CHAPTER 5 - Reality

5.1K 81 0
                                    

CELINE'S POV

Nagising ako at laking gulat ko nasa room ako pero ako lang magisa

"teka paano ako dito nakapunta?.... Hmm ...."

Bigla kong naalala na...

"Ay oo nga pala uminom pako ng beer at pumunta dito"

I know this familiar room kasi sometimes nagstay talaga ako dito sa Saint Beach Resort.

Sakit sobra ng ulo ko like fuck, pero yung panaginip ko tangina napanaginipan ko si MAXINE BOURBON NA YAN!! siya nagsimulang sirain ang gabi ko nakakainis pero...

"Bakit parang totoo yung panaginip ko?"

I felt na totoo yung nangyayari hanggang ngayon naamoy ko pa din yung scent niya sa tabi ko...

Hinawakan ko yung bibig ko tila bang nararamdaman ko yung halik niya mula sa panaginip ko

"TANGINA NAWAWALA NA KO SA SARILI KO!" I shouted

"Hindi mangyayari yon piskit! pati yung babaeng yon iniisip at napanaginipan ko pa siguro sa sama talaga ng loob ko sakanya tsk."

Biglang nagring yung phone ko.

//Dad is Calling//
*Sinagot ko*

D- Where are you? Bakit hindi ka umuwi?
C- Dad nasa Saint lang po ako...
D- Umuwi ka nagaalala na yung Mom mo sayo hindi ka na talaga magbabago hays..
C- Yeah, uwi na po ako bye

//END OF CALL//
.


.
.

--ff--
.


.
.

Nakauwi na ko ng bahay at pagkauwi pagkauwi ko isang malakas na sampal mula sa aking Dad ang natanggap ko.

"Alam mo wala ka ng maganda mabuting ginawa alak na lang lagi, kundi alak malalaman laman ko may hinohotel kang iba't ibang babae? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Sinisira mo yung image ko" nakayuko lang ako habang hawak yung pisnging nasampal sakin

"Alam mo tama lang na iniwan ka ni Sarah eh kasi ganyan ka hindi ka na mabuting anak naging pariwara ka pa yung pinapaasikaso ko sayong papers hindi mo na nagawa hindi ka na bata Celine para sa mga larong ganyan" hindi pa din ako nakaimik kasi kahit naman magsalita ako mali pa din lahat ng lalabas sa bibig ko

"Isa na lang Celine! This is your last chance at papalayasin na kita dito sa mansion na ito! tigilan mo na yang party nights niyo ikaw yung pinakamatanda ikaw pa yung pasimuno pati yung dalawa mong kapatid na nanahimik dinamay mo pa sa katarantaduhan mo" napatingin ako sakanya

"Dad hi-" sinampal niya ako ulit pero this time inaawat na sya ni Mom...

"Dear sobra na yan nasasaktan mo na" lumapit si Mom sakin at niyakap niya ko

"Umakyat ka na" bulong ni Mom sakin habang papaakyat ako nagtatalo sila ni Dad at mahabang usapan nanaman yan sakin lagi sisi kahit wala naman akong ginawa hays tangina talaga pangit nanaman ng araw ko.

Pagakyat ko sa kwarto ko nakita ko yung dalawa kong kapatid na worried sakin

"Sorry ate" sabi ni Genesis

"nah it's okey sanay na ko" low tone

"Hindi na ito okey Cel, mas madami nga siyang babae kaysa sayo eh" biglang sabi ni Mikaela kaya bigla kaming nagtawanan na tatlo

PECCANT • MACOLET 🔞Where stories live. Discover now