[KABANATA 5]
PAGKATAPOS kumain, nagpaalam sa akin si Fabian dahil may aasikasuhin daw siya sa trabaho. Nakalimutan ko tuloy itanong kung anong trabaho niya. Ayoko namang itanong sa mommy niya dahil natatakot ako. Hinintay ko na lang mag-ala una ng hapon. Meron nang nakaabang na isang itim na kotse—ito daw ang maghahatid sa akin sa pupuntahan ko. Nang makasakay na ako, agad na itong umandar. Kinuha ko ang cellphone na nasa bag ko ng mag ring ito. Napangiti ako nang makitang galing iyon kay Fabian. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag niya.
"Hello, Fabian."
Rinig ko ang bigat ng hininga niya sa linya.
"Anong oras matatapos ang shooting mo?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napasandal ako sa car seat.
"Hmmm... 5:00 PM or 6:00 PM," nakangiti kong sabi na para bang nandito siya sa harapan ko. Mabuti na lang at may security partition kaya hindi ako kita ng driver dahil sigurado akong namumula na ang magkabilang pisngi ko.
"4:00 PM pupuntahan kita sa shooting mo. Pagkatapos, kumain tayo sa kahit anong restaurant na gusto mo."
Kinagat ko ulit ang pang-ibabang labi ko. Grabe, kinikilig ako.
"Daisy, are you there?"
"Sure, Fabian," mabilis kong sagot. Nagpaalam na siya sa akin. Hindi nawala ang ngiti ko kahit sa pagbaba ko ng kotse at pagpasok sa kumpanya. Pumunta ako sa dressing room kung saan nandoon na ang ilang model na kasama ko. Inayusan ako ng assistant ko, mula sa make-up hanggang sa buhok. Ramdam ko ang titig ni Tanya, ang karibal ko pagdating sa mga project. Ngumiti ako sa kanya, pero inirapan lang niya ako. Lahat ng model dito ay ayaw sa akin dahil inaagaw ko daw sa kanila ang spotlight na dapat ay para sa kanila.
"Ang ganda mo talaga, Madam Daisy. Kaya maraming project ang napupunta sa 'yo dahil sa natural mong ganda," pambobola ng assistant ko. Mahina ko siyang hinampas at tumawa na lang. Ang theme ngayon ay "Angel Outfit." Nakalugay ang mahaba kong buhok, at lantad na lantad ang makinis kong hita at pusod. Nagsimula na ang shooting, at nasa gitna ako.
"Daisy, very good!" sigaw ng photographer habang kinukuhanan ako ng larawan nang mag-isa. Maya-maya pa, pinalapit na sa akin si Ryan. Bigla akong nanlamig; pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin.
"Daisy, pwede ba tayong lumabas?" tanong ni Ryan. Hindi ako lumingon sa kanya dahil kinukunan kami ng larawan. Nasa likod ko siya at yakap ang bewang ko.
"Hindi pwede," malamig kong sabi.
"May asawa ka na nga pala," bulong niya sa tainga ko. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa niya.
"Ano bang ginagawa mo, Ryan?"
"Wala naman akong ginagawa, Daisy. Pumayag ka na. Hindi naman malalaman ng asawa mo."
Umigting ang panga ko dahil sa narinig. Inis akong lumayo sa kanya.
"What's wrong, Daisy?" sigaw ng photographer. Napahawak ako sa leeg ko at pinakalma ang sarili. Matalim ang mga mata kong tinignan si Ryan, pero matamis lang itong ngumiti sa akin.
"Break time muna tayo. Mukhang pagod na si Daisy," nakangiting sabi ni Ryan. Tumango naman ang photographer. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang hinapit niya ang bewang ko. Lantaran ang ginagawa niya—gago ba siya?
"What the f*ck, Ryan?"
"Ano ka ba? Huwag ka nang pakipot. Sabi sa akin ni Tanya, gusto mo daw ako," nakangising sabi nito. Hinanap ko si Tanya at natagpuan ko siyang nakangisi kasama ang ilang model na galit sa akin. Si Ryan ay anak ng isang CEO sa kumpanyang pinagtratrabaohan ko. Babaero, at halos lahat yata ng model na natitipuhan niya ay natikman na niya—maliban sa akin.
"Sino ba ang asawa mo? Hindi mo kami ininvite dahil siguro walang kaya 'yon. Daisy, kaya kong ibigay sa 'yo ang lahat. Pumayag ka na lang maging girlfriend ko. Kung ayaw mo naman ng isang relasyon, sex slave..." Mabilis ko siyang sinampal, dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin niya. Lumayo ako sa kanya at mabilis na naglakad papuntang dressing room. Nagulat pa ang ilang model na nag-aayos ng kanilang gamit.
"Pasensya na," sabi ko. Umupo na lang ako sa swivel chair at kinalma ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at inaliw na lang ang sarili ko sa paglalaro. Maya-maya pa, bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok ang isang model.
"Si Sir Ryan ay pinukpok ng bote sa ulo kaya canceled na daw ang shooting. Nagkakagulo ang lahat."
Napatayo ako sa narinig. Lahat kami ay lumabas ng dressing room. Nasa stretcher na si Ryan, bitbit ng dalawang paramedic.
"Ano bang nangyari?" rinig kong tanong ng isang model kay Tanya.
"Sabi ni Elmer, nang pumasok siya sa banyo, nakita niyang nakahandusay si Ryan sa sahig. Meron ding bote na nasa tabi nito, at ang mas matindi pa ay merong papel na iniwan ang may gawa kay Ryan. Ang nakasulat: 'Touch her again and I will kill you,'" kwento ni Tanya. Bigla akong kinalabutan. Napalingon si Tanya sa akin at lumapit ito.
"Siguro ikaw ang may gawa nun," pagbibintang nito. Pinagtanggol naman ako ng ilang model na kasama ko sila sa dressing room kaya imposible na ako ang may gawa nun. Dahil sa nangyari, alas-kwatro pa lang ay pinagligpit na kami ng mga gamit.
Biglang pumasok sa isipan ko si Fabian. Umiling ako dahil kung ano-ano na lang ang naiisip ko. Hihintayin ko na lang siya sa labas ng kumpanya. Nang makalabas ako, nandoon si Tanya at ang mga kaibigan nitong limang model.
"Ipakilala mo naman kami sa mayaman mong boyfriend, Tanya," sabi ng isa. Tumawa naman si Tanya sa narinig.
"Susunduin ako, ipapakilala ko sa inyo," sabi nito at biglang lumingon sa akin.
"Ikaw, Daisy, kailan mo ipapakilala sa amin ang asawa mo?" tanong nito. Wala kasi akong na-invite na kahit isa sa kanila dahil biglaan ang kasal namin ni Fabian. Ngumiti na lang ako sa kanya dahil baka hindi dumating si Fabian.
"Anong trabaho ng asawa mo?" tanong ulit nito.
"Hindi ko alam," sagot ko.
"Hindi mo alam! Baka nahihiya ka lang sabihin. Hindi mo kami ininvite dahil kinahihiya mo ang asawa mo."
Sunod-sunod akong umiling sa sinabi niya. Hindi ko kinahihiya si Fabian; sa totoo lang, ako dapat ang ikahiya niya dahil malayo ang estado ng buhay ko sa estado niya. Napalingon kami sa isang itim na kotse na huminto sa harapan namin. Lumabas doon ang isang matangkad na lalaki, may itsura naman ito. Lumapit ito kay Tanya.
"Guys, si Elton nga pala, boyfriend ko. Isa siyang abogado," nakangiting sabi nito sa amin. Sinuri ako ng boyfriend ni Tanya, at hindi ko gusto ang tingin nito sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin, lihim itong ngumisi sa akin. Isa na namang g*go katulad ni Ryan.
"Why don't you invite your friends to dinner, babe? It's my treat," nakangiting sabi nito. Pumalakpak naman ang limang kaibigan ni Tanya.
"Oo nga, hindi ko nga pala nasabi. Si Elton ang pinakasikat na abogado, maraming kumukuha sa kanya lalo na yung mga mayayaman. Matalino kasi itong boyfriend ko at mayaman din," tunog pagmamayabang ni Tanya.
Biglang may malakas na bomesa kaya napalingon kami sa kotse na huminto.
"Bugatti La Voiture Noire ba 'yan?" sabi ni Tanya at napalayo siya kay Elton para pagmasdan ang itim na kotse. Bumukas ang pinto.
"Fabian?" gulat kong sabi. Malamig ang tingin nito sa akin—ganyan naman palagi. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko, pagkatapos ay lumayo siya sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko. Napalingon ako kina Tanya—laglag ang mga panga nila habang nakatingin kay Fabian. Ganyan din ako nang una ko siyang makita. Hindi lang panga muntik narin ang panty ko.
MOONLOVERPRINCESS2
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH HUSBAND
RomanceMAMAHALIN MO PA RIN BA ANG ASAWA MO PAGNALAMAN MO ANG MADILIM NITONG SIKRETO? HINDI KABIT ANG INU-UWI NITO KUNDI BANGKAY! MAHAL SIYA NITO NGUNIT MADUGONG PAGMAMAHAL NAMAN ANG PINAPARANAS NITO SA KANYA.