PRESENT TIME.......
Wednesday. Pangkaraniwang araw. Halos 2 weeks palang akong third year eh feeling ko pasan ko na ang daigdig. hahahaha! jusme ang arte ko. Tinatamad ako talaga, inaantok pa din ako. Ano bang nangyayari sakin? wala na ako sa focus ! Bakit ? Gosh this is not good for my studies. Ang hirap! Puro nalang siya! Puro nalang siya! buti nalang at 11 pa ang pasok ko ngyon. Time check, 9:20.
Kamusta na kaya siya? ano kayang gingawa niya ngayon. Tawagan ko kaya? o kaya itext. Medyo namimiss ko na siya. haaayyy wag nalang sounds desperada right? wag nalang.
bzzzt.
From: Jordan Kevin
Goodmorning Lala, Nasaan ka na ba ?Hindi ka ba papasok ngayon? Okey ka lang ba?
Nagtaka naman ako sa text nito? sa gitna ng aking pagkakape ay nareceive ko ang text niya. Huh? ano daw?...............??????? Oh shit ! Thursday na nga pala ! Gooossshhhhh 9am ang first class ko ngayon. My God major subject ko pa naman yun! Sa ayaw o sa gusto ko, face the reality men... Im so late.
Naligo nalang ako kaagad after ko maubos ang kape ko. Hayaan ko na nga, hindi ko naman sinasadya eh hehehe.. Naku pero mali to! ang tanga! Didiretso nalang ako sa library , self study nalang ako. Parusa ko to sa sarili ko.... huhuhuhu kailangan ko to eh. Ayoko matanggal ang scholarship ko.
JORDAN'S POV
Ano kayang nangyari dun kay Marilla? Hindi yun umaabsent eh. Never kung hindi kailangan. May nangyari kaya? Hindi man lang nagreply sa text ko. Tawagan ko na kaya? Medyo nagaaalala na ko eh. Sana okey siya. Gusto ko na siyang makita nagaalala na talaga ako sa kanya. Tinext ko ulit siya baka hindi niya pa kasi nabasa yung text ko.
To Marilla
Nasan ka? Bakit di ka pumasok? Pupuntahan kita diyan dismiss naman na. Itext mo ko.
//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////
After 20 minutes, nandito na ako ngayon sa library. Quarter to 10 palang naman kaya may sapat pa kong oras para magbasa. Di ko pala na nareplyan si jordan.
bzzt.bzztt.
JORDAN KEVIN
Nasan ka? Bakit di ka pumasok? Pupuntahan kita diyan dismiss naman na. Itext mo ko.
My heart just skip a beat. Ano itong nababasa ko? Grabe, super nagaalala siya. kyaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ( sigaw ko yan pero sa loob ko lang like hello nasa library kaya ako. Ayoko ngang magka bad record dito. Sungit pa naman ng librarian dito hehe)
Gosh so kilig hehehehe, dalasan ko kayang umabsent at hindi siya replyan sa text hahahahahah. No! bad Idea Marilla. Tumigil ka nga!... Gosh imbis na libro ko ang binabasa ko eh eto ako inuubos ang oras ko sa kakatitig sa message niya:)...... Ano kayang irereply ko?
TO JORDAN KEVIN
HOY pareng kevin! ang OA mo ha. Im here at the library now! so please stop the drama.
Gusto ko man ireply sa kanya ang mga nasa baliw na utak ko ay hindi maaari. baka ako'y mahalata hahahahaha. Kaya dapat safe answer lagi......... nang bigla akong nagulat dahil nakaupo na agad siya sa harapan ko. Pawis na pawis at hingal na hingal. Anyare?
"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan yang itsura mo?"
"I hate you! KASALANAN MO KAYA ITO NOH!."
"AKO? BAKIT AKO? AKO BA ANG TUMAKBO HA?
"OO IKAW! KUNG NAGREPLY KA SANA SAKIN KAAGAD EDI SANA HINDI NA AKO NAGALALA PA. WALA NA SANANG KUNG ANO ANONG IDEYA ANG PUMASOK SA UTAK KO KUNG ANO NANG NANGYARI SAYO! ANG SAMA MO! MAGREPLY LANG NAMAN KASI HINDI MO PA MAGAWA! KAHIT SANA TULDOK LANG ! "
'O'
'O'
-O'
-O-
-_-
-__-'
-_____-''
yan ang tanging naging reaksyon ko ang over diba.. Pero infairness sinigawan niya ako ng pabulong ( hanudawww? ang gulo ko) since nadito kami sa library.
Binigyan ko lang siya ng What-the-hell-tapos-ka-na-pwedeng-manahimik-ka-na-at-akoy-magpapaliwanag-na look. Ang OA niya talga hahahah. Pero infairness im so kilig .... Para kasing concerned boyfriend lang ang drama niya.. hahahahaha
"hey! kalma ano ka ba? para kang sira. okeyyy sorry kasi hindi ako nakapagreply nakalimutan ko hindi ko sinadya yun ha. Hindi ako nakapasok kasi akala ko wednesday palang. Okey na? OA neto!"
"Thats all? shit Marilla Ley mukha akong tanga! as in ! ang bullshit ko lang eh no? hahaha....nakakatawa talaga hahaha...Ang oa ko nga,. Nakalimutan ko may praktis pala kami ng basketball. Sige una na ko ha. Sorry ulit. hehehe"
Napanganga na naman ako sa reaksyon niya. Anong nangyari dun? weird.
He just left me hanging here. Umalis siya na parang naloloko talaga habang umiiling at kamot ng kamot sa batok. Whatever! Atleast were not in war zone anymore. Nganga zoned pwede pa hahahaha! WALEY !!! hahaha
Umalis na din ako agad, pagkalabas ni Jordan. Dumiretso na ko sa room. Ang gulo! Ang gulo pa lalo.... hayyyyyss.. I hate mixed signals. As in super hate. Ang sakit sa bangs! kahit wala akong bangs hahaha
JK's POV
Dumiretso ako sa court. Kahit wala naman talagang practice. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito ngayon at nag cut ng class. At isang malupet na misteryo pa saakin kung bakit ganun nalang ako makareact kania. Grabe! Para akong boyfriend na ngagalit sa kanya dahil hindi lang siya nagreply sa text ko. haaaayyyy! Ano bang nangyayari sakin? This cant be. As in Cannot be jordan ! Si Marilla yun eh. Best friend mo yun. Oo tama bestfriend ko siya kaya ganito ako makareact. Siyempre bestfriend ko nga eh. hahahaha.. oo tama. Engot ko talaga! hahahah! At tsaka may Levy na kaya ako. Siya lang.
From. Love
Hey Kevs. Lets talk I Really miss you :) Sunday. 3pm. Sa dating lugar. See you.
Nakatitig ako ngayon ng wala ni kahit anong reaksyon sa message sakin ni Levy. F**k. Imposible to! Ito na oh, Kevs eto na! babalikan ka na niya. Yan naman talaga yung gusto mo diba? Eto na yun. Nagugulahan ka lang kasi hindi mo siya nakikita. Wait on Sunday :). We can start it all over again.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkadating ko sa room, eh wala akong Jordan Kevin na natagpuan. Siguro nga may praktis. 10 mins pa bago mag class. Medyo maaga ako, kasi ilan ilang palang kami. Habang nilalaro ko yung cellphone ko eh may tumabi sakin at biglang nagsalita.
"uyy busy ka ha. Candy crush yan ?"
Napatingin ako kay Luke.... Wait Luke??
"Oh? Akala ko ba may praktis kayo ngayon? Bakit di ka umattend?"
"Ha? Wala akong natatandaan na may prak... ahhhhhhhhhhh oo meron di ako umattend medyo masakit tuhod ko eh. hehehehehehe"
"o..okey, weird mo ha."
Bigla na lang din umalis sa harap ko si Luke. May gagawin pala daw siya. Bakit di naman siya pa-ika kung maglakad. hmmmmmm?? Siguro hindi naman ganun kasakit.
//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////
Time runs so fast for this day.... Uwian na agad. Namiss ko na ang kama ko. Ano kayang nangyari dun kay Kevin. Hindi na pumasok, 3 subjects na nga lang hindi pa kinumpleto. Hindi ko na siya nakita buong araw. Siguro napagod kakapractice. Text ko nalang siya pagkauwi ko.
hayyyy!!!! Thank you Lord, Kahit weird ang araw at ang mga tao ngayon, Para sakin This is such a happy day :). kinikilig pa din ako. And I cant take away my smile from me.
BINABASA MO ANG
One-sided L❤️VE
Non-FictionAno na nga ba ang lagay niyong dalawa ? Ano na nga ba kayo ? San nga ba patungo ang relasyong hindi mo alam kung relasyon nga bang maituturing? Magulo ang love at mas pinapakumplikado pa ng taong sangkot dito .