CHAPTER 25 (COMFORT PERSON)

18 1 0
                                    

"Oo Kuya Mark, madrama ko pero hindi nyo alam na naligaw ako nung nag camping kami... Mas nararamdaman ko pa yung pag mamahal ng ibang tao kesa sainyo na pamilya ko, kay Kuya Mark ko na nga lang nararamdaman yung pag mamahal ng isang pamilya pero simula nung umuwi kayo dito nag iba na din ang trato nya sakin." Pinunasan ko yung mga mata ko "Huwag nyo kong sisihin, dahil nung mga panahon na gusto ko kayong sisihin hindi ko nagawa" sabi ko at umalis sa harap nila

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa bahay nila Lhianne

"Hey ano ang nangyari?" Tanong sakin ni Lhianne habang nakayakap ako sakanya

"Jo, nasabi ko na sakanila lahat lahat ng galit at tampo ko" sabi ko at hanggang ngayon umiiyak parin

"Oh, masaya ako para sayo. Pero bakit? May problema pa din ba?" Sabi nya at hinawi yung iilang buhok na nasa mukha ko

"Sinisisi nila ko, buntis ata si Ate Siana at ako ang sinisisi. Wala naman akong kinalaman, then sabi nila naiinggit sila sakin dahil nagagawa ko lahat ng gusto ko. Hindi nila alam na mas naiinggit ako sakanila" pag kwe-kwento ko

"Ano ang reaksyon nila? Ng Mommy at Daddy mo?" Tanong nya sakin

"Si Daddy tahimik lang si Mommy ramdam ko na gusto nyang mag explain pero umalis ako ng bahay" tumingin ako kay Lhianne

"Basta pag uwi mo sa bahay nyo, hayaan mong mag paliwanag ang Mommy at Daddy mo okay?" Ngumiti sya sakin

"Ayoko pang umuwi" umiling ako "Dito lang ako Lhianne, ayoko silang makita" mas hinigpitan ko pa ang pag kakahawak ko sa palu-pulsuhan ni Lhianne

"Jo, hindi pwede. Kailangan mong umuwi sainyo" sabi nya

Wala na kong nagawa at inuwi nya nga ako sa bahay namin

"Jo, naman di ko pa sila kayang harapin" niyakap ko sya

"Kayanin mo silang harapin, ikaw pa ba? Kayang kaya mo yan Jo, mag chat ka sakin pag nakausap mo na sila" sabi nya at hinalikan ang noo ko

"Oh andyan ka na pala" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Kuya Mark na seryoso ang mukha

"Sige na Louise pumasok ka na sainyo" ngumiti sakin si Lhianne

"Mag iingat ka sa pag uwi" kumaway ako kay Lhianne

Pumasok na kaming dalawa ni Kuya Mark sa loob ng bahay, at naabutan ko si Mommy at Daddy na nasa living room nakaupo


"Louise anak" lumapit sakin si Mommy

"Matutulog na po ako" tumingin ako kay Mommy

"Let me explain Louise" sabi ni Mommy

"Basta pag uwi mo sa bahay nyo, hayaan mong mag paliwanag ang Mommy at Daddy mo okay?"

"Sige po" pag payag ko

Iniwanan kami ni Kuya Mark sa may living room, umupo naman ako sa gitna nilang dalawa ni Daddy

"First of all, anak I'm so sorry what I did. Hindi ko alam na ganon na pala ang nararamdaman mo, pero mahal ka namin anak ka namin okay?" Sabi ni Daddy

"Naka focus kami sa dalawa mong ate at sa dalawa mong Kuya dahil kailangan nila kami, nasa isip namin ng Daddy mo na bata ka pa makakasama ka pa namin at alam naming matatag ka. Gustuhin man naming puntahan ka after ng Recognition ng mga Kapatid mo pero hindi na kaya ng schedule, sa tuwing galing akong ibang Lugar at wala ka sa mga pasalubong? Hindi totoo na nakakalimutan kita, iniipon ko lahat ng pasalubong ko sayo para sa debut mo sana. I'm so sorry anak" niyakap ako ni Mommy

"Pero bakit nagalit po kayo sakin nung nawala si Lola?" Sabi ko at pinipilit kong huwag tumulo ang luha ko

"Noong una ay nagalit talaga kami sayo pero wala naman kaming magagawa dahil nangyari na ang lahat, at yung may galit sayo ang lolo mo? Hindi totoo yon, palagi ka nyang hinahanap sa tuwing uuwi kami don pero hindi pa sya ready na makita ka nya ulit anak." Sabi ni Daddy

"Alam namin ng Daddy mo na malaki ang pag kukulang namin sayo kaya sising sisi kami" saad ni Mommy

Shockss akala ko ampon lang ako...

Bakit ngayon lang toh nangyari?

"I love you Mommy and Daddy" niyakap ko silang dalawa

"Mahal ka namin anak" naramdaman ko ang pag halik ni Daddy sa ulo ko


Okay na kami ng parents ko, sana yung mga ate at mga kuya ko rin maging okay na kami.

Lalo na si Kuya Mark....


Natulog ako sa kwarto nila Mommy and Daddy dahil namiss daw nila akong katabi

Confirm din na buntis si Ate Siana, ka choir din nya ang naka buntis pero hindi sya pinanagutan.


Si Ate Louisa naman ay okay na kami ganon din kay Kuya Michael pero si Kuya Mark ay patuloy parin ang pag layo nya....


Hindi ko na alam ang gagawin ko..

"Nak saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Daddy

"Kila Aerish lang po, birthday po kasi ng Lola nya" tumingin ako kay Daddy

"Louise diba ang sabi namin ng Mommy mo na huwag na huwag kang makikipag kaibigan don?" Lumapit sakin si Daddy

"Daddy mabait naman po ang Lola ni Aerish pati na rin po ang Mommy nya, and si Aerish po she's so super kind" nakangiting sabi ko

"Okay, okay. Basta mag iingat ka parin sa mga kaibigan mo" ngumiti sakin si Daddy

"Yes Daddy" tumango ako at niyakap si Daddy


Lumabas na ko ng bahay at nag pahatid na ko kay Manong Dante, nag pa baba muna ko sa bahay nila Lhianne.

Hindi kasi ako siniseen kaya pupuntahan ko nalang sa bahay nila

And I was shock na andito si Kuya Mark

Ano ang ginagawa nya dito?


"Ate Louise" lumapit sakin si Quinnie nang makita ako

"Jo- I mean Louise andyan ka pala" nakita kong bumaba ng hagdan si Lhianne

"Uhm tatanong ko lang po kung nasan sila Gavin?" Tumingin ako kay Lhianne

"May selpon ka naman ah? Bakit dito mo pa hinahanap?" Seryosong sabi ni Kuya Mark

"Hey Mark, huwag mong pag salitaan ng ganyan yung kapatid mo" suway ni Lhianne kay Kuya

"It's okay, aalis nalang po ako" ngumiti ako kay Lhianne at umalis na ng bahay nya

Lumabas ako ng iskinita nila ewan pero nakakaramdam ako ng selos, bakit sila mag kasama?

Follow me on IG: sulatni_sunny

Bakit Nga Ba Mahal Kita? (Destiny Series#3)Where stories live. Discover now