Nasasaktan ba sya?
O may alam ba sya tungkol saming dalawa ni Lhianne?
"Grabe malapit na tayong mag grade six" sabi ni Ann habang pinupunasan ang sarili dahil pawis na pawis
"Baka next year hindi na ko dito mag aral" lahat kami ay napatingin nang mag salita si Aerish
"Ha? Bakit naman?" Tanong ni Madeline
"Pupuntang ibang bansa si Mommy, isasama nya ko" ngumiti ng tipid samin si Aerish
"Mag pa iwan ka nalang" sabi ni Marie
"Hindi pwede" tumingin sya kay Marie
Nakakalungkot dahil mababawasan na kami...
"Oh my god naka perfect ako sa exam!" Masayang sabi ko at tumingin sa mga kaibigan ko
My goshh can't believe
"Congrats, Louise" lumapit sakin si Madeline
Dito sa BUNI Elementary once na gusto mong makapasa sa BUNI Academy ay kailangan sa finals na exam ay maka perfect ka o mataas ang score na makukuha mo.
Sobrang happy din namin dahil halos lahat ng kaibigan ko ay pasado, lahat kami ay makakapasok sa BUNI Academy pag nag highschool na kami
Tinitignan kasi yung score ng mga grade 5 and grade 6
"Aalis ka na agad?" Tanong sakin ni Reign
Andito kami ngayon sa shop nila Aerish dahil dito kami nag celebrate, alas tres na ng hapon at gustong makipag kita sakin ni Lhianne ngayon.
"Ang bilis naman" sabi ni Mae-mae
"May meeting kami sa PCY" pag dadahilan ko
"Nga pala kamusta kayo ni Lhianne?" Nagulat ako sa tanong ni Madeline sakin
"We're okay naman" ngumiti ako
"Pansin lang namin ah, hindi ka na kasi nag kwe-kwento about her" sabi ni Aerish
"Minsan lang naman kami nag kakasama" tumingin ako kay Aerish
Wala ni isa sa mga kaibigan ko ang may alam tungkol sa relasyon namin ni Lhianne, tanging kaming dalawa lamang.
"Hi jo" niyakap agad ako ni Lhianne pag kakita sakin
"Grabeng ngiti yan" sabi ko
"Naka perfect ako sa periodical test namin" masaya nyang sabi
"That's so good, congrats" nakangiting sabi ko
Pumunta kami ni Lhianne sa may sapa para don mag celebrate, since naka perfect kaming dalawa sa exam.
"Sana pag nag 18 ka na ako ang last dance mo" tumingin sya sakin
"Baka break na tayo non" halakhak ko
"Hindi tayo mag bre-break jo, pang habang buhay na toh" umakbay sya sakin
"Huwag kang mag salita ng di tapos, jo. Malay mo" pang aasar ko
"Pero Jo, promise hinding hindi kita sasaktan." Ngumiti sya sakin
Ngumiti lang din ako sakanya
Sana nga
Dahil minsan sa sobrang saya may matinding lungkot na kapalit
Kaya ayokong nagiging masaya palagi dahil alam ko na may kapalit na lungkot
YOU ARE READING
Bakit Nga Ba Mahal Kita? (Destiny Series#3)
RomanceBakit nga ba tayo nag mamahal sa isang tao kahit na alam mong wala namang kasiguraduhan na kayo hanggang huli? Bakit nga ba natin sila minamahal? Mikhaela Louise Espiritu ay galing sa isang mayamang Pamilya, si Louise ang pinaka bunso sakanilang m...