I LOVE YOU, SIR!

30 1 0
                                    


Excited akong bumaba ng tricycle at saka patakbong nagpunta sa gate. Binati ko muna si manong guard bago ako tuluyang pumasok ng school.

Agad kong kinuha ang salamin ko sa bag at saka sinipat ang sarili kung mayroon pa ba akong make up.

Napangiti ako ng meron pa naman. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok ng class room.

"Good morning everyone!" masiglang bati ko. Hindi naman nila ako pinansin dahil busy sila makipag-usap sa katabi.

Nagkibit balikat na lang ako at saka naupo. Agad naman akong kinalabit ng katabi ko.

"Ang ganda ng make up mo ngayon ah. May date ka?" nakangising tanong ni Gale. Ngumiti naman ako.

"Yes. May date kami ni sir mamaya," nagbibirong sabi ko kaya napailing na lang siya.

Agad kaming napatayo ng bigla na lang pumasok sa sir sa classroom at saka bumati.

"GOOD MORNING CLASS," mahinahong pagbati niya.

"Good morning Sir Andrius," sabay sabay naming pagbati pabalik. Tumango naman si sir at saka kami sinenyasan na maupo.

Nagpangalumbaba naman ako at saka tumitig kay sir. Nagsisimula na siyang magsulat ng mga numbers at formula sa board.

Nang matapos siya ay humarap na siya sa buong klase pero hindi pa rin ako umaayos ng upo.

Bahala ng mapagalitan basta mapansin ni sir.

Mukhang nagkatotoo ang nasa isip ko dahil bigla na lang niya akong tinapunan ng tingin. Agad na kumabog ang puso ko at para akong nakalutang sa alapaap.

Ang sarap sa feeling na tinitigan ka ni crush.

"Ms. Lavigne, nakikinig ka ba sa'kin?" Napatanga naman ako.

"H-Huh?" Napailing naman siya at saka ako sinenyasan na magpunta sa board. Itinuro ko naman ang sarili ko at tumango naman siya.

Napangiti na lang ako at saka mahinhin na naglakad palapit sa kanya habang kagat-kagat ang ibabang labi ko.

"Tawag niyo ako sir?" nagpapacute na sabi ko pero hindi niya naman ako pinansin.

"Sagutan mo 'to." Agad naman akong napatingin sa board at saka napakamot sa ulo.

"Eh sir, ang hirap naman niyan. Bakit hindi na lang po kayo manligaw para sasagutin ko na agad kayo ng oo," maharot na sabi ko. Agad namang naghiwayan ang mga kaklase ko.

Napailing naman si Sir. Andrius.

"Ms. Lavigne, you're being disrespectful. I'm your professor," maawtoridad na sabi niya pero umiling naman ako.

"Yes. You are my professor but you're still a man. So, I like you. Can you be my boyfriend?" nakangiting sabi ko dahilan para mas lalong lumakas ang sigawan ng mga kaklase ko.

Napabuntong hininga naman siya at saka ako binigyan ako ng seryosong tingin.

"Meet me after class at the faculty," sabi niya at sinenyasan na akong bumalik na sa upuan ko.

Nangunot naman ang noo ko.

Ano naman kayang gagawin namin sa faculty?

Agad akong napatakip sa bibig ko at saka napakagat labi.

Akala ko pa naman hindi niya ako gusto, mali pala ako.

Masaya akong bumalik sa upuan ko at nakangiting tumitig sa kanya.

Nang tumunog ang bell ay agad akong tumayo para sumunod sa kanya ngunit saglit akong pinigilan ni Gale.

"Bakit ka pinapapunta ni sir sa faculty?" Nagkibit balikat naman ako. Pinaningkitan niya naman ako ng mata at saka nagpabuntong hininga.

WHISPERS OF FEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon