CHAPTER 28 (FIGHT)

9 2 0
                                    

Ewan pero hindi ako nakakaramdam ng saya ngayon

Pangiti-ngiti lang ako pero hindi maalis sa isip ko yung nalaman ko.


"Louise bakit hindi ka pa natutulog?" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Reign

"May iniisip lang" ngumiti ako ng tipid sakanya

Naramdaman ko din ang pag upo nya sa tabi ko


"Dahil ba sa post ng kuya mo?" Tanong nya sakin

"Yes" marahan akong tumango "Buong mag hapon hindi nag update sakin si Lhianne, feel ko nakalimutan na nya ko" mahinahong sabi ko

"Baka naman lowbat or walang signal" sabi ni Reign

"Palaging may signal yon, pina loadan ko sya kanina bago ako pumunta dito" tumingin ako kay Reign

"Baka naman pagod" sabi pa ni Reign

"Kahit pagod yon buong mag hapon mag cha-chat at mag cha-chat parin yon, ewan ko mukhang nagiging toxic na yung rs namin." I sighed

"Hindi naman siguro, pag nag ka usap kayo. Kausapin mo sya ng maayos, huwag kang mag papadala sa emosyon mo." Ngumiti sya sakin

"Bukas pupunta ako sa bahay nila, kakausapin ko sya" sabi ko habang pinag lalaruan ang mga daliri ko sa kamay


Kinabukasan pag ka uwi ko sa bahay ay nakita kong masaya ang mukha ni Kuya Mark, siyempre nakasama nya yung ex nya na Gf ko na ngayon.


Ewan ko kung bakit pa ko pumayag sa relasyon na toh


Nag kulong lang ako sa bahay buong mag hapon, hanggang ngayon din kasi ay wala pang chat sakin si Lhianne.


MGA BANAL MALIBAN KAY GAVIN

Zeyn: guyss tara sa bahay nila Gavin

Cooper: Ha? Anong meron?

Royce: Kaya nga

Zeyn: Nag luto daw mama nya ng spaghetti and pansit, pinapapunta tayo

Gavin: LoL walang sinasabi si Mama, imbento ka na naman

Gavin: Pero punta kayo dito, sayang naman kung hindi makakain

Cooper: Okay sige

Royce: Omy

Zeyn: @Louise ate @Lhianne kayo ba?

Lhianne: Hindi ako pwede ngayon eh, next time nalang mga bebe

Louise: Go ako

Zeyn: Okiee

Buti pa sa Gc nakakapag reply sakin hindi

Lhianne Sevilleja

Lhianne: Don't go.

Louise: Pupunta ko, ininvite ako

Lhianne: Jo, please?

Louise: Ano ba? Pupunta ako kila Gavin, minsan ko lang naman sila makasama

Lhianne: Saakin ka sasama Louise.

Louise: Ayoko, si Kuya Mark nalang sasama sayo

Louise: Diba mag kasama naman kayo kahapon?

Lhianne: Louise...

Lhianne: Iba ang inaakala mo

Louise: Sabi mo may gagawin ka kaya di ka nakapag chat sakin, yun pala yung gagawin mo is makipag kita sa Kuya ko

Bakit Nga Ba Mahal Kita? (Destiny Series#3)Where stories live. Discover now