[KABANATA 6]
Bumulong sa akin si Fabian, dahilan para maramdaman ko ang init ng hininga niya.
"Bakit nagulat ka? Sinabi ko naman sa’yo na pupuntahan kita, diba?" malamig niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong sunod-sunod na napalunok. Nanginginig din ang dalawang tuhod ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko.
"Siya ba ang asawa mo, Daisy?" tanong ni Tanya. Lumayo sa akin si Fabian at inayos ang tindig niya.
"Oo, si Fabian nga pala," at awkward akong ngiti. Lumapit si Tanya at nagpakilala, gayundin ang mga kaibigan nito. Napabuntong-hininga na lang ako. Sa kilos pa lang nila, halata nang nahipnotismo sila ni Fabian kahit wala naman itong ginagawa. Pagkatapos nilang magpakilala, niyaya kami ni Tanya na sumama sa kanila. Tumanggi si Fabian dahil nga may lakad kaming dalawa.
"Sige na, Fabian," pamimilit ni Tanya.
'Daisy?" malamig na tawag niya sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita na sasama na lang kami kina Tanya dahil mukhang wala itong balak na paalisin kaming dalawa. Sinabi niya ang address ng restaurant bago kami kanya-kanyang sumakay sa kotse. Naging tahimik ang biyahe namin ni Fabian hanggang maramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko—sobrang init non. Nilingon ko siya, pero ang mga mata niya ay nasa kalsada.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik," tanong nito sa akin.
"Ayos naman ako, Fabian. Pasensya ka na kung pumayag akong sumama tayo sa kanila." Pagkatapos kong sabihin iyon, mahina niyang pinisil ang hita ko. May kakaibang kuryenteng bumuhay sa sistema ko.
"Tomorrow, let's have a date. Hindi ka ba busy?"
Hindi pa rin siya lumingon sa akin.
"Hindi naman, Fabian. Pagkatapos kasi ng nangyari doon sa kasamahan kong model, mukhang postponed yung photoshoot," sagot ko sa tanong niya. Tumango naman siya.
Naging tahimik na naman kami sa loob ng kotse hanggang sa narating na namin ang restaurant na tinutukoy ni Tanya. Sa labas pa lang, masasabi ko nang pangmayaman lang ang may afford dito. Pinagbuksan ako ng pinto ni Fabian, at nang makababa na ako, muling pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Eto na naman, ang puso ko sobrang lakas ng kalabog. Pinagbuksan naman kami ng pinto sa may entrance. Nakaka-ilang hakbang pa lang kami ay sinalubong na kami ni Tanya. Mag-isa lang ito. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga mata niyang kumikinang para kay Fabian.
"Sa Private Room tayo," sabi nito sabay kapit sa braso ni Fabian na ikinagulat ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Nakaramdam din ako ng inis, parang mahihigh blood ako sa ginawa ni Tanya.
"Get your hand off my arm!" galit na bulong ni Fabian na pareho naming ikinagulat ni Tanya. Pero sandali lang ang pagkagulat ko dahil pinigilan kong tumawa nang makita ang mukha ni Tanya na para siyang matatae.
"Ah, pasensya na. Tara na," natatarantang sabi nito sa amin at tinalikuran na kami. Naglakad na kami ni Fabian, umakyat kami sa hagdan hanggang sa marating na namin ang Private Room. Binuksan ni Tanya ang pinto at iniladlad ang kamay nito para papasukin kami sa loob. Nang makaupo na kami ni Fabian, nagsimula nang magtanong kung ano-ano ang mga kaibigan ni Tanya, lalo na ang katabi nitong parang gusto nang umupo sa kandungan ni Fabian. Nasa harapan ko naman si Elton. Hindi ko talaga gusto ang tingin nito sa akin.
Si Tanya na ang nag-order para sa amin, pero ayaw ni Fabian kumain. Wine lang daw siya. Nagkwentuhan sila, minsan palihim na lang akong bumungisngis dahil hindi sinasagot ni Fabian ang mga tanong nila kaya mas pinili na lang nilang manahimik. Nang dumating na ang pagkain, nakuha pa akong lagyan ni Fabian ng pagkain sa plato.
'Kunti na naman ang kakainin mo, tulad kaninang umaga," mahinang wika niya na para bang gusto niyang ako lang ang makarinig. Kung ganito palagi si Fabian, madali akong mahuhulog sa kanya. Siya yung tipo ng lalaki na malamig ang aura pero masasabi kong gentleman. Nasa vocabulary niya yata ang ‘wag magpakita ng emosyon.
"Fabian, baka hindi ko ito maubos."
"Ako ang uubos."
Umuwang ang labi ko sa sinagot niya hanggang sa unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko. Parang may sarili kaming mundo ni Fabian dahil kami lang ang nakakarinig sa pinag-uusapan namin. Pinaghiwa niya pa ako ng karne para madali ko raw malunok. Ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko.
Kinikilig ako!
"Fabian, ano nga pala ang trabaho mo?" tanong ni Tanya.
"CEO ako ng isang kumpanya," sagot ni Fabian.
Kahit ako ay napaungol dahil sa gulat. Kaya pala palagi siyang naka-business attire, CEO pala siya. Hanggang doon na lang ang pag-uusap. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang sapatos na sumangga sa sandal ko. Iniangat ko ang mukha ko at tiningnan si Elton. Mabilis siyang kumindat sa akin.
"Kung tusukin ko kaya yang mata mo," inis kong sabi sa aking isipan. Napahawak ako sa leeg ko nang inulit pa nito ang pagtama ng sapatos niya sa sandal ko. Biglang tumayo si Fabian at naglakad palapit kay Elton. Gulat na gulat kami nang hinablot niya ang necktie ni Elton.
“Fabian!” wika ko. Tumayo ako at agad akong lumapit sa kanya.
"I don't have much patience for people like you. If you do that again, I'll break your leg," galit na pagbabanta ni Fabian. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa necktie ni Elton. Napalingon siya sa akin, naglaho ang nagliliyab niyang mga mata at nanlambot iyon.
"Tama na, Fabian," pumiyok ako. Tila may bombang sumabog sa harapan niya dahil gulat ang expression niya. Bigla niya akong niyakap. Hanggang sa makumpirma kong umiiyak na pala ako. Lumayo ako sa kanya at hinawakan ko ang palapulsuhan niya, nanginginig pa ang kamay ko. Hinila ko siya, gusto ko nang umuwi. Naglakad kami pero tumigil siya. Kinuha niya ang wallet sa bulsa ng suot niyang trouser at inilabas doon ang isang itim na card at tinapon niya iyon sa lamesa. Siya na ang humawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng private room na iyon.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-trigger kanina, pakiramdam ko kasi kung hindi ko pinigilan si Fabian, parang mapapatay niya si Elton.
MOONLOVERPRINCESS2
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH HUSBAND
RomanceMAMAHALIN MO PA RIN BA ANG ASAWA MO PAGNALAMAN MO ANG MADILIM NITONG SIKRETO? HINDI KABIT ANG INU-UWI NITO KUNDI BANGKAY! MAHAL SIYA NITO NGUNIT MADUGONG PAGMAMAHAL NAMAN ANG PINAPARANAS NITO SA KANYA.