Hether's view
Pinagmamasdan ko siya mula sa malayo, nakakalimang lap na siya sa field at patuloy parin siyang tumatakbo upang mag insayo.
Sigurado akong pagod na siya dahil tagaktak ang pawis sa mukha niya, gusto kong ibigay sakanya itong mineral water na hawak ko pero hindi ko magawa, wala akong lakas ng loob.
Haay, napabuntong hininga na lamang ako at patuloy parin siyang pinagmamasdan, huminto na siya mula sa pag takbo at dumiretso sa isa sa mga bench, agad siyang nag punas ng towel sa mukha atsaka umupo.
"Kung pwede lang sana kitang lapitan at ibigay tong mineral water.." Bulong ko sa sarili. Nagulat ako ng may humablot sa mineral water na hawak ko.
"Sus, akin nalang to kung wala kang planong ibigay to kay sean." Atsaka niya ininom ang laman ng mineral. "Chace! Walangya ka!" Pinaghahampas ko siya, panay naman ang ilag niya.
"Haha panget na duwag pa!" Sigaw niya atsaka tumakbo ng mabilis, hahabulin ko sana kaso wag nalang, panigurado di ko maabutan iyon, kasali din kasi siya sa track & field kung saan naroroon ang ultimate crush ko na si Sean, bwesit na chace yun!
Kababata ko siya, and when i say kababata, simula pagka baby magkasama na kami ng ugok na iyon, mag bestfriend ang mommy niya at mommy ko, unfortunately magkapit bahay kami and worst part is? Magkatapat ang bintana ng kwarto namin! At nakikita ko bawat kalokohang ginagawa niya.
Man-whore! Tsk. Iritado akong umupo sa bench at pinagmasdang muli si Sean, may lumapit sakanyang babae at nagbigay ng mineral water, napatayo ako ng wala sa oras.
"Wag mong tanggapin please.. Wag.." Bulong ko at pinanood lamang sila habang nakahawak ako sa isang bench ng pagka higpit-higpit, ngumiti si sean at tinanggap ang mineral water, napasalampak ako sa sahig.
HINDEEEEE!!! sigaw ko sa isipan at kinagat ko ang kamay ko para pigilan ang pag sigaw. Nilingon kong muli si Sean at ininom niya na ang mineral. P*tang*na! Lagot ka sakin mamaya babae ka! Gigilitan kita ng buhay!
Nanggigigil akong tumingin sa babae at mina-masacre ko na siya sa isipan ko. "Mukhang may balak kang pumatay ah?" Nilingon ko ang nagsalita at walang iba kundi si Chace balasubas.
"Umalis ka nga! Storbo ka!" Atsaka ako tumayo para sana mag walk-out, pero natigilan ako sa sinabi niya. "Akala ko ba pinapaalis mo ako? Ba't ikaw ang nag wo-walk out diyan? " pang-aasar niya sabay tawa, bwesit talaga! Inirapan ko nalang siya at akmang aalis pero nagsalita na naman ang hayop!
"Pwede kitang tulungang mapalapit kay Sean.." Nakangiti siya ng nakakaloko, lumapit ako sakanya.
"Talaga?" Infairness ah? May kwenta din pala tong ungas nato, dahan-dahan siyang tumango.
"In one condition." Sabi na nga ba eh! May kondisyon! Napa cross arms nalang ako at akmang aalis muli.
"Hindi mo pa nga naririnig yung kondisyon ko eh." Binaling ko ang paningin sakanya.
"Alam ko namang pagsasamantalahan mo lang ako " sabi ko at inirapan siya, tumawa naman siya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?!" Pasigaw kong saad. Hi-nead to foot ba naman ako ng gago! Hayop talaga! Tinakpan ko ang sarili ko at baka hinahalay na ako nito sa kadiri niyang utak bisugo!
"Mag hunos dili ka nga! ungas ka talaga!" Tumawa lang siya ng tumawa, nabaliw na ata.
"As if naman kasing pagsasamantalahan kita, tingnan mo nga iyang itsura mo, ke ganda ng pangalan panget naman ang may-ari!" Atsaka siya tumawa ulit na parang wala ng bukas, aba't tarantado talaga tong pesteng to!
Hinampas ko siya ng pagka lakas-lakas kaya napahawak siya sa braso niya at tila nasaktan. "Wala ka talagang modo kahit kelan chace!" Sigaw ko at akmang hahampasin siya ulit pero itinaas niya ang kamay niya nagsasabing suko na siya.
"Oo na! Sakit manghampas ng babaeng to, kaya wala kang boyfriend eh kasi kilos lalaki ka, itsura neto.." Nakakairita talaga ang bwesit nato.. Inirapan ko lang siya.
"Tutulungan kita kay sean pero tulungan mo rin ako sa experiment sa physics." Ngumisi ako.
"Utak bisugo kasi kaya hindi mapasa pasa ang expirement.." Mapang-asar kong sambit, nag cross arms naman siya at ngumisi rin.
"Ah ganoon? Barahan ba gusto mo? Tss. Palibhasa panget at duwag kaya hindi makalapit kay sean." Ganting pang-aasar naman niya.
"Hindi ako panget!" Tumawa lang siya. "Talaga? Eh bakit pamilyar ang itsura nato?--" sabi niya sabay turo sa mukha ko " hindi ko alam bumyahe si Shrek papunta dito sa pinas!" Hinampas ko siyang muli.
"Siraulo ka talagang ugok ka!" Hinawakan niya ang magkabila kong kamay habang tumatawa.
"Kita mo na? Pikon ka masyado!" Tawa parin siya ng tawa, bwesit nato!
"Chace!" Sigaw ng napakapamilyar na boses na naghatid ng kakaibang tunog saaking tenga.. Nilingon ko ito at papalapit siya sa direksyon namin.
"Oh, sean ikaw pala." Parang nang-aasar ang boses ni chace habang binabanggit ang pangalan ni sean, nakatingin siya saakin ng nakakaloko, nang malapit na si sean binulungan niya ako.
"Laway mo tumutulo, punasan mo" atsaka niya hinarap si sean ng makalapit ito, agad ko namang pinunasan ang bibig ko, at talaga namang! Meron ngang tumulong laway, yak.
"Pinababalik na tayo ni coach." Rinig kong sabi ni sean, iiihhhh~ grabe lang, ang boses niya parang musika sa pandinig ko.. Yiiieeee~
"Ganon ba, sige pero bago iyon.." Hinila ako ni chace at ipinaharap kay sean..
OMO!! Hindi pa naman ako nakapagsuklay! TENGENE!
"Meet Hether Francisco.." Pagpapakilala ni chace saakin habang nakapatong ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat mula sa likuran ko, pasimple kong inayos ang buhok ko at nahihiya hiyang nilahad ang kamay kay sean.
"H-Hi.. I'm Hether.." Pagpapakilala ko, inabot naman ni sean ang kamay ko.. Sheeeet! Nasa cloud nine na ako! Ang lambot ng kamay niya!! Nagwawala na ako sa kaloob looban ko pero pinilit kong kumalma.
"I'm sean, nice to meet you Hether.." Ngumiti siya at kinalas ang mga kamay namin, sheeet!! Mag ha-hypervintilate na yata ako sa sobrang saya!
"Tara na chace?" Wika ni sean, nakatunganga lang ako habang nakatingin sa mukha niya.
"Sige, sunod na ako.." Tumango naman si sean saka kumaway saamin, kumaway rin ako na tila wala sa sarili.
"Ano? Payag kana sa alok ko?" Rinig kong sabi ni chace, tumango tango ako habang nakatingin parin sa papalayong likod ni sean.
"Yes! Susunduin kita bukas sainyo, maghanda ka" Yun ang huling sinabi ni chace saka siya naglakad palayo saakin, well what can i say. Since may kwenta naman siya, tutulungan ko nalang siya sa expirement sa physics.
Haaaay, sean.. I can't wait to be your girlfriend hihihihi.. Naglakad na ako pauwi habang lutang parin ang isipan.
BINABASA MO ANG
Together We Belong
Teen FictionSa likod ng tawanan, kulitan at murahan, Siya iyong lagi kong kasa-kasama. Sa hirap at ginhawa. Mahirap raw sa panahon ngayon ang makahanap ng totoong BESTFRIEND na magmamalasakit sayo. OUR story might be clichè at some point for falling inlove with...