"Mama, sino po 'yung bagong lipat sa katapat nating bahay?" tanong ng batang babae sa kanyang ina. Ngumiti naman ito.
"Sila ang magiging kapitbahay natin." masayang sabi ng kanyang ina at saka ginulo ang kanyang buhok.
Pinagmasdan naman ng bata ang katapat nilang bahay. Akala niya noon, wala nang titira sa bahay na iyon. Luma na kasi ito halos kupas na ang dati'y maganda at makintab nitong kulay. Basag na rin ang ibang salamin.
Ngunit isang batang babae ang nakakuha ng kanyang pansin. Nakayuko ito habang nakadungaw sa durangawan habang may yakap-yakap na marumi at lumang manyika.
Kumaway siya at ngumiti ngunit tinitigan lamang siya ng bata. Napasimangot siya.
Ang sungit naman ng batang 'to. Aniya'y sa isip niya.
"MILDRED, bilisan mo at mahuhuli na ako," sigaw ng nanay niya kung kaya't mabilis na tumakbo ang bata pababa ng hagdanan at kamuntik pang matapilok sa kanyang pagmamadali.
"San niyo po ako iiwan mama? " inosenteng tanong niya. Sa tuwing aalis kasi ang kanyang ina ay palaging nakikisuyo ito sa mga kapitbahay nila na bantayan siya pag wala ang ina.
Ngumiti naman ang babae.
"Sa bago nating kapitbahay. Nasabi ko ng iiwan muna kita sa kanila. Tuwang-tuwa pa nga ang kapitbahay natin, magkakaroon na raw ng kalaro ang anak niya." Humalakhak ang babae at ngumiti naman siya. Inabot niya ang kamay ng kanyang ina at sabay silang nagtungo palabas at naglakad papunta sa tapat ng bahay ng kanilang bagong kapitbahay.
Ilang minuto ang lumipas nang sa wakas ay bumukas ang gate. Bumungad ang isang magandang babae at ngiting ngiti ito.
Agad na nagtago ang bata sa likod ng kanyang ina. Bumilis ang tibok ng puso niya na para bang kakawala na ito ano man oras.
Hindi siya makahinga habang hinahagod siya ng tingin ng kapitbahay nila.
Hindi siya mapakali, nais niyang bumalik sa kanila ngunit huli na. Tuluyan ng nagpaalam ang kanyang ina. Hinila siya nito at ipinaubaya sa kapitbahay nila.
"Magpapakabait ka sa kanila okay? Babalik na lang ako bukas," bilin nito. Tumango na lamang siya. Ngumiti ang kanyang ina bago siya hinalikan sa noo at saka umalis.
Hindi inalis ng bata ang paningin niya dito.
"Sana'y mabilis lang ang nanay. Ayokong magtagal dito," aniya sa kanyang isip.
"Pumasok ka na," malamig ang boses na utos ng babae. Hindi na ito nakangiti katulad kanina. Ang maamo nitong mukha ay napalitan ng malademonyong ngiti.
Halos mapaatras ang bata ng manliksi ang mata ng babae. Ang kanyang puso'y naging marahas sa pagkabog. Katulad ng malalakas na hampas ng alon sa karagatan.
The woman smiled at her at once. Muling bumalik ang maamo nitong anyo.
"Let's go inside, hinihintay ka na ng anak ko. She wants to play with you," makahulugang turan ng babae. Tumango na lamang siya at magagaan ang hakbang na naglakad papasok ng bahay.