3rd

17 0 0
                                    

Chace's view


Nakaupo lang ako sa couch ng botique habang nag bo-browse sa phone ko, tsk. Naka receive ako ng notif.

Erica santiago is single.

Tss, Erica was my ex, we broke up yesterday, hindi naman sa nanghihinayang ako sakanya pero parang ganoon na nga, magaling kasi sa kama tsaka sikat rin sa buong school namin, oh well. nag log out na lamang ako sa fb.

"Hoy ungas!" Rinig kong tawag ni Hether, nilingon ko siya at bahagyang nabigla. Napangisi ako.

"Akalain mo nga naman, you look like a freakin bitch!" Sabi ko sabay tawa ng malakas, actually hindi totoo ang sinabi ko sakanya, she looked pretty yet simple bumagay ang fitted v-neck sleeveless na tops niya at skater skirt.

Nakita ko siyang sumimangot atsaka naglakad papunta sa isa sa mga manikin, nakunot ang noo ko.

"Ipapakita ko sayo kung ano ang 'bitch' na tinutukoy mo" seryoso niyang wika, napangisi ako, ito ang nakakatuwa kay Hether eh, madaling mapikon at nauuwi sa nakakatawang bagay ang gagawin niya minsan.

"Sige nga." Hamon ko atsaka itinutok sakanya ang phone ko at sinimulan siyang e-video.

Nagsimula siyang gumiling at hindi lang basta giling dahil dirty dance ang ginagawa niya! Tangina pinipigilan kong matawa, buti na nga lang at wala masyadong tao sa parte ng botique na'to.

"Ohh sean~" she sounded like she's making out with a certain someone hahaha napapapalo ako sa hita ko sa sobrang pagpipigil ng malakas na tawa, patuloy ko siyang vini-video-han.

Hinawakan niya ang kamay ng manikin at ipinatong ito sa may bandang pwetan niya.
"Wag sean~ please i'm still a virgin~" malandi niyang sambit with matching kagat labi pa, halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa ginagawa ni Hether.

Kasabay ko siya palagi sa mga kalokohan, pero nag bago ang lahat dahil sa aksidenteng iyon.

Naging dahilan iyon sa unti-unting pagkasira ng pagkakaibigan namin, buti na nga lang maayos na siya ngayon pero sana..

Sana hindi na niya matandaan pa ang aksidenteng pumatay sa pagkatao niya. Ayoko na ulit makita siyang nahihirapan.

"Sean noo! Aaahhh~ dont. please~" nabalik ang atensyon ko kay Hether, nasa dibdib na niya ang kamay ng manikin at humagalpak ako ng tawa ng maputol ang kamay ng manikin at natumba ang katawan nito, napatakip siya sa bibig niya atsaka natatawang binitawan ang kamay ng manikin.

"Gosh! See? That's the real bitch! Pero! Hinding hindi ko na iyan gagawin sa harap ng kung sino, lalong lalo na sayo, ha! E delete mo na iyang video!" Utos niya saka inigaw ang phone ko, pero inilayo ko lang ito sakanya habang tawa parin ng tawa.

"That's hilarious!! Hahahaha!" Tawa parin ako ng tawa at sinabayan na niya ako sa pagtawa.

" Mas loko-loko pa ako sayo sa inaakala mo!" Natatawa niyang saad.

"Alam ko iyon, baliw ka talaga kahit kelan! Oh sige na bilhin na natin iyong mga damit na babagay sayo." Suhestiyon ko atsaka siya hinila pero pinigilan niya ako sa paglalakad.

Together We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon