Inspired by The Girl From Nowhere
"Everyone, be quiet. We have a new transfer." Narinig kong wika ng guro namin.
Agad ko namang nilingon ang bagong salta. Bahagyang pa akong napangisi at mapaglarong pinaikot ang dila sa aking labi habang pinagmamasdan siya. Nanatili naman siyang nakatayo nang tahimik habang nakatingin sa'ming lahat, nakangiti ng pagkalaki-laki na halos mapunit na ang kanyang labi.
"Hello everyone, I'm sorry I'm late. Nice to meet you all," nakangiting pagbati nito.
Nanatili namang tahimik ang buong klase, binabantayan ang bawat kilos niya.
"Pwede ka ng maupo, maghanap ka na lang ng bakanteng upuan." Tumango naman ang babae at saka naupo sa bakanteng upuan, katabi ni Sahara.
Pinagmasdan ko pa siya ng ilang saglit bago ko ibinalik sa harap ang atensyon ko. Nagsimula na ring magbulung-bulungan ang mga kaklase ko, hindi ko tuloy maiwasang mapangisi habang pinapaikot ko ang ballpen sa daliri ko.
Bago pa man siya tumapak sa classroom na ito ay usap-usapan na siya sa school. They called her weirdo because of her looks. May ilan ring nagsasabing mangkukulam siya kaya takot na ang karamihan sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako at saka nakinig sa lesson.
Makalipas ang isang oras ay tuluyan ng nagpaalam si Miss Rachel. Natahimik naman ang buong klase at sabay-sabay na nilingon ang bagong salta.
"Hindi ka ba natatakot?" Nangunot naman ang noo ko at nagtatakang nilingon ang nagsalita. Ang akala ko kung sino, si Sanaya lang pala.
"Afraid of what?" Napailing naman si Sanaya tsaka pasimpleng sinulyapan ang transferre. Walang ni isang nagtangkang kausapin siya.
"Hindi mo ba alam na napatalsik siya sa dati niyang school dahil sa pumatay siya ng limang estudyante?" Natigilan naman ako at hindi makapaniwalang napatitig sa transferre.
"Bakit naman siya papatay?" interesadong tanong ko, mukha kasi siyang mahina.
"Ewan ko, ang alam ko lang nabully siya noon." Napangisi naman ako, nilaro-laro ko pa ang ballpen ko bago tuluyang tumayo.
"Kung ganun, bakit hindi natin subukan?" Agad namang nangunot ang noo ni Sanaya.
"Sin Layne. Anong binabalak mong gawin?" Hindi naman ako sumagot. Binigyan ko lang ng nakakalokong ngiti ang kaibigan ko bago naglakad palapit sa bago naming kaklase.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong naupo sa desk niya habang pinapaikot ang ballpen sa kamay ko. Ngumiti pa ako at mapaglarong hinaplos ang pisngi niya gamit ang ballpen na hawak ko.
"What's your name, weirdo?" Hindi naman niya ako sinagot. Napairap naman ako at inis na hinila ang dulo ng buhok niya ngunit nanatili pa rin siyang tahimik. Sinubukan kong kumalma pero masyado niyang sinasagad ang pasensya ko. Ayoko sa lahat ay 'yong pinaghihintay ako.