at binato ang isa sa kanila.

At boom! Out! Nice! Three points!

Maraming nagulat sa ginawa ko, kahit ako nagulat sa ginawa ko. Kase first game, first throw rin kasi ako. Naiirita ako eh, pano tatakbo na nga lang mag momodel pa bwesit.

"Ouch. Who did that? Ang sakit ha! I think I need to go to the clinic." Nag tago ako sa likod ni Harry kasi nasa tabi ko siya. Ang arte ha hindi naman yun todo, nag papapansin siguro to.

Last Section (Room 143)Where stories live. Discover now