4th

15 0 0
                                    

Chace's view


Nasa loob kami ng kotse ko at tulala lang si Hether habang ako mahigpit na hinahawakan ang manibela, hindi ko pa naman pinapaandar ang makina ng kotse at narito parin kami sa parking lot ng mall, it's already 5pm.

"Wow." Yun nalang ang lumabas sa bibig ko, narinig kong bumuntong hininga si Hether.

"I'm so stupid, i shouldn't have done that! Ako na naman ang magiging apple of the eye ni Erica." She looked troubled.

I tap her shoulder. "I won't let her lay a finger on my bestfriend." I assured her, ngumiti lang siya ng matipid.

"I missed us." I can see longing from her eyes, napaiwas ako ng tingin, guilt is eating me. Dahil rin naman saakin kaya lumayo ang loob niya noon. I did something terrible.

"Let's go home.." Suhestiyon ko at sinimulang magmaneho pauwi.

Hanggat maari ayokong makausap ng seryoso si Hether, it'll end up getting her hurt again, and i dont want that to happen.

Nakarating rin kami sa bahay ng tahimik, nang makalabas kami ng kotse ay kinuha ko ang mga pinamili namin kanina saka siya sinamahan sa may front door nila.

" see you tomorrow, goodnight Hether."

"Goodnight Chace" atasaka siya pumasok sa loob ng bahay nila.

**

Hether's view

Kararating ko lang ng school at patungo na ako sa una kong subject--Literiture. Graduating student ako ng high school kaya't sobrang hectic ng schedules at sobrang dami ng kailangang projects na ipasa, kaya siguro bumagsak si Chace sa physics dahil wala siyang oras sa pag e-experiment, athlete kasi siya at kailangan niyang e prioritize yun, kasi nakasalalay dun ang scholarship niya.

Matalino naman si chace at mayaman ang kaso napaka independent, ayaw niyang umaasa sa parents niya, for short--ma pride ang ungas! Sa lalim ng pag-iisip ko, di ko namalayang may nakabangga ako sa corridor.

"Look who's here." Napalunok ako ng marinig ang boses naiyon, i am so dead.

Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at nakasalubong ko ang masamang tingin ni Erica kasama ang alipores niya. Awkward akong ngumiti at pinulot ang mga gamit ko saka tumayo at akmang aalis, pero hinigit ni Erica ang braso ko kaya't napaupo ako muli sa sahig, may mga ibang studyante naring nakakapansin saamin pero dinadaanan lang kami.

"Going somewhere bitchy geek?!" Halos pasigaw niyang saad kaya't marami siyang nakuhang atensyon mula sa mga schoolmates namin, tumayo ako muli.

"May klase pa ako Erica." Atsaka ko sinubukang maglakad paalis pero naramdaman ko ang pagsubsob ng mukha ko sa sahig, hindi dahil hinigit niya ako pabalik kundi dahil hinarang ng alipores ni Erica ang paa niya sa daraanan ko para masubsob ako.

Narinig ko ang tawanan ng nakapaligid saamin. "Ang lakas ng loob mong ipahiya ako sa harap ni Chace kahapon?!" Giit niya at hinila ang braso ko, napatayo ako at mahigpit niyang hinawakan ang baba ko.

"Nasaan na ang tapang mo ha?! Ilabas mo!" Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa baba ko, hindi ako makapagsalita, ramdam kong kinakain ako ng takot, gusto kong manlaban pero wala akong lakas ng loob.

"Huwag na wag mo akong kakalabanin bitchy geek, dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin. Stay away from Chace, got it?!" Atsaka niya ako binitawan ng marahas, nawalan ako ng balanse sa katawan kaya't matutumba na sana ako pero may naramdaman akong mga kamay na sumalo saakin, nakarinig pa ako ng pagkagulat ng mga schoolmates ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon