You are not alone

43 0 0
                                    

AN: Eto po ay na-experience ng mama ko sa bahay namin, hindi pa ako nabubuhay ng mga panahong yon. :)


Mama's POV

"Pael, ikaw nga muna ang pumunta sa palengke, eto ang listahan."

Hapon ng mga oras na yon nang utusan ko ang kapatid ko na mamalengke. Magkakasama kami ng kapatid at anak kong panganay sa bahay namin.

"Mama sama ako kay tito!"

"Osige bahala ka, wag kayo magtatagal ha."

Umalis na sila samantalang ako ay nasa kwarto at nakahiga sa kama, nakatalikod ako sa kaliwa kung nasaan ang pintuan ng kwarto. Gising ako pero nakapikit na ako noon nang maya-maya'y naramdaman kong lumundo ang kama sa likuran ko. Hindi pa pala sila umaalis.

"Oh, akala ko umalis na kayo. Bakit nandito pa kayo?"

Kasabay ng pagsabi ko noon ay lumingon ako paharap. Isang mabilis na mabilis na anino ang agad na lumabas sa pintuan, nawala din ang pagkalundo sa kama. Agad akong tumayo at sinundan baka niloloko lang ako ng anak ko. Pagtingin ko sa sala ay walang tao, ngunit bukas ang pinto.

"Walangya, iniwan pang bukas ng pinto!"

Tumingin ako sa labas, walang tao. Kaya isinara ko na ang main door namin. Pumunta ako sa kusina at banyo, pati likod ng bahay namin pero.. Walang tao.

Marahil ay nagmamagandang-loob ang ibang nakatira sa amin, para isara ko ang pinto at baka mapasukan ang bahay namin.

True Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon