[KABANATA 9]
Isang taon na ang lumipas simula nang huli kong makita si Fabian. Tahimik at tila walang kulay ang mga araw ko mula noong umalis siya. Kahit na pilit kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho, hindi ko maikakaila na may puwang sa puso ko na siya lang ang makakapuno. Ang balita na pumunta siya ng America ang tanging alaala ko mula sa kanya. Walang araw na hindi ko naisip na sana’y makita ko siya muli, kahit saglit lang.
Sa buong taon na iyon, sinubukan kong magpatuloy sa buhay, ngunit parang laging may kulang. Hindi ko maikakaila na tuwing gabi, bago ako matulog, iniisip ko pa rin siya—ano na kaya ang nangyari sa kanya? Nakahanap na kaya siya ng kapayapaan na matagal na niyang hinahanap? At sa kabila ng lahat, naaalala pa kaya niya ako?
Hanggang sa isang araw, habang naglalakad ako sa parke, may nakita akong isang lalaki na kahawig ni Fabian. Napahinto ako, at mabilis na tumiibok ang puso ko. Tumigil din siya at saglit kinakabahan akong lumapit, ngunit noong humarap ito napagtanto kong hindi pala siya si Fabian.
"Pasensya na, nagkamali lang ako," alanganing sabi ko at patakbong lumayo. Parang lahat ng nakikita ko ngayon ay mukha ni Fabian, kahit na alam kong hindi siya iyon. Sa mga lumipas na araw ay inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho ko. Meron na akong sariling coffee shop. Kinahapunan na pagdisesyonan kung pumunta sa restaurant kung saan kami unang nagkita ni Fabina nag order din ako ng kape. Napangiti nalamang ako habang pinagmamasdan ang kape.
"Can I sit here?" Isang pamilyar na boses ang naranig ko dahan-dahan na umangat ang mga maga ko upang kumpirmahin kung tama ako.
"Fabian" usal ko. Tulad ng dati ay hindi parin nagbago ang malamig niyang mga mata ngunit pansin ko ay ang maaliwalas niyang mukha. Umupo siya at tinitignan ako. Naluluha ang mga kaya ko hanggang sa hindi ko na napigilang umiyak. Nagulat siya kaya agad siyang tumayo at nang makalapit siya sakin ay niyakap niya ako.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Sinusubukan kong hanapin ang sarili ko, Daisy. At sa paghahanap na iyon, ikaw pa rin ang natagpuan ko," tugon niya dahan-dahan akong lumayo sa kanya.
Lumuhod siya sa harapan ko, at parang bumalik lahat ng alaala—lahat ng sakit, lahat ng pag-asa. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, ngunit natatakot ako.
"Daisy, alam kong hindi gano'n kadali para sa iyo na tanggapin muli ako sa buhay mo. Pero handa akong maghintay. Handa akong patunayan sa iyo na kaya kong maging mas mabuting tao, para sa'yo, para sa atin."
Tinitigan ko siya sa mata at nakita ko ang sinseridad doon. Hinayaan ko lang siya magsalita.
"Alam kong marami akong pagkukulang at kasalanan, Daisy. At hindi kita masisisi kung hindi ka pa handang magtiwala muli. Pero kahit anong mangyari, hinding-hindi ako titigil na ipakita sa iyo na kaya kong magbago. Na kaya kong ayusin ang mga mali ko."
Naramdaman kong bumibigat ang puso ko. Napakaraming emosyon ang naglalaban sa loob ko—takot, galit, pangungulila, at isang piraso ng pag-asa na baka sakaling tama siya. Baka sakaling maaari pa kaming magsimula muli.
"Daisy, Nakipag-usap ako sa mga eksperto at hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari noon. Kailangan kong baguhin ang sarili ko—hindi lang para sa’yo, kundi para sa akin din."
Napansin kong nag-iba na ang itsura ni Fabian—mas lalo siyang gumawapo sa pangin ko at tumangkad pa lalo.
"Daisy, Hindi kita pipilitin agad-agad na balikan ako. Alam kong kailangan mo ng panahon para mag-isip at magdesisyon. At kung hindi ka pa handa, hihintayin kita. Pero kung sa tingin mo ay may pagkakataon pa, gusto kong ipakita sa’yo na kaya ko nang maging ibang tao. Mas mabuting tao," aniya, sabay bitaw ng malalim na buntong-hininga.
Napatitig ako sa kanya. Ang mga mata niya ay nagsasabi ng mga bagay na hindi kayang bigkasin ng kanyang mga labi.
"Fabian, isang taon akong naghintay ng pagkakataong ito. Isang taon kong pilit na kinalimutan ang sakit at pangungulila. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawang kalimutan ka dahil mahal talaga kita," sabi ko, sabay tulo ng mga luha ko. Hindi ko napigilan ang pagluha dahil sa bigat ng damdamin na pilit kong kinikimkim.
"Alam ko, Daisy. Alam kong nasaktan kita, at alam kong mahirap akong mahalin. Pero handa akong gawin ang lahat para mabawi ang tiwala mo. Hindi kita bibigyan ng dahilan para magduda o matakot muli," sagot niya, sabay abot ng kamay ko. Ramdam ko ang init ng kanyang palad, ngunit may pag-aalinlangan pa rin akong nararamdaman.
"Daisy, gusto kong malaman mo na hindi naging madali para sa akin ang mag-isa. Maraming beses kong inisip na bumalik sa’yo, pero alam kong hindi pa ako handa. Kailangan kong ayusin ang sarili ko bago ko muling harapin ang mga pagkakamali ko sa’yo. Pero ngayong narito na ako, gusto kong simulan muli. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon," aniya, habang hinahaplos ang likod ng kamay ko.
"Bakit, Fabian? Bakit ka bumalik? Hindi ba dapat kalimutan na natin ang lahat? Magsimula ng bagong buhay, magpatuloy?" tanong ko.
"Bumalik ako dahil mahal kita, Daisy. Bumalik ako dahil alam kong hindi pa tayo tapos. Hindi pa tapos ang kwento natin. Alam kong masalimuot ang nakaraan natin, pero naniniwala akong may pag-asa pa tayo. At kahit gaano pa kahirap, handa akong harapin ang lahat ng iyon basta’t kasama kita."
"Fabian, gusto kong magtiwala muli. Gusto kong maniwala sayo dahil mahal na mahal kita at sana wag mo na aking saktan,"
"Alam ko, Daisy. Kaya ko ginugol ang isang taon na ito para ayusin ang sarili ko, para hindi ka na muling masaktan. Alam kong mahirap maniwala ngayon, pero handa akong patunayan sa’yo na kaya ko nang maging mas mabuting tao."
"Tatanggapin kita ng buong-buo Fabian"
Pinunasan ni Fabian ang mga luha sa aking mga pisngi, at hinawakan niya ang aking mukha, tinitigan ako ng buong sinseridad.
"Hindi ko inaasahan na tatanggapin mo ako agad, Daisy."
Ngumiti lamang ako at niyakap siya ng sobrang higpit.
MOONLOVERPRINCESS2
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH HUSBAND
RomanceMAMAHALIN MO PA RIN BA ANG ASAWA MO PAGNALAMAN MO ANG MADILIM NITONG SIKRETO? HINDI KABIT ANG INU-UWI NITO KUNDI BANGKAY! MAHAL SIYA NITO NGUNIT MADUGONG PAGMAMAHAL NAMAN ANG PINAPARANAS NITO SA KANYA.