2nd

24 0 0
                                    

Hether


Plack! Plack!

Nakarinig ako ng parang may bumabayo sa bintana ng kwarto ko, kinusot ko ang mga mata at tinignan ang bedside clock.

6am? Isang gago lang ang alam kong babayo ng bintana ng kwarto ko, naihilamos ko ang mga kamay saking mukha atsaka padabog na tumayo at nagtungo sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at tumambad saakin ang isang walis na pilit binabato ng walangyang chace, sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumiti naman siya ng ngiting aso. "Sawakas at gising ka na panget.." Sabi niya habang nakahalumbaba sa bintana niya.

Binuksan ko ang bintana ko atsaka siya tinapunan ng masamang tingin.

"FYI lang ha? Nasa 20th century na tayo, pwede naman kasing mag text nalang." Irita kong sambit habang humihikab, ngumisi naman siya.

"Wala akong number mo eh." Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ke aga-aga, mukha mo agad ang nakita ko." Asar kong saad, lumawak ang ngiting aso niya.

"Aba't ang swerte mo dahil una mong nakita ang mukha ng diyos nato." Napairap nalang ako at ginaya ang pangalumbaba niya sa bintana.

"Pwede ba chace, tumigil ka sa kahambugan mo, batuhin kita diyan eh.." Banta ko sakanya, tumawa lang siya.

"Ano? ready ka na bang magpapansin kay sean?" Tila nabuhay ang katawang lupa ko sa sinabi niya. Sunod-sunod akong tumango at malapad na ngumiti.

"Mag ayos ka na, yung mag mukha ka namang tao ok?" Natatawang sabi niya, itinaas ko ng bahagya ang manggas ng damit sa braso ko at kinagat ng bahagya ang ibabang parte ng labi ko tila naghahamon ng away.

Tumawa lang naman ang tukmol saka nagsara ng kanyang bintana, ungas talaga! Sinara ko narin yung bintana ko at agad pumasok sa banyo upang maligo.

**

"Hether anak! Bumaba kana rito, hinahanap ka ni chace!!" I roll my eyes sa narinig, namimili pa nga ako ng damit na susuotin eh!

Kasalukuyan kong hinahalungkat ang mga damit ko at shet lang puro loose ang mga 'to, napabuntong hininga ako, nak ng tinapa! Ngayon pa ako naging conscious sa damit ko.

*Knock! *Knock!

Nakarinig ako ng malakas na pagkatok sa kwarto ko, panigurado ang ungas na chace na naman yun, wala talagang alam sa salitang patience!

"Hoy Hether!! Lumabas kana diyan! Ano?! Kinain kana ng mga damit mo?!" Bwesit nato!

"Tumahimik ka!! Ang ingay ingay mo! Namimili pa ako ng damit ehh!" Sigaw ko atsaka bumalik muli sa paghalungkat ng damit.

Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si chace. "Ha! Kahit anong suotin mo pange--" hindi niya natapos ang sasabihin ng makita akong naka towel lang, agad kong binato sakanya ang una kong nahawakan--lamp shade.

Agad naman siyang tumakbo palabas. "Putangina mo chace!!!" Sigaw ko at itinapon ang lamp shade patungo sakanya, kaso sinara niya agad ang pinto kaya't tumama ito doon.

"Sorry! Di ko naman alam na hindi ka pa nakakapagbihis! Isa pa.. Wag kang mag-alala wala naman akong nakita dahil wala namang dapat makita" rinig kong sigaw niya, kita mo to?! Nang insulto pa ang bwesit!

"Papatayin kita kapag nakalabas ako rito!" Sigaw ko muli at kinuha ang una kong nadampot na damit, nagdidilim na ang paningin ko at tanging pagpatay kay chace ang fucos ko.

Isang loose long sleeves at checkered pants ang nasuot ko, nagmadali akong bumaba at hinarap ang tarantadong ungas.

"Kalma ka lang Hether!" Sigaw niya at nagtatakbuhan kami sa sala habang binabato ko siya ng kung anoman ang mahawakan ko, panay naman ang ilag niya.

"Pst hoy kayo diyan! itigil niyo nga yan para kayong mga bata.." Saway ni mommy kaya naupo nalang ako sa sofa at pinanlisikan si Chace, bwesit talaga! Tumawa lang ang ungas!

"Sorry na haha, wala namang kahubog-hubog ang katawan mo, kaya wala kang dapat ipag-alala tsaka hindi naman mapagnanasahan ang katawan mo ehh.." Binato ko sakanya ang maliit na unan ng sofa.

"Bwesit ka! May gana ka pa talagang mang insulto!" Nasalo niya naman ang unan at niyakap ito habang tawa ng tawa. At nang mahimasmasan siya nakatingin lang siya sakin na tila may naiisip na kalokohan.

"Wag mo nga akong bigyan ng tinging ganyan! Kinikilabutan ako sayo!"

"Diba sinabi ko mag anyong tao ka?" He said and smirk, sinimangutan ko lang siya at inirapan.

"Wala kana talagang pag-asa." Sabi niya sabay buntong hininga atsaka tumayo.

"Tara sa mall at bibilhan kita ng damit pang tao.." Nilingon ko siya, at inilahad niya ang kamay niya saakin.

"Walangya ka talaga" inabot ko ito at umalis na kami matapos magpaalam kay mommy.

**

Nasa mall na kami ni chace, hinahawakan niya parin ang kamay ko habang naglalakad kami, dahan-dahan ko itong hinila.

"Wag mong tanggalin baka mawala ka, tanga ka pa naman.." Sabi niya at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko, tarantado talaga, hindi ko nalang siya sinagot at nagpalinga-linga sa mga botique.

Hinila niya ako papasok sa isang magarang botique, tss. Hindi na ako magtataka kung bakit marami siyang alam sa mga damit pambabae, sa dami ba naman ng naikama netong ugok nato, hinila ko na ng tuluyan ang kamay ko ng makapasok kami sa botique.

Agad siyang kumuha ng sandamakmak na damit saka ibinigay saakin. "Isukat mo iyan lahat at titignan ko kung anong babagay sayo." Nakangiting aso niya.

"Seryoso? Eh ang dami neto!" Reklamo ko, pinaningkitan niya ako ng mata.

"Para kay sean nga diba?" Napaayos ako ng tayo atsaka tumango at nagmadaling pumasok sa dressing room.

Ilang minuto rin bago ako lumabas. "Hoy Hether! Bilisan mo! Naiinip na ako!" Malakas niyang kinatok ang pinto ng dressing room, tss!

Napakamainipin talaga! Lumabas na ako at mukha niya agad ang tumambad saakin, tinitigan niya ako ng seryoso bago sinabing.

"Ang baduy, balik!" Walang ka gatol-gatol niyang wika at itinulak ako papasok sa dressing room, ang resulta napasubsob ako sa salamin.

Ungas talaga! Nagsimula naman akong magsukat ng iba pang napiling damit ni chace, hmm. Ma try nga tong sleeveless tops at skater skirt.

Together We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon