KABANATA 7 "BASEMENT"

82 3 0
                                    

[KABANATA 7]

Nang makasakay na kami sa kotse, pinakalma ko siya dahil pinaghahampas niya ang manibela. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot. Hinawakan ko ang balikat niya, at napatigil siya sa paghahampas at nilingon ako. Napa-atras ako nang muli kong makita ang nagliliyab niyang mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang panga ko.

"Fabian," kinakabahan kong tawag sa pangalan niya. Parang ibang tao ang nasa harapan ko. Nasasaktan ako sa marahas na paghawak niya sa panga ko.

"Bukas, doon ka lang sa kwarto natin, at simula ngayon, ipinagbabawalan na kitang pumasok sa trabaho mo bilang modelo. Ako ang bubuhay sa'yo kaya hindi mo na kailangan pumasok sa trabaho," seryoso niyang sabi sa akin. Sunod-sunod akong napalunok. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa panga ko.

"Fabian, hindi puwede," inis kong sabi. Marahas na umigting ang panga niya, at napasandal na ako sa pinto ng kotse nang mahina niya akong tinulak.

"Ako ang masusunod," diin nito sa bawat salita. Inabot ng isa niyang kamay ang buhok ko at masuyong hinaplos iyon.

"Hindi ka pwedeng maangkin ng iba, Daisy," bumaba ang kamay niya sa balikat ko, at bigla akong nakuryente sa ginawa niya. Parang hindi na siya si Fabian na kilala ko, o baka lumabas na ang totoong pagkatao niya. Binitiwan niya ang panga ko at marahas na hinalikan ang labi ko. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya para ilayo siya, ngunit marahas ang paghalik niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko. Lumandas sa loob ng bibig ko ang dila niya. Napasinghap ako dahil sa ginagawa niya at hindi ako makahinga nang maayos. Nang maghiwalay ang aming mga labi, hingal na hingal ako.

"Ahhhh," sigaw niya.

Sumiksik ako sa upuan ko. Para na siyang nababaliw. Ganito ba talaga ang totoong ugali ni Fabian? Pinaandar na niya ang engine ng kotse. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. Nanggigil siya.

Tinakpan ko ang mukha ko nang maramdaman ang luha sa aking mga mata. Tahimik akong umiyak. Ang hirap tanggapin na may madilim na bahagi si Fabian. Para siyang may sakit sa pag-iisip dahil ang nakita ko kanina ay parang hindi siya.

"Daisy," malumanay na pagtawag ni Fabian sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko at nilingon siya. Naglaho ang nagliliyab niyang mga mata at naging malambing iyon. Lumapit siya sa akin at mabilis akong niyakap.

"Pasensya na kung nasaktan kita," sabay haplos niya sa buhok ko. Hindi ako umimik at hinayaan ko lang siya na gawin ang gusto niya. Lumayo siya at inabot ng hinlalaking daliri niya ang pang-ibabang labi ko, hinaplos niya iyon hanggang sa maramdaman ko ang sakit doon. Kanina ay hindi ko naman naramdaman, ngunit ngayon ko lang naramdaman dahil sa ginawa niya. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin. Pilit lamang akong ngumiti sa kanya. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan niya ako. Inalalayan niya ako kahit sa pagpasok sa mansion, maingat ang hawak niya sa dalawang braso ko, para tuloy akong lumpo na hindi makalakad.

"Fabian, son, what happened?" nakangising tanong ng mommy ni Fabian.

"She's fine," malamig na sagot ni Fabian at tinalikuran ang mommy niya. Umakyat kami sa hagdan, at bigla niya akong kinarga. Tinikom ko ang bibig ko at yumuko, ayaw kong makipagtitigan kay Fabian. Nang marating namin ang kwarto, marahan niya akong binaba sa kama. Lumuhod siya sa harapan ko na ikinagulat ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Patawarin mo ako, Daisy," sabay halik niya sa ibabaw ng dalawang kamay ko. Ngumiti lamang ako sa kanya. Nagulat ako nang gumanti siya ng ngiti sa akin. Imbes na natuwa ako, kinalabutan ako. Tumayo siya at hinalikan ang noo ko.

"Magpahinga ka na, may aasikasuhin lang ako."

Binitiwan niya ang mga kamay ko. Nang tumalikod siya, hinawakan ko ang dulo ng blazer niya.

"What's wrong?" malambing niyang tanong.

"Saan ka pupunta? Gabi na."

"Babalik lang ako."

Binitiwan ko na ang blazer niya at tumango na lamang. Nang maka-alis na siya sa kwarto, humiga ako sa kama. Nakipagtitigan ako sa kisame.

"Mukhang nagsisimula na ang buhay ko bilang asawa ni Fabian."

Nakaramdam ako ng pagod at antok kaya natulog na lamang ako. Sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog, napabangon ako dahil sa malakas na kalabog. Tanging ang lamp na nasa tabi ko ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto.

"Wala pa si Fabian," mahina kong sabi. Tiningnan ko ang orasan, alas-siete na ng gabi. Bumaba ako sa kama at lumabas ng kwarto. Sobrang dilim, wala akong maaninag na kahit ano. Nagtitipid na ba sila ng kuryente? Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ng lamig. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone para gawing ilaw. Muli akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakakailang hakbang pa lang ako papuntang kusina nang matanaw ko ang mommy ni Fabian. May hawak itong lampara.

"Tita," tawag ko. Tumingin ito sa akin at muli kong nasilayan ang ngisi sa labi niya. Siguro normal na iyon sa kanya. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Halika," pagyaya nito sa akin. Hinila niya ako papasok sa kusina at huminto kami sa isang pader.

"Tita, matulog na lang po tayo. Nasaan ba si Fabian?"

"Ang anak ko ay palaging busy sa loob niyan," sabay turo niya sa pader. Kumalabog ang dibdib ko, ramdam ko rin ang panginginig ng mga tuhod ko.

"Hindi ko po kayo maintindihan?"

Tumingin siya sa akin at naging seryoso ang mukha niya.

"Palagi ko siyang nakikita diyan. Papatunayan ko sa'yo na nandiyan siya," inis na sabi niya. May kung ano siyang kinapa sa pader hanggang sa malakas niyang diniin iyon, dahilan para mahati ang pader at lumitaw ang isang basement.

"Sabi ko naman sa'yo, di ba?" Nakuha pa nitong tumawa.

"Tita, babalik na ako sa kwarto ko," sabay talikod ko. Hinawakan niya ang palapulsunan ko at hinila ako papasok sa loob. Nagpupumiglas ako dahil ayoko pumasok sa loob, pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsunan ko at ramdam ko rin ang matutulis niyang kuko sa pulso ko. Tanging hawak niyang lampara ang nagsisilbing ilaw sa madilim na basement. Huminto kami sa isang pinto at nakarinig kami doon ng sigaw ng isang babae. Binitiwan niya na ako.

Napa-atras ako sa takot, lalo na nang buksan niya ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa harapan ko si Fabian. Naka-suot ito ng asul na surgical scrub, may hawak din siyang injection. Mas lalo akong napa-atras nang makita ang isang babaeng nakahiga sa kama at putol ang dalawang hita at dalawang braso nito. Hindi ko na hinintay na makalapit siya sa akin, mabilis akong tumakbo palabas ng basement. Nang marating ko ang pinto palabas ng mansion, pinihit ko iyon pero naka-lock. Nataranta ako nang makarinig ng mabibigat na hakbang.

"Daisy!" galit na sigaw ni Fabian. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko. Nang makapasok ako, agad ko itong ni-lock. Hinarang ko rin ang isang sofa sa harap ng pinto. Napatili ako nang marinig ko ang pag-hampas niya sa pinto.

MOONLOVERPRINCESS2

PSYCHOPATH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon